Chapter 9

21 6 3
                                    

"Tara na," tawag ko kay Selene. Napakatagal nito mag ayos akala mo pupunta sa party, e maggo-grocery lang naman.

"Ang tagal mo, maggogrocery lang tayo oy hindi tayo magka-club." I reminded her and raised a brow.

"Alam mo ikaw kasi, natural beauty ang meron ka kaya kahit hindi ka magmakeup okay lang. Ako kailangan ko pang mag lip tint 'no dahil mukha akong namumutla pag hindi ako naglagay." Pag e-explain pa niya sa akin habang naglalagay ng liptint sa harap ng mirror na nakasabit sa labas ng pinto niya.

Lumabas na ako ng unit namin dahil ang dami niya pang sinasabi, sumunod din naman siya agad sa akin habang nilalagay yung lip tint sa bag niya.


Pagkasakay ko ng kotse niya sinabihan ko siya. "O, dahan dahan ang pagda-drive ha." Nang maalala niya kung ano ang ibig kong sabihin, nag peace sign lang siya.

Nakarating na kami ng supermarket at siya ang ginawa kong taga tulak ng pushcart since hindi siya marunong pumili. Kumuha ako ng dalawang tray ng itlog. Kumuha din ako ng mga condiments since wala talagang kalaman laman yung mga cabinet sa kitchen.

Kumuha din ako ng mga pancit canton at instant noodles. Kumuha na din ako ng mga softdrinks para incase na bumisita sila Iris. Kumuha din ako ng chips at bread at iba pang biscuits para naman may laman yung pantry niya. May iba pa siyang binili pero hindi ko na alam 'yun. Ako ang namili pagdating sa pamimili ng meat, shrimp at vegetables dahil mas may alam ako.

Lagi kasi akong sumasama kay Tita Amelia tuwing bibili kami ng ingredients para sa mga lulutuin niyang ulam para sa karinderya at tinuruan niya ako kung pano pumili at paano malaman kung fresh ba o hindi.

Pagdating namin sa counter, half-half kami. Para naman hindi unfair sa aming dalawa.

"Bes tara libre kita mamili tayo ng mga skincare." Aya niya sa 'kin habang nilalagay ni kuya na nasa counter 'yung mga pinamili namin sa plastic.


"Ha? E hindi ako nagii-skincare." Sabi ko naman habang kinuha ko na 'yung mga nabalot na pinamili. Minsan lang kasi ako magkaroon ng pimples at minsan mabilis din namang mawala.

"Ano ka ba kailangan natin 'yun kapag nagwork na tayo 'no. Syempre araw-araw na tayong may makeup kailangan i-maintain natin ang clear complexion." Pagkukumbinsi naman niya sa akin.

May point naman siya kaya sumunod na lang ako. Pagdating namin sa Watsons, bumili ako ng mga facial masks. Pumili daw ako depende daw sa pangangailangan ng skin ko. Since kumuha siya ng sampu, kumuha na din ako ng sampu. Ang pinili ko ay 'yung pang tired face at pang acne para incase magka pimples ako.

Namili na din ako ng mga skincare products ko. Kumuha ako ng cleanser, makeup remover na wipes at sabon ko. Kumuha na din ako ng shampoo.

Tig-isa kami ng basket ni Selene dahil madami daw siyang bibilhin. Bumili ako ng mga makeup for extra kasi paubos yung makeup ko. Kumuha din ako ng hair straightener para sa pag a-apply namin.

After namin no'n, pumunta kami sa isang salon at nagpa-footspa at manicure and pedicure. French tip lang ang pinalagay namin para natural lang.

After namin sa salon, nagpunta kami sa isang clothing store para bumili ng black blazer, white blouse at black skirt para sa interview namin sa Thursday. Last week tinawagan na kami na sa Thursday na daw yung interview kaya nagpunta na din ako agad ng Manila.

Monday pa lang ngayon kaya nakakapag practice pa kami para sa mga possible questions sa Thursday.

After namin bumili ng damit bumili na din kami ng shoes. Pagkatapos ay umuwi na din kami.

It was so tiring at the same time nakakarelax. Iba ang satisfaction kapag nakakapagshopping ka. Never pa kasi ako nakapag shopping ng ganito.

It was already Thursday and sabi namin is magkikita kita kami sa may McDo malapit dito para sabay sabay na kami pumunta doon. I'm wearing a black blazer and a white blouse inside partnered with a black skirt. I'm also wearing about 2 inches black heels.

I'm wearing a red lipstick and a complete makeup. Last night, we watched several videos about the possible questions for the interview of a Flight Attendant.

Nagpunta na kami ng McDo at hindi na kami lumabas pa ng kotse. Sila Aphrodite na ang pumasok at bago kami umalis syempre nagpicture muna kami.

"Guyss omg!! Matutupad na natin ang dream natin!" Excited na sabi ni Iris at parang nanginging pa yung boses.

"Kinakabahann ako!!!" Nagwawala na si Aphrodite. Actually si Aphrodite talaga pinaka OA samin.

"Bes lahat tayo kinakabahan pero okay lang yan. Remember isipin lang natin na parang kaibigan lang natin yung nagiinterview at ini-english lang natin sila okay?" Positive na sabi ni Selene. Lahat kami tumango at dire-diretso na nagdrive si Selene.

Nagmememorize ako sa phone ko dahil mamaya ipa-power off ko na ito. Remember Athena always smile, dapat mahinhin lang ang galaw.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
<3

Family Over LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon