Sa mga oras na iyon, parang tumigil ang mundo ko.... at pumasok ang mga alaala..
'Oy bili mo nga ako ng ice cream'
'Mama oh si Athena'
'Liam gumalang ka sa ate mo!' Suway ni mama.
"Ayoko nga hindi ko naman tunay na kapatid yan" sagot naman ni Liam.
Kaninang umaga ang huling usap namin...
"Ate sorry." nakikita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.
"Para san? 'Wag kang madrama Haha!" Sabi ko pero pinipigilan ko din ang mga luha ko. Napakasarap sa pakiramdam na tinawag niya na din akong ate.
"Pasensya na ha... ngayon lang kitang natawag na ate.""Okay lang ano ka ba! Lagi mong tatandaan 'Ate' is just a word okay? Maraming way para iparamdam ang pagmamahal mo sa isang tao."
"'Wag kang magalala kinausap ko na si Andrea na ' wag ka ng awayin."
"Lumaban ka ah? Para kay ate" tumango lang siya at ngumiti. Yung ngiting sinasabi niyang 'okay lang ako ate'.
"Mahal... na mahal kita ate"
Mga huling salita na hindi ko makakalimutan at patuloy kong itatatak sa puso ko.
Paglabas ko ng ospital nagulat ako nang makita ko si Ethan sinubukan kong tumakas dahil ang pangit ko sa sobrang pag-iyak. Pero huli na, nakita na niya ako.
"Athena!" Tawag niya sa 'kin. I have no choice but to face him. Yumuko na lang ako, I don't want him to see me crying.
He touched my chin and made me face him. "Why are you crying?" Lalo lang akong umiyak dahil sa tanong niya pagod na pagod na 'yung mata ko kakaiyak.
He hugged me and let me bury my face to his chest. I cried and cried until wala ng luhang pumapatak. Hindi na ako umangal. Kahit hindi pa kami gaanong close, concern na siya sa akin.I don't even know kung bakit niya ginagawa sa 'kin 'to. Ngayon nga lang kami nagkita ulit e.
"What happened?" He asked me once again. We're now here inside Starbucks dahil ito ang pinakamalapit. He ordered Mocha frappe for me and he ordered caramel macchiato for himself.
"Wala na 'yung kapatid ko." sabi ko, habang nakatulala sa labas pinapanood ang pagbuhos ng ulan at ang mga taong naglalakad na may mga dalang payong.
"I'm sorry, condolence." he said in a nice way. He smiled at me na parang sinasabi niya magiging okay din ang lahat. I smiled in return.
"Sorry sa abala."
"No it's okay, my mom is a doctor here,hinatid ko siya. Sakto lang nakita kita." Nginitian ko na lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na ito.
Hinatid niya ako sa bahay ko. Buti na lang at wala pa sila mama at papa kung hindi, sesermonan nanaman ako at mami-misunderstood nanaman nila ako.
Kinabukasan pumasok na ako, nahabol ko naman ang mga exams ko dahil wala namang isang linggo ang mga araw na absent ako. Napapadalas na ang mga araw na niyaya ako ni Ethan kumain.
Suportado naman ako nila Aphrodite kay Ethan. 'Yun nga lang masyado pa akong bata kaya hahayaan ko muna siya kung hanggang kailan siya manligaw.
Finals na namin. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Ethan dahil madami siyang tatapusin na projects.
Ngayon, nandito lang ako sa kwarto ko nagre-review para sa finals. Nagkalat lahat ng reviewers ko sa kama ko. Naka upo ako sa lapag with my laptop on my lap. I'm researching extra things na baka isama sa exams. Ang mawi-wish ko lang is sana makapasa ako. I want to pursue being a dean's lister.
BINABASA MO ANG
Family Over Love
JugendliteraturAthena Jane Smith, a simple woman who had a roller coaster life and Ethan James Anderson a handsome, rich who is an engineering student and well known as the best football player in their campus falls in love with Athena. Let us also witness thei...