LAST POINT OF VIEWS

10 3 0
                                    

EION'S POV

Nandito ako sa labas ng gate ng may nakita akong babae sa may tapat na may sinisilip. Pagtingin ko ay nakita ko si Elle. Si Elle na kaklase ko. Si Elle na gustong gusto ko pero hindi niya alam. Si Elle na pangarap ko pero binabalewala lang ng iba. Hindi niya rin naman ako papansinin at magugustuhan. Masyado siya nakulong sa pagkakagusto kay Ethan e. Wala naman pag-asa. Kahit na ako yung nandito. Kahit na ako yung palagi niyang karamay. Kahit na siya lang pipiliin ko ay hindi niya parin makakayanang masuklian itong nararamdaman ko. Kaya ang least na magagawa ko ay magstay nalang sa tabi niya. Ako ang naging sandalan niya. Ako yung palaging narito pero hindi parin ako. Nibibiro ko siya pero hindi niya pansin na totoo yun. Akala ko alam na niya, narealized ko na niaasar niya lang pala ako. Ganoon lang naging cycle namin. Pero kahit na ganoon ay masaya ako sa kung anong meron kami. I will protect her. Kapag kasama ko siya, I'll try to keep her happy. Kapag malungkot siya, gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Kahit na bilang MAGKAIBIGAN lang. Okay na ako ron. Okay na ko

ETHAN'S POV

Nasasaktan ko si Elle. Pero wala akong magawa para hindi siya masaktan. Ayoko naman na ipilit ko na magustuhan siya pabalik. Mas masasaktan ko siya if ever na gawin ko yun. Hindi niya deserve na mapaglaruan. Hindi niya deserve na maging rebound. Elle deserves everything she likes but not me. She doesn't deserve a man like me. She deserves better than me. Hindi ko rin gugustuhin na idamay siya sa mga kadramahan ng aking buhay. I want her to be happy. She needs someone na paulit-ulit siyang pipiliin gaya ng ginawa niya sa akin sa loob ng dalawang taon. Soon, she will find that someone. And, I'll be the happiest kapag nalaman ko na finally nahanap na niya ang para sa kanya.

ELLE'S POV

May mga bagay sa mundo na kahit gaano pa nating kagusto ay hinding hindi natin makukuha. Gaya nalang ng nangyari sa akin. Yung ako yung nag-stay sa kanya pero hanggang kaibigan lang talaga. Sana balang araw, mawala na itong nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko na nito. Masyadong masakit lang. HAHAHAHAHA buti nga nandyan si Eion para pagaanin loob ko. At hindi naman ako manhid para hindi maisip na totoo yung inaasar kong gusto niya ako. Pero hindi ko lang sinasabi. Ayaw ko kasing gamitin siya para kalimutan si Ethan. I really admire Eion for staying. Pero hindi ko parin talaga kayang suklian yun. Kaya okay na muna na hindi niya alam na alam ko na. Gusto ko rin na kung magkakagusto ako kay Eion ay yung hindi ko pinilit. Pero yung kusa kong mararamdaman na siya na talaga at hindi na si Ethan.

-THE END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon