"Thalia!" Tuwang tuwa na tawag ni Selene kay Thalia habang hawak ni Nathan si Selena, anak nila.
"Babe, nilabas ko na sa freezer 'yung chicken." Napatingin ako kay Ethan na nasa likod ko. He was wearing a green shirt and a maong pants.
"Okay. Pakisabi kila Nathan ipasok na 'yung mga bata sa loob." I told him and he nodded before going to Nathan who's with Eli and Noah.
"Elias!" Narinig kong pagsuway ni Aphrodite. She's holding Maya in her arms, 6 months pa lang. Pangatlo na nila 'yan ni Eli. 'Yung pangalawa niyang anak kasama ni Eli sa loob, si Vale, na 3 years old. 7 years old na 'yung panganay niya, si Elias.
"Iris!" I immediately ran to her and pinched Chloe's cheeks, her 4-year-old daughter. "Wala ka bang balak bigyan ng kapatid si Chloe?" I chuckled and got Chloe from her.
"Si Noah gusto pa. E ang likot-likot niyan e! Tapos dagdagan mo pa ng isa!" She shook her head while reaching for Chloe's things from their car.
Napatingin ako kay Selene at sa mga anak ni Aphrodite na papasok na sa bahay. Ngayon na lang ulit kami nakumpleto. Minsan kasi sobrang busy ng isa sa 'min o kaya naman may pasok 'yung mga anak namin.
"Hala! Darriel! Lagot ka kay Mommy Selene mo!" I told him and helped him stand. Nadapa pa!
"Mommy!" Sigaw niya papasok ng bahay habang may konting dugo sa tuhod niya. 'Yung babaeng 'yon! Pinapabayaan 'yung anak niya!
"Ipasok mo na si Chloe dun. Mahamog na oh." Sabi ko nang mapansin kong hapon na pala. Late kasi dumating 'tong mga 'to! Buti na lang mago-overnight sila dito para hindi nakakabitin!
"Akin na." Sabi ko at kinuha 'yung ibang gamit kay Noah.
"So who'll cook?" Ethan asked me. Nagready kami ng mini tent dito sa bahay. Pinasadya ko talaga na may malaking space dito sa bahay para sa mga ganito.
"Corny! Bakit kasi sa loob ng bahay e camping nga!" Pagrereklamo ni Iris habang inaayos 'yung gamit nila sa isang side. 'Yung mga bata nagtatakbuhan na.
"Gaga ka! Ang daming lamok!" Selene said while hugging Selena, her oldest daughter. Ang talino magpangalan nito, pinaltan lang 'yung e ng a sa dulo ng pangalan niya.
"Arte! Masyado kang overprotective!" Iris said while fixing Chloe's hair. Pawis na pawis na.
"Bakit ako! Si Nathan din naman!" Selene said and looked at her husband who's helping Ethan cook on the side.
"Maya, Elias! Vale! Tama na muna 'yan! Come to mommy!" Sigaw ni Aphrodite. Ang ingay ng babaeng 'to! Kanina pa sinusuway 'yung mga bata.
"Hayaan mo na! Nageenjoy sila e!" I tapped her shoulder before going upstairs to our room to get my gifts for them.
"Taray may pa-regalo! 'Di ako na-inform!" Selene said when she saw me holding a bunch of paper bags.
"Pustahan puro international brands 'yan." Sabi ni Iris habang kumukuha ng pagkain na luto na para kay Chloe.
"Of course. Baka hindi n'yo alam na international model yang kaibigan n'yo." Eli said making me laugh. Minsan kasi kasama ko rin si Eli sa mga fashion show sa New York.
"Wala ka nang balak bumalik sa pagiging FA?" Aphrodite asked while fixing the pillows and blankets on the floor na kanina pa naaapakan ng mga bata.
"Loka ka! Maaalagaan ko ba si Thalia pag nagFA ako?" I shook my head and gave each of them a paper bag.
"Ipaalaga mo kay Ethan." Selene suggested while holding Maya. Loka 'tong babaeng 'to! Kung kani-kaninong anak 'yung binubuhat! Kaya pala kanina pa suway ng suway si Aphrodite.
BINABASA MO ANG
Family Over Love
Roman pour AdolescentsAthena Jane Smith, a simple woman who had a roller coaster life and Ethan James Anderson a handsome, rich who is an engineering student and well known as the best football player in their campus falls in love with Athena. Let us also witness thei...