Chapter 4

30 5 4
                                    

Sa mga oras na iyon parang bigla kong narealize na hindi talaga kami bagay ni Ethan.

Mayaman siya, mataas ang pangarap sa buhay at higit sa lahat nagmula sa mayaman na pamilya. Sobrang laki ng difference namin ni Ethan. Lahat ng mga bagay na meron siya ay kabaliktaran ng sa akin.

Nilakasan ko ang loob ko, ngayon ko lang gagawin sa buong buhay ko ang magsinungaling tungkol sa pamilya ko. Alam kong maiintindihan ito ni Ethan.

"My mom is a businesswoman and my dad is a Professor." Pagsisinungaling ko. Labag man sa loob ko pero kailangan, ayoko pang matapos agad ang relationship namin.

Ethan's brows furrowed. I gave him an apologetic smile while I'm holding his hand. "Would you please excuse us for a moment?" Pagpapaalam ni Ethan. Tumango lang 'yung mom and dad niya.

"Why?" He asked me, I can see the disappointment in his eyes.


"Bakit kailangan mong magsinungaling?" He continued.

Nakayuko lang ako sa harap niya ngayon habang pinipigilan ang mga luhang namumuo sa mata ko. "Ethan.. I hope you understand, alam mo naman kung bakit kailangan kong gawin 'yun diba? Sa tingin mo kung sinabi ko ang totoo tatanggapin pa rin nila ako? 'Di ba hindi? Kasi magkaiba tayo." We stayed silent for a moment.

"Okay... okay but let's tell them as soon as you're ready." I nodded just to assure him. Actually hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sa parents niya iyon.

Pag kauwi ko ng bahay, nakaupo sa sala sila mama at papa. Si Andrea ay malamang tulog na. "Anak, ang galing mo pumili!" Proud na proud na pagsabi ni mama.

My brows furrowed and asked her. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ang ibig sabihin ng mama mo ay mabuti naman at pumili ka ng lalaking makatutulong sa atin." Lalong kumunot ang noo ko.

"Ma, Pa, hindi ko siya sinagot dahil sa mayaman siya. Sinagot ko siya dahil mahal ko siya at iyon lang 'yon. Wala akong balak perahan siya dahil magsusumikap ako sa sarili ko." Tumakbo ako papuntang kwarto at nilock ang pinto. I was so disappointed na kaya nila nagustuhan yung lalaki ay dahil sa pera? Wala akong planong perahan si Ethan.

Magiging mayaman ako dahil sa sarili kong paghihirap. Ngayon, nag-aalala na ako kay Ethan dahil baka kung ano anong hingin nila mama sa kanya.

Kinabukasan, nagkaroon na kami ng meeting kasama ang mga dancers na representative mula sa iba't ibang department. Katabi ko ngayon si Ethan at wala namang problema doon dahil magka partner naman kami.

"For girls ang costume niyo ay provided na namin, pero kailangan ninyong bayaran, 850 pesos lang naman ito." Nagulat ako dahil hindi ko akalain na ganoon kamahal. Hindi na lang ako nagreact dahil baka mapansin pa ni Ethan.

"Uy ano problema?" Kasabay ko ngayon si Ethan maglakad para pumunta ng Starbucks sabi niya ililibre niya daw ako since malungkot ako.

"Wala naman." I smiled at him, trying to hide my emotions.

Nang makarating na kami ng Starbucks, magkaholding hands kami kaya pinagtitinginan kami. Everytime na lalabas kami, lagi talaga siyang pinagtitinginan dahil siguro nagiistand out talaga siya. Gwapo naman talaga siya actually at matangkad. Pang model ang datingan niya.

Bumitaw ako sa hawak niya pero hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Pinagtitinginan tayo oh." Bulong ko sa kanya habang nasa pila kami.

"I don't care."

"Oh baka marupok ka ha, baka mafall ka sa mga tumitingin sayo." I rolled my eyes. Nasa unahan ko siya ngayon dahil siya naman ang magoorder.

Family Over LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon