[Serene Joy]
ABOT tenga ang ngiti namin ni Rhayn habang naglalakad.
"Ammm... Pwede na ba tayong tumili? "-tanong ni Rhayn sa akin
"Ba't naman tayo titili? Hindi pa naman tayo nakakarating don"- turo ko sa isang Museum na pagmamay-ari ni Forth.
Kaibigan namin siya kaya malaya kaming gawin ang pwede naming gawin dito dati. Palibhasa mag-isa lang din siyang anak. Pare-pareho kaming nagkagaanan ng loob sa isa't isa. May mga nabasag pa nga kaming mga lumang kagamitan sa loob eh.
Art Forth Museum
Sinikap naming maglakad ni Rhayn papunta dito dahil ayaw daw niyang makasama si Isko. Medyo malapit lang naman pero nakakapagod din.
"Wow, wala parin talagang pinagbago! "-Rhayn
"Uy, " kumapit ako sa braso niya at tumingin sa paligid "Nakakahiya pala. " bulong ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.
Pinagbuksan kaagad kami ng guard papunta sa loob. Tumambad sa amin ang mga makalumang kagamitan at mga sining na nanggaling sa nga hindi kilala at hindi masyadong sikat sa mga artists mula noong unang panahon. Naroon parin sa pinakasentro ang painting ng isang leon katabi ang isang lalaking nakasuot ng pansundalong kasuotan. Sa ibaba nito ay may isang malaking shelf na naglalaman ng mga kahanga hangang libro na puro baybayin ang nakasulat. Walang bakas ng mga alikabok, mukhang alagang alaga parin nila ang museum na ito.
At kung ililibot mo ang iyong paningin, aakalain mong isa itong art gallery sa dami ng painting na nakasabit sa bawat sulok. Mayroon din silang mga makalumang mga kagamitan na hindi na ginagamit sa ngayon dahil sa modernong henerasyon. Makukulay ang mga narito pero halatang pinagdaanan na ng panahon. Karamihan sa mga kulay na makikita at puro puti, kayumanggi, at itim pero makikita mo parin sa ibang ang mga iba't ibang kulay.
"Look who's here! "- mula sa kung saan ay biglang tumambad sa amin ang isang lalaking matipuno na nakasuot ng simpleng white t-shirt at black pants. Medyo may kahabaan ang buhok niya.
"Forth? Is that you? "-Rhayn
"Sino pa nga ba? AHHHHH!!! Hello dear! "-tumakbo siya papunta kay Rhayn at nakipagbeso, tsaka humarap naman sa akin.
"Serene Joy Salvador? Akalain mo nga naman oh! Buhay ka pa pala! Kamusta naman yang dila mo? Naputol na ba? " pabirong bati niya sa akin. Naalala ko pa noon na inaasar niya ako sa sobrang kadaldalan ko. Tatawanan nalang siguro niya ako ngayon panigurado.
"O-oo naman! "- sumbat ko sa kaniya kahit medyo nahihiya na ako. Tumingin na lang ako sa ibang painting para malibang naman ako kahit papaano.
Forth Delos Santos. Kung hindi pa magsasalita ng pang miss universe aakalain mong straight na lalaki talaga siya. Boses babae siya kahit malaki ang pangangatawan niya. Dati rati patpatin lang siya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita pero hindi ko parin makakalimutan ang isa sa mga naging kaibigan ko dito. I feel comfortable kahit na may mga taong nakapaligid at nagmamasid din dito sa loob ng museum.
Sa sobrang excited namin ni Rhayn, tinawanan na lang namin ang pagiging matabas ng dila niya. Mortal enemy kasi namin siya noong mga bata pa kami hanggang sa naging magkakaibigan na kami. Ewan ko na lang kung hanggang ngayon.
"Look at this, galing 'to sa isang abandonadong mansyon dito lang malapit sa San Diego."ipinakita sa amin ni Forth ang isang singsing na may naka attached na isang precious stone na kulay violet/purple. Amethyst. Nasa loob iyon ng isang salamin. Mukhang isa iyon sa mga espesyal na bagay dito.
Napawow na lang ako sa taglay na ganda nito. Sadyang napapahanga na lang ako sa mga bagay na nilalaman ng museum na ito. Sa murang edad namin ni Rhayn, puro mga sikat na artists at mga sikat na gawa lamang nila ang kilala namin noon. Ngayon, mas nahihiwagaan na ako sa mga hidden history ng mga bagay na nakadikit, nakasabit at nadisplay sa museum na ito.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri