Chapter 8

0 1 0
                                    

[Serene Joy]

Nagising ako dahil sa narinig kong parang may nahulog na bagay sa sahig. Kasalukuyan pala akong nakahiga sa isang malambot na higaan at amoy na amoy ko ang halimuyak ng air freshener na siyang nagpagising ng diwa ko.

"Sht! "-tinig ni Rhayn

I opened my eyes to see what's happening pero biglaan ulit akong nakaramdam ng hilo. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata nang mariin at saka binuksan ng dahan-dahan ang mga talukap ng aking mga mata.

"Uy! Gising ka na! - Isko

Nasa loob na pala ako ng silid na tinutuluyan namin ni Rhayn. Nakaupo si Isko sa armrest ng sofa habang may hawak na gitara. At sa mismong sofa naman nakaupo si Vince na sa tingin ko ay bagong ligo lang dahil sa basa niyang black at straight na buhok.

"Joy! "-Rhayn "Mabuti naman at gising kana, nag-alala ako sayo. Nakakainis ka! Bakit kasi bigla nalang dumugo yang ilong mo! " sa kabila ng pagkakahilo ko, kita ko parin sa mukha ni Rhayn ang pag-aalala.

Sa tingin ko dalawang oras akong natulog base sa nakita kong oras sa orasang nakasabit sa itaas ng pinto. Alas onse. Nagbalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Mabuti na lamang at hindi umabot sa sabunutan ang bangayan kanina nina Rhayn at Mile. Paniguradong pareho kaming sugatan na umuwi kanina.

Napangiwi ako sa hapdi na naramdaman ko sa bandang paanan ko. Tumingin ako sa ibaba ay nakita kong may nga nakadikit ng band aid doon. Saka ko nilipat ang paningin ko kay Vince na kasalukuyang nakayuko at tinitignan ang mga strings ng gitara na kanina'y hawak ni Isko.

"Si kuya pala ang naglagay ng mga band aid diyan sa mga paltos mo... "-kinamot ni Rhayn ang sentido niya. "Sabi nang hindi na kailangang lagyan, bakit kase bumili pa ng band aid hindi naman kailangan."

"Kamusta ng pakiramdam mo, Joy? "-tanong ni Isko

"Ayos naman na"-hindi ko man inaasahan, pero bigla akong nagsalita para sagutin ang simpleng tanong na iyon.

"Wow! Ngayon ko lang narinig yang boses mo! Sarap sa ears! Singerist ka ba dati? "-doon na ako hindi nakasagot sa tanong na iyon ni Isko

"Tumigil ka nga diyan Isko. "-Rhayn
"Ibalibag kita diyan ey. "

"My loves naman, ano nanamang problema natin? Pag-usapan naman natin oh~! "-malambing na saad naman ni Isko.

Kumukulo parin ang dugo ni Rhayn kay Isko. Pati na rin siguro sa nangyari kanina.

"Tsaka nga pala, Joy"-binalewala na lamang ni Rhayn ang sinabi ni Isko. "Kita mo 'to?" itinaas niya ang isang kulay puting panyo na punumpuno ng mga dugo. "Nahimatay ka kanina dahil sa init ng panahon, tapos nag nosebleed ka rin... Nag-alala nga ako eh. Pero normal lang naman pala yon. Sige na... Magpahinga ka na ulit. Pasensya ka na at nagising kita, nahulog ko kasi yung planggana eh. "

'Gusto ko nang umuwi'-sabi ko sa sarili ko pero ano namang magagawa ko? Nahihilo parin ako.

"Magpahinga ka na"-Vince

I blinked twice. Ewan ko ba sa sarili ko, sa tuwing naririnig ko ang boses ni Vince, nahihiya nanaman ako.

Inalalayan ulit ako ni Rhayn pabalik sa pagkakahiga.

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now