Chapter 17

26 5 8
                                    

Pagkadating ko sa room nila mama, nakita kong nakaready na sila. Nagpa-room service nga sila dahil nakita ko pa yung tray doon sa table. Ilang beses na ako nagpunta ng Korea kaya medyo alam ko na yung mga lugar.

The only reason why ngayon ko lang sila sinama is because lagi lang kaming 24 hours layover kapag pumupunta dito.

Pumunta kami sa Lotte World. Nag ice skating muna kami saglit doon ni Andrea.

After noon ay may nadaanan kaming beauty shop. Namili kami nga mga facial mask. Sabi ko kay mama bumili na din para marelax yung face niya. Madami kaming binili na facial mask 10 boxes ata ang binili nila sabi ko libre ko naman. Sulitin na nila kasi hindi naman kami basta basta makakapunta ulit dito.

"Ate! Ito 'yung magandang liptint na sinasabi ko sayo o!" She grabbed the liptints and showed it to me.

"O ilagay mo na dun sa basket." I told her. Nanlaki ang mata niya

"Talaga ate?" She asked to make sure and hugged me.


"Hawak mo na e! Ano pang magagawa ko." I rolled my eyes and laughed at her.


Nagpunta kami sa mga clothing store at namili ng mga damit. Nagpicture picture din kami.

"E ate nahihiya ako!" I'm trying to push her towards the beautiful view para makuhanan ko siya ng pictures. I told her to pose in different angles pero nahihiya daw siya.

"Alam mo, walang pake 'yang mga taong dumadaan 'no! Kaya mag pose ka na lang 'di ka naman nila tinititigan ang assuming!" I chuckled.

Kinuhanan ko ng madaming pictures si Andrea para daw maganda ang feed niya sa Instagram.

"Ate! Ano ica-caption ko dito?" She asked me while waiting for our order.


"Mag Korean ka." I told her since mahilig naman siya mag Korean.


"E ate! Hindi ako marunong." She complained. Sinuway siya ni mama dahil medyo napalakas ang boses niya.


"Chat mo si Ate Iris mo. Marunong 'yun mag Korean, magpa-translate ka." She just nodded.

Kumain kami ng samgyupsal at ng mga street foods kaya busog na busog kami.

Kinabukasan, sabi ko magikot ikot na lang muna sila at magpicture picture dahil sabi ko matutulog muna ako ng buong araw at magpapahinga. Ito na lang ang oras ko para bumawi ng tulog kaya sinulit ko na.

I woke up around 2:30 pm since tuloy tuloy ako natulog kaninang umaga. I checked Iris and when she saw me awake, she told me about Andrea asking her to translate some words.

"Grabe bes yung kapatid mo ah, ako pinahirapan HAHAHAH." She laughed and showed me their conversation. I'm still half awake and I still can't clearly see their conversation.


"Alam mo ba kung ano pina-translate sa 'kin?" She asked while laughing so hard. I didn't even know what's funny.

"What?" I asked her.

"Pina-translate niya sa akin 'Crush back mo na ako' ."

"HAHAHAHA sabi ko nga sa kanya e umamin na kasi siya." I said while picking my clothes to wear. I'm just gonna wear a pair of pajamas since pagabi naman na din.


"Okay ka lang? Sino ba naman gugustuhing umamin ang babae diba? Baliw! Syempre dapat lalaki ang nagfi-first move noh!" She shook her head and laughed at me.

I rolled my eyes and went straight to the bathroom to take a shower. Alam kong patungkol nanaman sa lovelife ang patutunguhan ng pag aasaran namin. I wonder if nagkaroon ba ako ng flings dati? Or sadyang hindi ko lang maalala kasi hininto ko yung medications ko? I'm planning to ask mama if ano pwede kong gawin para maalala yung mga bagay kahit hindi umiinom ng medications.


Family Over LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon