Chapter 15

0 0 0
                                    

[Serene Joy]

Matapos ng insidente na nangyari sa pagitan namin ni Vince, hindi ko siya kinausap. Kahit na nakagawian ko nang manahimik, hindi ko magawang lumingon sa kaniya.

Pero mukhang hindi ngayon.

"Now, speak."-Vince

Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Umaga ngayon at nandito nanaman ako sa backyard katabi si Vince. Bigla na lang siyang tumabi sa akin na ikinabigla ko naman kanina.

Anong sasabihin ko? Inaatake nanaman ako ng pagka pipi. At himala naman ata na hindi niya ngayon kinakausap ang sarili niya... Kay Lilac.

"Nag- agahan kana? Bakit ka nga pala umiiyak kahapon? Tsaka... Nakita mo ba si Lilac na lumabas sa kwarto ko?"

Here we go again. Puro Lilac nalang ang bukambibig niya.

I faced him. "Hindi totoo si Lilac"

"Serene, pati ba naman ikaw?" By that, I therefore realized... Bat hindi ko napansin? He called me Serene...

"You..."

"Me, what?"

"You called me Serene?"

"'Cuz that's your name, Serene Joy, am I right?"

" Naaalala mo na ako?"

" Mula nung pumunta ka dito,kilala na kita..."

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Kinabahan ako, bakit hindi siya nagsuplado sa akin noon? Hes really good in hiding emotions in contrast with mine.

"Hindi ko lang nagawang kausapin ka nang matino kasi... " kinamot niya ang kaniyang batok bago nagpatuloy    "...nagi-guilty ako sa ginawa ko sa iyo noon "

Nabigla ako sa sinabi niya.

" Weeks ago, tinawagan ako ni Rhayn na dumating ka na raw galing Canada. I was surprised, to the point na I invited her to come here at dapat kasama ka."

" Ginawa mo 'yon?" I was speechless before I asked him.

" I already know your situation. Your mom told me that you have a selective mutism. Ilang araw kong dinigest sa utak ko yun bago ko na realize..."

Lumingon ako sa gawi niya pero hindi sa mismong mga mata niya.

" Ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ka and I'm sorry."- he sincerely apologized " Nilisan niyo ang Pilipinas para doon ka magrecover, right?"

I nodded

Naglakas loob akong nagsalita at itanong ang dapat kong itanong.

"Bakit mo sinasabi 'to sakin ngayon? Alam mo naman pala... na ako si Serene Joy pero... nagkunwari ka?"

He turned his head towards me and looked directly into my eyes. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

" Kasi alam ko ang sitwasyon mo at ayokong nakikita mo ako sa paraan ng pakikitungo ko sayo noon. That's why I treated you the way you deserve it, hindi ko na gustong ulitin yung ginawa ko sayo noon. Kaya nagkunwari akong hindi kita maalala."

Tanging hangin lang ang lumabas sa bibig ko bago mariin na pumikit. Bakit ang bilis ng mga pangyayari? I can't even go with it. Masyadong mabilis.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Sinundan naman niya ang tinitignan ko.

"Lilac?"

Hindi na ako magugulat. Nanikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan na iyan. She's back... He's back with his usual routine, to say that name even though it doesn't exist. Out of a sudden, nagmistula nanaman akong bato sa tabi niya samantalang tao naman ang nasa harap niya.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"You're here! I missed you! Sabi ko na nga ba at babalik ka!" -Vince habang lumalapit sa mainit na parte ng bakuran.

Sinundan ko siya gaya ng nakagawian ko mula noong sinabihan ako ni Isko na bantayan ko siya.

Tumapat ako sa gilid niya, ilang metro ang pagitan namin. Kita ko sa mukha niya ang magkahalong saya at lungkot. Hindi nako maninibago dun. Nahagilap ng paningin ko si Rhayn at Isko na pinapanood kami mula sa pintuan ng bahay.

Kung tutuusin matatawa ka talaga sa sitwasyon ngayon ni Vince pero hindi. Hindi dapat ito ginagawang katuwaan.

Seeing him suffer in pain while talking and begging for Lilac to come back really breaks my heart including Rhayn and Isko. Nangangayayat na siya dahil ilang araw na rin siyang hindi kumakain nang maayos. Nariyan lang siya at nagsasalita mag isa. Kung ibang tao ang nakakalita sa kaniya paniguradong pagtatawanan talaga siya.

He's murmuring while facing the wind.

Para hindi siya magmukhang tanga, nagtungo ako sa bandang harapan niya. Tinignan ko ang mga mata niya na nagbabadyang bumuhos ang mga luha.

"I love you, Lilac..."

Kasabay no'n ay ang pagbagsak ng luha niya. He's hurting but still fighting for nothing. Anong gagawin ko?

Pinahid ko ang mga luha niya. Naaawa na talaga ako sa kaniya.

"Please... Vince, you can do it... Wake up" alam kong narinig niya iyon.

" I love you" ulit niya, titig na titig sa mga mata ko. Alam ko naman na he's pertaining to Lilac. His wild imagination kills him.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Gusto kong alisin yon pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang saktan.

"I want your response, mahal mo rin ako diba?" -Vince

I wasn't able to open my mouth to speak. Dahil hindi ako si Lilac. Hindi ako ang sinasabihan niya ng "i love you".

"Answer me!!!"

Napapikit ako sa sigaw niya. Bigla na lamang niya akong hinawakan sa balikat ko at niyugyog ako.

Mainit sa kinatatayuan namin. I saw Rhayn trying to go near us but Isko blocked her way.

"Huh? Say it!" - Vince

May hikbing kumawala sa bibig ko bago pumatak ang mga luha ko. Wala akong magawa para pakalmahin siya. Wala kong kwenta.

Sa halip na magsalita, pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya imbes na sa akin.

"I...."

Hinihintay niya ang sunod na sasabihin ko.

"Hah!-" huminga muna ako ng malalim " HATE...YOU"

Matapos kong sabihin 'yon, nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya at patakbong pumasok sa loob ng bahay patungong kwarto.

I can't breathe. Sa katotohanan na iba ang mahal niya at pinapangalandakan niya 'yon sa harapan ko nang hindi niya alam. I can't heal him, hindi ko yata kaya.

Rinig hanggang dito ang pagwawala niya. Pinapatahan siya nina Rhayn at Isko pero parang mas lumala pa ata.

Lumingon ako sa nakabukas na bintana. Tanaw ko siya mula rito. Nakita niya ako mula roon habang pumapatak ang mga luha niya.

Huminahon siya pero bakas parin ang pagpipigil na magwala. Naging malikot ang mga mata niya habang hawak siya ni Isko. Bumalik ang tingin niya sa akin bago umiwas ulit at pumasok sa loob.

Umiling ako bago isinara ang bintana at maghapong nagkulong sa kwarto.

-GaietyRiri

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now