CHAPTER 11: NEW CRUSH

10 3 0
                                    

THROWBACK...

Hellooooo, it's me Elle. CHARRRR! HAHAHAHAHAHAHAHA so ayun. Nakakatatlong buwan na ako sa buhay Grade 10. So far, so good naman ang kaganapan sa school year na ito. Masaya naman ako sa mga achievements and sa mga naging kaklase ko. Sobrang solid pa nga ng aming samahan kahit na yung iba ay ngayon lang mga nagkasama-sama sa iisang seksyon. And, kung tatanungin niyo if nakamove on na ako ay I can say na medyo nagiging okay na ako. Natatanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro tama nga siya na may nakalaan for me. Sad to say na hindi siya iyon. ARRRGGHHH! Umagang-umaga ee. Enough with these pakening dramas. I'm done with all these dramas. And back to my cycle, hahanap nalang ulit ako ng bagong pagtitripan na crush. Baka makalimot pa ako. And speaking of, hiningi ko nga pala kay Chel ang lists ng bago niyang kaklase ngayong senior high na siya. Hinihintay ko nalang ang kanyang reply. Kaso wala pa akong balita sa kanya simula kagabi. Baka naman sobrang busy pa. Ang talino naman kasi. Kung san san ba naman nakakapunta dahil laging nalaban. Sanaol talaga. Mag-uuli na nga lang ako. Ako muna maghuhunting ng sarili ko. Pero syempre isasama ko mga kaibigan ko since wala si Chel.

"HOOOOYYYY!" Nanggugulat kong imik sa aking mga kaibigan.

"Jusme naman, Elle. Kung makagulat ka naman dyan." Nagugulat talagang sabi ni Triz. Ito pinakamagugulatin sa aming magkakaibigan e.

"Sorry na, Triz. HAHAHAHAHAHAHAHA" Medyo natatawa ko paring sabi.

"Bakit kasi kailangan pang manggulat, nako nako." Biglang singit naman ni Sien the very epal kong friend.

"Alam ko na kung bakit ka sobrang excited. Magpapasama ka sa amin, aney?" Biglang singit din ni Ali. Kilalang kilala talaga ako nitong si Ali. Simpleng kilos ay nahuhulaan na kung anong pakay ko.

"Oo sana e." Napapakamot ko sa ulong sabi sa aking mga kaibigan.

"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong naman ni Maris.

"Mag-uuli lang naman tayo. Mamaya pa naman klase natin e. Wala kasi si Chel. Pwede rin naman natin siyang hanapin since kagabi ko pa siya di nakakausap." Pagsagot ko sa tanong ni Maris.

"Chel ba talaga? O hahanapin mo na naman si Ethan? Akala ko ba move on na?" Nang-iintrigang tanong ni Triz.

"ISSSAAAPRAAAANKKKK!" Sabay-sabay naman na sagot ng aking mga kaibigan kay Triz. Grabe talaga tong mga ito. Kainis. Alam na alam bawat nangyayari sakin.

"Nakamoved on na kaya ako don. Atsaka sino ba yun? Pero, tara na kasi kina Chel. Hahanap din akong crush na bago." Agad kong tanggi sabay iwas ng topic kay Ethan. Mahirap na baka mapunta sa walang katapusang pagsisinungaling ko sa tunay na nararamdaman ito.

Pagkatapos ng medyo mahaba-haba naming pag-uusap bago umalis ay nakaalis na rin kami sa may silid-aralan namin. Dumiretso muna kami sa canteen para bumili ng mangunguya habang papunta kami sa Senior High School building. After ilang minuto ay nakarating na rin kami sa lugar ng mga senior high na mapanakit. CHAROOOTT! Ayan ang dami na naming nakakasalubong na shs students. Makahanap na kaya ko ng bago kong crush dito? Pero bago ang lahat hahanapin ko muna si Chel. Baka mamaya malimutan na naman nung kumain. Nako nako yun pa man din ay laging di nakain sa sobrang kasipagan sa pag-aaral. Laging inuuna ang ginawang projects, school works, at iba pa bago kumain. Buti nalang marami kaming biniling pagkain pero nasan na kaya yun? Maghanap nga ko ng kaklase niya or kaibigan niya. Habang naglilibot ako ng tingin ay may nahagip ang aking mata. Hmmm? HAHAHAHAHAHAHA alam na this. Okay, NEW CRUSH FOUND!

PRESENT TIME..

Nakakailang araw na tumatawag at nagtetext si Ethan pero hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasagot lahat ng iyon. Ito unang hakbang para kalimutan siya e, ang hindi siya pansinin. Huhu sana naman magtuloy -tuloy na ito. Habang nagmumuni-muni ako ay sumulpot bigla sa aking tabi si Chel.

"Ayos ka lang ba, Elle?" Nag-aalalang tanong niya. Ang sweet at bait talaga nitong pinsan/bestfriend ko e.

"Oo naman. Wala naman dapat ikalungkot. Strong ako pati no." Agad kong tanggi pero as usual ngumiti lang siya ng tipid. Alam ko ngitian na iyan. Ibig sabihin nan ay hindi siya kumbinsido na okay lang ako. Pero wala naman akong magagawa kundi maging okay, Chel e. Siguro magagawa ko rin to. Makakalimot din ako. Mawawala rin tong nararamdaman ko para sa kanya. At sana malapit na ang araw na iyon. Sana dumating na agad yung panahon na magiging okay ako. Sana dumating ang panahon na hindi ko na siya gusto. Sana dumating yung panahon na kaya ko na siyang kausapin ng wala ng nararamdaman sa kanya. Sana maging kaibigan kami na hindi ako nasasaktan sa katotohanan na iyon. Pero sa ngayon ay hanggang sana palang ito. Pero hindi ako mapapagod na humiling na sana gaya ko, maging masaya rin siya. Kahit n hindi sa akin. Kahit na sa ibang tao ay maranasan niya rin yung kasiyahan na matagal na rin niyang hinahanap. Masaya na ako don.

Pagkatapos ng may kasakitan kong pagmumuni-muni ulit ay binasa ko na lang ang mga text messages at chats ni Ethan. Ibloblock ko nalang muna siya after ko itong basahin. Pero syempre para iwas issue sa iba ay magleleave muna ko ng mensahe para naman aware siya na hindi naman ako galit. Na gusto ko lang talagang maayos ang sarili ko. Na gusto ko lang mawala tong nararamdaman ko sa lalong madaling panahon para tuluyan ng maging masaya ng totoo.

Ethan Miguel Clemente: Sorry, Elle.
Ethan Miguel Clemente: Elleeeeeeee namaaaan:(((
Ethan Miguel Clemente: Elle, usap tayo please?
Ethan Miguel Clemente: Galit kaba sa akin?

Marami pa siyang messages pero hindi ko na masyadong binasa pa yung mga nasa taas. Agad akong nag-iwan ng message sa kanya. Ito na siguro muna ang huli kong message sa kanya. I need to save myself from drowning deeply.

Hermione Elle Villanueva: Last day, huling pangungulit. Sorry sa pangdodown sayo dahil sa pangungulit. Sana kapag nakamove on na ako ay maging magkaibigan na talaga tayo. Yung pure friendship yes to no harot HAHAHAHAHAHAHA. Stay safe. Take care of yourself.

Pagkatapos ko isend ang aking mensahe ay wala pang ilang minuto ay nakatanggap na ako agad ng mensahe galing ulit sa kanya.

Ethan Miguel Clemente: elleeeee!Thank you ng marami. For some reason isa ka sa mga tao na nagpa feel sakin na pede ako maappreciate. Alam kong hindi kita pinili pero there's someone out there for u. Sana ay makaya mo na hindi na ako kasi nasasaktan ka langg. Grabe sobrang thankyou dahil nasasandalan kita without you knowing.  You are a great friend. Okay lang sakin na kulitin mo ako pero hindi ako nagrereply masyado kasi baka mag expect ka . anyways have a great year siss. yun langg

I guess this is a goodbye for me. We are really not meant to be. I guess this is the universe way of telling me na you're meant for others. And it's sad sa side ko:))

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon