Malapit na naman magpasukan pero hindi parin ako nagugustuhan pabalik ni Ethan. Charott! HAHAHAHAHAHA parang ang laki naman ng problema aney? Ay nandito nga pala ako sa school ngayon. Mag-eenroll ako para sa G10 e. Grabe ang bilis natapos ng G9 days ko. Parang kailan lang nung makilala ko si Ethan. Parang kailan lang nung nalaman kong sila ni Dayne. Parang kailan lang puro rejections niya ang natatanggap ko. Ay hanggang ngayon parin pala HAHAHAHAHA. So ayun, balik tayo. Nasa school nga ako para mag-enroll at malaman ang aking section. Ang lungkot naman nasa kabilang section yung dalawa kong kaibigan. Halos lahat kami ay magkakasama tapos sila lang mahihiwalay. Hayysss:(( Habang nagdadrama ako ay palinga-linga ako. Umaasa kasi akong mapapawi ng pagkakita ko kay Ethan ang kalungkutan ko. Pero wala akong Ethan Miguel Clemente na nakita. Nandito naman mga kaibigan at kaklase niya. Nasaan na kaya iyon? Makauwi na nga lang.
FASTFORWARD...
(BRIGADA ESKWELA)Nagising na naman ako sa sunod-sunod na vibrate ng aking cellphone. Ano ba naman tong mga ito? Kay aga-aga ay sandamakmak na messages na agad natanggap ko mula sa kanila. Akala mo naman hindi magkikita mamaya sa school. Sobrang agap pa naman ngayon. Wengya talaga. Hayaan ko nga muna tong mga messages nila. Makakausap ko naman sila mamaya sa school e. Pagkabangon ko ng kama dahil sa tawag, texts, at messages nila sa iba't ibang social media accounts ko ay dumiretso na agad ako sa cr para maligo. Makapaghanda na nga lang sa pagpunta ng school. Tutal naman hindi naman na ako makakatulog kahit mamaya pang 9am ang aming paglilinis ng school. Pagkaligo ay kumain ako saglit tapos umalis na ako ng bahay kahit 7:30am palang. Wala e. Miss na miss na ata ako ng mga kaibigan ko. Atsaka ilang minuto rin naman kailangan para makapunta sa school e.
SA TAPAT NG GATE...
Si Ethan yun ah? Malapitan nga. Ako ata hinihintay nito e. Charot! HAHAHAHAHAHA lapitan ko na.
Awts gege. Lalapitan ko na sana kaso nakita ko si Dayne papalapit sa kanya. Naalala ko yung chats ng mga kaibigan ko. At natagpuan ko don ang balitang si Dayne at Ethan na ulit. Gandang bungad naman. Akala ko pa man din ay magiging okay itong school year na ito. Akala ko lang pala yun. Hayaan mo, Ethan. Hindi ko naman kayo guguluhin e. Gaya nga ng sabi ko sa inyo noon, happiness niyo ang mas mahalaga kaysa sa sarili kong happiness. Pero sana wag na kayong magkasakitan. Sana wag niyo na iwan ang isa't isa. Kapag kasi nangyari yun ay magiging marupok na naman ako. Babalik na naman ako sa pangungulit. Hanggang sa hindi ko na ulit ikaw tantanan. Hahayaan ko na muna kayong dalawa ni Dayne. Pero once na saktan ka na naman niya(huwag naman sana) ay baka makalimutan ko na kaibigan ko siya. She cheated before. Hindi ako nagalit kasi alam ko naman na alam niya ginagawa niya. Pero once is enough. Alam naman niya tama at mali kaya I hope di na niya uulitin yun. I don't want to see you crying. I don't to see you broken. I want to see you smiling. I want to hear your laughs even if these are because of my friend.
"Hoy, Elle? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ng mga kaibigan ko. Hays, love ko talaga kayo guys. Nandito lang din kayo palagi to support and comfort me.
"Oo naman. Wala naman dahilan para malungkot. Atsaka ako paba? HAHAHAHHAAHAHHA strong kaya ako." Agad kong tanggi sa paratang na totoo pero mas pinili kong itago totoo kong nararamdamang sakit. I don't want them to worry about me. Alam ko namang may mga problema rin sila. Ayaw ko makadagdag sa isipin nila. Mas okay na solohin to.
PRESENT TIME...(check muna natin kung ano na lagay ng kasalukayan nila HAHAHAHAHAHAHA)
"Hoy, Elle! Tara na. Akala ko naman gising kana." Grabe talaga tong pinsan ko. Akala mo naman ay malalate na kami kung makagising. Ang agap agap pa naman.
"Grabe ka, Chel. Anong oras palang oh. Tingnan mo naman kung gaano kaagap mo kong ginising. Akala mo naman ay malalate na tayo. 5am palang oh. 8am pa pasok natin." Nagrereklamo ko talagang sabi sa kanya.
"Ayan kasi. Magpuyat kapa. Kung hindi kita nagising, yung sinasabi mong akala mo malalate ay mangyayari. Tigilan mo na kasi ang kakaisip sa gabi kay Ethan. Sinasaktan mo lang sarili mo. Magmove-on ka nga. Uso yun. Sayo lang ata hindi!" Sunod-sunod na sermon ni Chel. Kainis naman. Masyado akong kilala nitong babaeng ito. Hindi man lang ako makapagtago ng kahit anong sikreto. Hays.
"Sorry na nga e. Iniiwasan ko naman e. Pero kasi alam mo naman. Kahit gaano ko iwasan ang mag-isip at kalimutan tong nararamdaman ko para sa kanya ay natatakpan iyon kada may mababasa kong tweets, posts, o kung ano man na galing sa kanya." Nalulungkot kong pag-amin. Totoo naman. Yun ang nakakapagpabalik sa akin sa pangungulit sa kanya. Ang mga bagay na nakikita kong sumisimbolo ng kalungkutan niya. He's too precious to me. He's the one that I love. How can I move on?
"Naaawa na ko sayo, Elle. Parang awa mo na, huwag mo na muna kasi siyang kausapin. Huwag mo na muna siyang pansinin. Atsaka, hindi ba siya nakakaramdam? O sadyang intensyon niya lang na guluhin ka? Ang paasahin ka sa bawat paglapit na ginagawa niya? He knows na you're inlove with him. Pero patuloy parin siyang lumalapit sayo. At worst, magpatulong sa mga nililigawan niya! Ano ba kasing nagustuhan mo dyan. Nagbago na yan e. Simula noong nasira sila ni Dayne. Wala ng matinong nakarelasyon yan. Palagi nalang din siya iniiwan. Look, I'm worried okay? Don't be mad or something. I really want you to be happy. Kaya please? Makinig ka sa amin kahit ngayon lang." Mahabang nag-aalalang sabi ni Chel. Pagkatapos ng sobrang haba niyang linyahan na nakapagpabalik sa katinuan ko ay nagpaalam muna siyang may kukunin sa aming kwarto. Habang kinukuha niya ito ay agad kong naisip ang pinagsasabi niya. Siguro nga tama ka, Chel. Starting today, hindi ko na kakausapin si Ethan hanggang sa maging okay na ako talaga. Hindi lang dahil sa sinabi mo pero dahil sa ginusto ko rin makalimot na.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Teen FictionElle started having a crush on Ethan but eventually falling deeply. She will only experience rejections to the guy he love that will lead her to eventually forget her feelings.