Chapter 7

2 2 0
                                    

[Serene Joy]

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako kasama si Vince nang walang salitang namumutawi sa pagitan namin. Dahil sa akin, mukhang mapapanis ang laway namin habang pinagmamasdan ang mga sunflower na nakapaligid sa amin. Nasa gitna na pala kami ng daan daang dilaw na bulaklak, hindi ko man lang namalayan.

"Uhm... Kanina ka pa tahimik... Ah... Hahaha, sorry nauuhaw ka nanaman ba? "–pagbubukas niya ng usapan.

Hindi makatingin na akin si Vince. Nakapagtataka man pero binalewala ko na lamang iyon. Hindi rin naman ako makatingin sa mukha niya. Nakayuko lang ako at kita ko lamang ang mga paa naming dalawa habang naglalakad.

"May dala ka bang panyo diyan, Joy? Pinagpapawisan ka na kasi... Baka matuyuan ka ng pawis mamaya. Balik na kaya tayo doon? "tinuro niya ang gawi ng pinanggalingan namin kanina.

Naninibago parin ako sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Talagang walang bakas ng pagkukunwari na hindi niya ako maalala. Napakabait niya at maalalahanin. Nasaan na ang dating Ardent Vince na kilala ko?

"Halika na.... " tumango na lamang ako bilang sagot at nauna ng naglakad pabalik.

Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko kaya naiilang ako, pinilit ko nalang ang sarili kong huwag lumingon sa kung saan.

May parte sa daanan na puro malalaking bato kaya bumagal ang paglalakad ko pati na rin ng taong nasa likuran ko. Sa init ng araw, at sa nipis ng tsinelas na suot ko, tila napapaso ang mga paa ko sa sobrang init ng mga bato na natatapakan namin. Nagsisisi ako na hindi ko sinuot ang sapatos ko, pahirapan tuloy ako sa paglalakad at muntikan nang matapilok. Hindi ko lang ipinahalata dahil baka isipin ni Vince na nagiinarte nanaman ako. Mahirap na, baka umiyak nanaman ako pag nagkataon na mainis siya.

Tanaw ko na ang lilim ng puno ng mangga na kaninang pinagsilungan namin. Nagmadali akong maglakad dahil ramdam ko na ang tagaktak ng pawis ko. Nakakapagtaka na hindi na nagsasalita ang nasa likod ko. Kaya labag man sa loob ko'y lumingon ako sa likuran. Hindi ko inaasahan na wala na pala siya roon. Saan naman kaya siya nagpunta? Inilibot ko ang aking paningin pero puro nagtataasang suflower lang naman ang nakikita ko. Mula sa malayo, rinig ko naman ang naglalakasang boses nina Rhayn at Isko. Mukhang nasa kalagitnaan din sila ng pamamasyal, mabuti pa sila, nagdadaldalan. Kanina kase, hindi naman kami ganoon ni Vince.

Bumuntong hinga na lamang ako. Baka na-boring na siya sa katahimikan ko kaya lumayo na lamang siya sa akin. Mas mabuti na rin iyon. Tinignan ko ang mga paa ko. Namumula na at may makikitang kaunting paltos sa gilid, hindi naman siguro 'to mahahalata...

Hinubad ko ang jacket na suot ko, tumambad ang panloob na puting v-neck t-shirt. Ginamit kong pamaypay sa sarili ang jacket habang pinagmamasdan ang mga naggagandahang dilaw na mga bulaklak. Bakit hindi ko naisipang mamitas kahit isa lang? Siguro'y bawal, mabuti nalang...

Sa katahimikan ng lugar, alam kong daig ko parin ito dahil sa tunog ng mainit na ihip ng hangin na bumubulong sa aking tainga. Biglang nanumbalik sa alaala ko ang kinuwento sa akin ni Rhayn, ang problema niya sa lovelife. Alam kong wala ako sa tamang lugar pero naiingit ako sa kaniya. Mabuti pa siya at naranasan na niyang umibig kahit hindi ito naging masaya sa huli. Napakaswerte niya at naranasan na niyang masaktan, para sa akin kase... isa iyong aral upang hindi na maulit pa ang sakit. Naging madaya man ang tadhana sa kaniya, alam kong makakahanap din siya ng iba.

Sa kadaldalan ng isip ko, bibig ko naman ang walang kwenta. Ilang minuto na akong naghihintay dito pero wala parin akong makita ni anino nila. Wala pa yata silang balak pang magpahinga. Ingay lamang mula sa mga bunganga nila Rhayn ang naririnig ko. Ang akala siguro nina Rhayn ay kasama ko si Vince kaya hindi na niya binalak na hanapin pa ako. By the way, asan na kaya siya? Ang akala ko'y nakasunod siya sa akin kanina.

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now