Chapter 16

2 0 0
                                    

[Serene Joy]

I'm facing the reality, he's not.

Titig na titig sa akin si Rhayn habang nakahiga ako sa kama. Magdidilim na sa labas at heto ako, nakakumot at namamaga ang mga mata.

"Kakain na, Rene." - Rhayn

"Wala akong gana. " My husky voice filled the room.

" Pati ba naman ikaw ganyan? Nagkukulong din si Kuya sa kwarto niya. Ano bang sinabi niya sayo kanina?" Tanong niya sa akin.

" I love you daw"- mukha akong batang nagmumukmok.

" Kay Lilac?"

I nodded.

"Let's go!" Hinila niya ang kamay ko kaya nahulog ako sa kama.

"Aww!" - me

"Ano ba kaseng ginagawa mo? Halika naaa!" Pamimilit niya sa akin. "Para  kang bata diyan."

Napilitan akong tumayo kahit na namimilipit ako sa sakit. Tutal nakaramdam naman na ako ng gutom, nagpahila na lang ako kay Rhayn. Naabutan namin si Isko at mukhang napansin niya ata na paparating na kami.

"Uw! Mabuti naman at bumaba kana! Bat hindi niyo pa sinabay si Vince. Mabuti pa't tawagin mo na Serene."- Isko

They used to call me Joy but now, Serene na. Kasabwat ba sila na pagpapanggap ni Vince na hindi ako maalala?

Now I hate that name...

"Di  ba't tinawag mo na siya kanina, Isko?"-Rhayn

"Oo pero ayaw niya eh, malay mo si Serene lang ang may kayang pababain siya rito!"- Isko

"Galit kana niyan?"- Rhayn

" M'loves, hindi..." May paglalambing na boses ni Isko

"Kaya mo?" Tanong sa akin ni Rhayn na may panunuya

"Kaya mo!!!" - sigaw naman ni Isko

Napayuko ako at huminga ng malalim. Hindi naman siguro ako mamamatay no? Sabagay trabaho ko naman daw na alisin sa isip ni Vince si Lilac.

"Yeah" I let out a loud breath.

"Good" Isko

Pinanood lang nila akong bumalik sa hagdanan at umakyat. Napipilitan akong binuksan ang pintuan ng kwarto niya at nagpapasalamat na hindi iyon naka lock

Nakita ko siyang nakadapa habang mahimbing na natutulog. "Vince..."

Binuksan niya ang mga mata niyang naniningkit sa pamamaga. Nasilayan ko din ang natuyong luha sa gilid ng pisngi niya. Umupo siya at sumandal sa headrest.

"Serene..." Halos bulong nalang iyon dahil napaos ata sa kakaiyak. "What are you doing here?"

Natagalan ako sa pagsagot. Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo at madiin na ipinikit niya ang mga mata.

"Kakain na daw" sa wakas ay nasabi ko

" Okay..." Pag sang ayon niya at dahan dahang tumayo.

Nauna akong tumalikod sa kaniya at nagsimulang maglakad.

"Kanina..." -Vince

Napahinto ako sa paglalakad

" Kausap ko si Lilac..." Hes pertaining to what happen at the backyard this morning. " Ipinakita ko naman sa kaniya na mahal ko siya, sinabi ko. But I didn't heard any response from her. Anong gagawin ko?"

Hindi nagprocess sa utak ko ang sinabi niya maliban sa huli niyang tinanong.

"Gumising ka nalang..."

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now