[Serene Joy]
"I think I have to have a research about it later"
Matapos ng mahabang katahimikan na bumalot sa pagitan namin ni Rhayn, naiintindihan na siguro niya ang sitwasyon ko ngayon.
(Selective Mutism- a severe anxiety disorder wherein a person is unable to speak when he/she is in a certain social situation such as school, social gatherings, even in relatives.)
"Paano nangyari yan sayo? " she asked me as if I'm a kid na hindi maintindihan ang kaniyang sinabi kapag hindi marahan ang paraan ng pananalita. I'm just like a fragile thing kahit hindi naman talaga.
"I... I can't...Rhayn, can you please give me time para... masabi sa 'yo? " with full of effort, I said.
"Okay lang... Halika na sa baba, nagpapahanda na ata ng hapunan si boss Ardent Vince. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa 'yo"
Gaya nga ng sinabi niya, bumaba na kami at pumunta sa kusina kung saan nadatnan namin si Vince na nakaupo sa kabisera. Mukhang kanina pa naghihintay sa amin.
"Kain na tayo Rhayn and... Uh, what's your name again, Miss? "-Vince
"Her name is Joy"-Rhayn
"Okay, sit down na... I hope magustuhan niyo ang pagkain dito, hindi pa kasi sila namalengke kaya puro gulay galing sa backyard ang niluto nila manang"
Ibig sabihin, matagal nang nakatira si Vince dito? Lumingon ako kay Rhayn at mukhang nabasa niya ang tanong na nasa isip ko. She just nodded at me at pinagsalok niya pa ako ng kanin at ulam sa pinggan ko.
Ano ang ginagawa niya dito? Wala pa ba siyang nobya? Hindi ko inaasahan na titira siya sa ganito katahimik na lugar habang naroon ang kaniyang ina sa lungsod. Maraming tanong ang namuo sa aking isipan ngunit wala akong magawa dahil sa taglay kong katahimikan.
Walang nagsasalita habang kumakain maliban kay Vince dahil mukhang kausap niya sa telepono ang kaniyang ina. Tungkol siguro iyon sa negosyo o anuman iyon.
Ipinagpatuloy na lamang namin aming pagkain hanggang sa matapos kami. Napagdesisyunan ni Rhayn na maligo muna kaya umakyat muna siya sa itaas kaya naiwan ako dito sa sala habang nanonood ng telebisyon.
"Ano nga ulit pangalan mo? " out of a sudden, sumulpot mula sa kung saan si Vince habang nakapamewang na nakatayo at nakatuon din ang paningin sa tv.
"J-joy"
"Nice name... Actually ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang pangalan. Maganda na sana pero bakit parang hindi ka naman masaya? Like, hello... 'Joy' ang name mo pero mukhang sad ka naman. Well, by the way, ilang taon ka na? "
Nabigla ako sa kaniyang mahabang saad ngunit ipinagtataka ko ang hindi niya paglingon sa gawi ko. Nakatuon lang talaga ang paningin niya sa telebisyon habang nagsasalita kanina.
Joy? Hindi ako sanay na tawagin nila ako ng ganoong pangalan. I prefer Serene than Joy. Hindi ko naman masisisi si Rhayn sa ginawa niya.
Hindi ako nakasagot sa huli niyang tanong. I'm eighteen years old, so probably he's 20 years old. Sa paraan ng pananalita niya, sa tingin ko maraming nagbago sa kaniya. Nakasisiguro akong maganda parin ang boses niya hanggang ngayon.
"Joy? " tinawag niya ako sa aking pangalan na hindi ko naman nakasanayan. "Pipe ka ba o ano, kasi kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo naman ako kinakausap. " lalong umatras ang dila ko sa sinabi niya. Dahil doon, biglang bumalik sa alaala ko ang mga sinabi niya noon sa akin.
"Remember this day Serene... I. DONT. WANT. TO. HEAR. YOUR. VOICE. AGAIN. EVER!"
"Remember this day Serene... I. DONT. WANT. TO. HEAR. YOUR. VOICE. AGAIN. EVER!"
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri