[Serene Joy]
Ten years later...
"Remember this day Serene... I. DONT. WANT. TO. HEAR. YOUR. VOICE. AGAIN. EVER!"
Ten years ago... Narinig ko sa kanya ang mga salitang iyan.
Kasalukuyan akong naglalakad sa isang parke kasama ang alaga kong aso na si Catty. Iyon ang ipinangalan ko sa kaniya, kasalungat niya bilang aso.
Hindi ko nga lang alam kung saan ako mauupo dahil sa init ng panahon ngayon. Pati ang mga batang naghahabulan kani-kanina lamang ay nasa lilim na ng mga puno at nagpapahinga. Tanging mga huni ng ibon at mga boses ng taong nagkukwentuhan ang naririnig ko kasabay ng mainit na simoy ng hangin dahil sa init na taglay ng araw ang humahaplos sa mapusyaw kong kutis.
Those noise... I missed those noise. Hindi ako makapaniwalang nakauwi na ako dito sa Pilipinas.
"Awww-awww"- tahol ni Catty. Bigla na lamang niyang hinila ang kanyang tali palayo na siyang dahilan ng pagbitaw ko rito.
Wala akong ibang maisip na paraan para tawagin siya kaya hinabol ko nalang siya. Tumakbo siya sa damuhan kaya tumakbo rin ako sa gawi roon.
"Serene! Rene! Hoy, Rene" Rin
Huh? Biglang may tumawag sa aking babae. Lumingon ako sa gawi ng boses na aking narinig. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha kaya lumapit ako.
"Kamusta ka na! Long time no see! "-saad niya sabay yakap sa akin
"Mmmm" lamang ang lumabas sa aking bibig.
Hindi ako nakasagot, tinititigan ko lang siya at inaalala kung sino nga ba siya.
Siya si Rhayn Cariño... ang best friend ko.
"Ako to, si Rhayn... Hindi mo na ako naaalala? Galing ka sa Canada hindi ba? Akala ko nga doon ka na titira eh. Ang ganda mo na! ". Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Iling at tango lamang ang aking ginawa bilang sagot sa kanyang tanong. Ngunit sa mga oras na iyon, bigla ko na lamang siyang namukhaan. 'Oo' sana ang isasagot ko, hindi ko lamang maibuka ang aking mga bibig.
"Uy" hinawakan niya ang aking balikat. "Magsalita ka naman oh... Okay ka lang? Parang namumutla ka".
I'm sorry. Gustohin ko mang magsalita ngunit wala talaga akong magawa. Hindi ko maibuka ang aking bunganga ni maigalaw ang aking dila. Hangin lamang ang lumalabas sa aking lalamunan.
"Dati rati ang daldal-daldal mo, ngayon... hindi mo man lang ako makausap? "
Nilunok ko ang aking laway, ipinikit ko ang aking mga mata tsaka iminulat. Sinalubong ko ang mga mata ni Rhayn at humugot ng malalim na hininga.
"Ah, h-hi"-tila ako lamang ang nakarinig no'n. "K-ka.. musta- ka-na? " Ngumiwi ako.
Kumurap-kurap siya at titig na titig sa aking mukha habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Ayos lang din. May hinahanap ka ba? Samahan na kita. Nakita kasi kita kanina, hinahabol mo yung aso mo tama ba ako... Tara hanapin natin "
Matapos naming makwentuhan ni Rhayn... Or should I say, 'matapos niya akong kwentuhan' sa mga nangyari sa buhay niya, napag-isipan kong umuwi na agad.
Pagkarating ko sa bahay, bigla akong natigilan sa nakita ko. Kahit nakatalikod sya sa akin, kabisadong kabisado ko ang boses na iyon na siyang nakapagpatindig ng mga balahibo ko.
Teacher Valerie Jenkins was sitting on our sofa together with my mom and dad...
Wait... Maraming nagtataka kung bakit ako biglang nawala. Ano bang nangyari noon?... Bakit kami lumipad papuntang Canada when I was ten years old? Yes... I was ten years old when I left the Philippines. It was still a secret that my family want to keep from the people.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri