[Serene Joy]
-(Flashback) -
Araw ng Biyernes, huling araw ng pasukan bago ang bakasyon. Narito ako ngayon sa isang waiting shed sa harapan ng aming paaralan.
Ilang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang insidente sa birthday party ni Rhayn. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga nangyari, sa totoo lang pero hindi ko sinisi si Rhayn doon. Kahit na nagkulong ako sa aking kwarto noon, pinilit parin naman akong pinalabas nina mommy at daddy dahil masyado na daw akong spoiled. Hindi nila alam ang nangyari sa akin dahil inilihim ko na lang iyon. Sinabihan ako ang mga katulong at driver ko na sumama sa akin noong araw na iyon.
Nag-usap na kami ni Rhayn kanina ngunit nagkakailangan lang... Paniguradong bukas, ayos na ang lahat.
Bitbit ko ngayon ang regalo ni teacher Valerie na gitara noong nakaraang pasko. Mula ngayon, tuturuan na niya ako kung paano tumugtog nito. Sabi pa nga niya noon, kailangan kong maabot lahat ng strings, eh, papaano naman iyon? Malilit lamang ang mga daliri ko sa kamay at namumutla pa sa sobrang kanipisan ng balat. Sa pagkaka alala ko, puro kalyo na ang mga daliri sa kamay ni Vince dahil parati rin siyang nag eensayo kahit sa tingin ko'y kabisado naman na niya lahat ng piyesa.
"Serene Joy! "–manong guard "Nandyan na ang sundo mo, ineng... Mag-iingat ka! "–ka close ko si manong guard, sa totoo lang. Parati ko siyang binibigyan ng mga natirang baon kong pera para nakaipon siya ng pambili niya ng bagong sapatos.
"Babye Manong Guard! "–sumakay na ako sa kotse na pagmamay-ari ni teacher Valerie Jenkins. Palagi niya akong sinusundo dahil dederetso ako sa bahay nila para sa voice lesson ko. Doon ako sinusundo nila daddy pauwi sa bahay. Sa kabila ng pagod, nagawa ko paring maging aktibo sa pag-aaral ng pagkanta.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri