Kinabukasan, maaga ako nagising at nagluto ako ng tuna pasta para sa kanila."O anak buti marunong ka na magluto." Pangaasar sa akin ni mama.
"Ma, kailangan Hahahah. Nanonood ako ng mga videos na nagluluto para matuto ako." Sabi ko habang hinahalo yung pasta.
Napatango tango na lang si mama. Nang matapos na ako magluto, pinatikman ko na kila mama yung luto ko."Ang sarap naman!!!!" Sabi ni Andrea.
"Aba namana sa tita ang galing sa pagluluto ahh!" Pag bibiro ni tita Amelia.
"Syempre Hahhahha. Tatawagin ko 'yang Tuna pasta ala Athena HAHAHAHA!" Nagtawanan kami at si Andrea muntik pang mabulunan. Hindi kasi talaga ako kumakain ng spaghetti kaya more on pasta ang niluluto ko.
After naming kumain pumunta si Andrea sa kwarto ko at nagpapaturo ng Algebra. Nagkukwento siya about sa mga kaklase niya.
"Alam mo ba ate, may gwapo kaming kaklase..... si Paul." Parang kinikilig pa siya habang kinukwento sa akin.
"Crush mo?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ng nakakaasar.
"Ahh... ehhh.... oo ate HAHAHAH." Namumula pa ang pisngi niya haysss eto nga namang kapatid ko.
"Patingin nga ng itsura...." I rolled my eyes.
Pinakita niya sa akin yung picture at gwapo naman talaga. "Kung ako sayo huwag ka nang umasa crush lang iyan lilipat kana din pagcollege hindi rin magiging kayo Hahaha!" Nag evil laugh ako.
She rolled her eyes "wala ka kasing jowa kaya bitter ka." Biglang kumirot ang puso ko.
Oo nga 'no nung college ako, never akong nagkaboyfriend. Bakit kaya? Siguro nagfocus muna ako sa studies ko. Hayss ayaw ko namang maghanap ng jowa 'no. Gusto ko kusang dadating. Lahat ng bagay may tamang panahon.
Nagbonding pa muna kami at nagselfie selfie at ipopost niya daw sa facebook niya.
'Bonding with my Ate Flight attendant.'
'Yan ang caption niya sa post niya. Sinabi niya din sa akin na gusto daw akong makita ng mga kaklase niya na gusto din mag Flight Attendant kagaya ko. Actually alam ko ang feeling na nararamdaman nila ngayon. Masyado pang malayo ang pagdadaanan nila. Sabi ko kay Andrea na sa graduation na lang nila ako pupunta.
"San mo gusto mag college?" I asked her and smiled a bit.
"Sa UST sana kasi dun din yung mga friends ko at dream ko din yun kaso mahal ang tuition fee sabi ni mama." Sabi naman niya ng hindi tumitingin sa akin at parang nahihiya pa. I don't want her to feel that way. When it comes to her studies kaya kong ibigay ang lahat basta para sa future niya. Ayaw kong maranasan niya ang pagkukulang nila mama at papa sa akin noon.
"Gusto mo sa UST? Sige." Maikling sabi ko na pinagtaka niya.
"Huh? Magaaral ako sa UST pag nagcollege na ako?" Her brows furrowed at tumabi ng konti sa akin.
"Oo, alam mo kasi mas sisipagin ka mag aral kung gusto mo talaga yung pinapasukan mong eskuwelahan." I told her. Actually totoo 'yon. Kaya nga talagang nagsumikap ako para mag aral doon sa dream university namin nila Selene. Pero dahil sa paghihiwalay nila mama kailangan kong i-sakripisyo yung mga ganoong bagay. Ang mahalaga, nakapag tapos na ako ngayon.
Nabanggit din sa akin ni Andrea na gusto niya maging Flight Attendant kagaya ko para marami siyang napupuntahan na bansa. Nakikita niya kasi yung feed ko sa instagram.
"Ano na kaya pa?" I asked Andrea. Gumagawa siya ng mga assignments niya.
"Ate naman e!" Pagrereklamo niya at napakamot pa sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Family Over Love
Teen FictionAthena Jane Smith, a simple woman who had a roller coaster life and Ethan James Anderson a handsome, rich who is an engineering student and well known as the best football player in their campus falls in love with Athena. Let us also witness thei...