"Anak, eto ang kapatid mo si Andrea." pagpapaalala sa akin ni mama.
"May kapatid ka pang bunso, si Liam pero wala na siya." she continued.
Unti-unti kong naalala lahat ng binanggit ni mama.'Ate sorry'
'Ate mahal na mahal kita'
'Ate sorry ngayon lang kita tinawag na ate'
'Ate pumunta nanaman dito kanina si aling Clora.'
"Andrea... naalala ko na." nakangiti kong sabi at agad niya akong nilapitan at niyakap.
Biglang pumasok ulit sa kwarto ko 'yung doktor. "Hi Athena kumusta ka naman, may naaalala ka na ba?" Tanong sa akin ng doktor.
"Opo." matipid kong sagot.
"Mabuti naman, may mga kailangan kang inumin na gamot makakatulong din ang mga iyon para manumbalik ang lakas at mga alaala mo. Kagaya ng sabi ko kanina, unti unting babalik ang alaala mo kung makikita mo ang mga taong iyon." Sabi pa ulit ng doktor.
"Thank you doc." sabi ni mama. Tumango lang 'yung doktor at umalis na.
May pumasok na tatlong babae at yung isa ay may benda sa braso. Umiiyak silang lumapit sa akin at isa isa akong niyakap. Paulit ulit nagso-sorry 'yung isang babaeng matangkad na morena at maganda.
"Hello," matipid kong bati. Hinayaan ko na lang na si mama na ang mag-explain sa kanila kung sakaling kilala sila ni mama.
"Sabi ng doktor maaaring makalimutan niya ang mga alaala kung hindi niya makikita ang mga tao na dapat niyang maalala at kung hindi natin ipapaalala sa kanya." Pagpapaliwanag ni mama.
"Athena, sila ang mga kaibigan mo simula nung highschool ka hanggang ngayon." pagpapaalala sa akin si mama.
Nagsimula 'yung isang babaeng maputi at mas maliit ng konti sa akin. Lumapit siya at nagpakilala. "Athena... ako ito si Aphrodite ang best friend mo." nakangiti niyang pagpapakilala. Kitang kita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya at biglang pumasok sa isipan ko ang mga alaala....
'Uy bes ilan ka?'
'That's my bestfriend'
'Ethan, ethan ang pangalan niya.'
'Uyy pre congratss!'
"Aphrodite...." pabulong ko sinabi. Niyakap ko siya pabalik at hinayaan ang iba na magpakilala pa.
"Hi Athena..... Ako 'to si Selene, I'm sorry ako may kasalanan."
'Happy birthday!'
'Everything will be okay'
'Congrats!!! I'm so proud of you!'
'Nasira yung brake!!!'
Biglang sumakit ang ulo ko at bigla akong napapikit dahil naalala ko kung paano ako naaksidente. "Okay lang 'yun, ang mahalaga okay na ako ngayon, walang may gusto sa nangyari okay? So 'wag mo na sisihin ang sarili mo." She nodded and hugged me.
"Athena.... si Iris ito..." mahinahon niyang pagpapaalala habang tumutulo ang luha niya.
'Alam mo kung may problema ka, I will always be here. Pwedeng pwede mo akong sabihan ng mga problema mo.'
'Congratss pre!!!'
'Happy birthday!'
'Guys let's calm down and let's pray!'
Niyakap ko siya at ngumiti. "Ano'ng nangyari sa kamay mo?" Nagaalalang tanong ko.
"Ako ang nasa likod mo sa kotse, sa side nating dalawa tumama yung puno." Malungkot na tugon niya.
"Tita bibili po muna ako ng food" paalam ni Selene.
"Sama ako" sabi pa ni Iris.
"Ahh sige hija salamat"sabi ni mama.
Nang makaalis na sila sa room nag paalam si mama at Andrea na uuwi daw muna sila dahil kailangan nang magpahinga ni Andrea at may pasok pa siya bukas dahil 9 na ng gabi.
Si Aphrodite muna ang naiwan sa tabi ko. "Alam mo 2 days ka nang hindi gumigising." Sabi ni Aphrodite na ikinagulat ko.
"2 days?!" Tanong ko pa ulit dahil hindi talaga ako makapaniwala. Bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat?
"Oo araw-araw ka naming binibisita dahil hindi talaga namin matanggap na ilang araw ka nang hindi gumising. Gabi-gabi kaming nagpupunta nila Iris sa church para ipagdasal ka."
Ngumiti ako. "Hayaan niyo na iyon walang may gusto sa mga nangyari... at lahat naman ay unti-unti ko nang naaalala dahil may gamot naman akong iniinom."
Ilang linggo pa ang lumipas bago ako payagang palabasin ng doktor. "Hay salamat madi-discharge ka na din. Anak ipangako mo sa akin na iinumin mo ang nga gamot mo ha... para maalala mo na ang lahat." Pagpapaalala sa akin ni mama.
Sinundo na kami ng isang babae na naka kotse na mas bata ng konti kaysa kay mama. Ang sabi nila siya daw si Tita Amelia, ang hiningan ko ng tulong nang maghiwalay sila mama at papa.
"Uuwi na tayo ng Batangas, nak." Nagtaka ako bigla.
"Po? Nasaan po tayo ngayon?" Nagtataka kong tanong.
"Nasa Manila tayo, malapit kasi dito kung saan kayo naaksidente ng mga kaibigan mo at mas maganda kung dito ka namin dalhin." Pagpapaliwanag ni mama. Napatango tango na lang ako at hindi na nagtanong pa.
Maalala ko din naman lahat habang tumatagal dahil sa gamot na iniinom ko.
"Ma, goodmorning!"
Maganda ang gising ko ngayon dahil naalala ko na may karinderya kami. At unti-unti ko na din naaalala kung ano ang mga karanasan ko dati.
Habang nagseserve ako ngayon sa mga customers ay bigla akong nahilo at sabi ko kay Andrea siya muna ang kumuha ng orders. Habang nagpapahinga ako sa sala namin, kinuha ko ang phone ko at tinanong si Selene kung may alam ba siyang mura na pwedeng rentahan na condo.
Selene: O kelan ka ba lilipat? Dito ka na lang muna sa condo ko may guest room naman ako dito.
Me: sure ka? Okay lang ba?
Selene: Oo naman. Ang lonely kaya dito, ako lang magisa.
Me: Okie thank you. Sabihan kita kung kelan ako lilipat :)
Bumalik na muna ako sa labas nang hindi ko na masyadong maramdaman yung hilo. Ano kaya itsura ng condo ni Selene? Nakapunta na ba ako dun dati?
Ilang araw ang lumipas at nangutang na muna ako kay mama ng pamasahe pang byahe sa Manila.
Today is Saturday at last day ko na muna ngayon sa Batangas. 5pm na ng hapon at sabi ko kay mama sila na muna ni Andrea ang mag asikaso sa karinderya dahil magi-impake na ako para bukas.
Naligo na muna ako, pagkatapos kinuha ko yung malaking maleta na binili ko nung nakaraan. Naglagay na ako ng mga damit na magaganda at iniwan ko na yung mga lumang damit ko. Dinala ko yung isang pouch na puro makeup ko. Nilagay ko na din yung pouch na may mga toiletries ko. Nilagay ko yung laptop ko at yung mga chargers ko. Nilagay ko na din yung mga papers na kakailanganin sa pag a-apply.
May isa akong sling bag kung saan ko ilalagay yung phone ko at pera ko. Nagsabi na ako kay Selene na sunduin niya na lang ako sa may pizza house at dun kami magkita.
Hindi na din ako bumili pa ng bagong bottle ng pills para makatulong na maalala ko ang lahat dahil masyadong mahal at feeling ko okay naman na ako sa mga naaalala ko. Nalaman ko na din ang mga nangyari at ang dahilan kung bakit nag away sila mama at papa. Iniwan namin si papa na may mga utang at siya ang pinagbayad namin.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
<3
BINABASA MO ANG
Family Over Love
Teen FictionAthena Jane Smith, a simple woman who had a roller coaster life and Ethan James Anderson a handsome, rich who is an engineering student and well known as the best football player in their campus falls in love with Athena. Let us also witness thei...