Chapter 9

0 1 0
                                    

[Serene Joy]

"Huwaaaaa"-sigawan ng dalawa habang nanonood ng horror movie na pinamagatang 'Last Destination'. Rhayn and Isko, you look good together, pero sana bawas-bawasan niyo ang mga bangayan niyo, please... Please lang.

Habang ako, narito lamang sa kabilang single sofa, habang takip-takip ang dalawang mata ko. Syempre, takot din ako.

Napagdesisyunan kase ng dalawa na manood raw ng horror movie, you know, as usual, sa sobrang kadaldalan ni Rhayn, naikwento na niya ata yung childhood memories naming dalawa. Isama na rin yung kalagayan ko. At dahil sa medyo may pagkasutil si Isko,

"Wag kang mag-alala, Joy"-his never ending line, I bet.. "Kapag kasama mo kami nina Rhayn at boss Ardent Vince, panigurado! Gagawin naming armalite yang bunganga mo! "-biro niya

"Punyeta ka! "-her favorite curse, I guess... "Pati ba naman best friend ko sinasama mo sa listahan ng mga followers mo, Isko? Iskoooo naamaaann!!! ISaKo keta diyan eh. Kita mo!"-Rhayn

Walang makakapigil sa tabas ng mga dila nila kaya hinayaan ko nalang sila. They will be part of my therapy. At unti-unti kong napapansin sa sarili ko na napapalapit na ako sa kanila kahit ikatlong araw ko pa lang ngayon.

At dahil doon, kailangan ko 'daw' harapin ang takot ko. In short, "face your fears" -Isko

Kaya no choice kami kundi mag-takip ng mata habang nanginginig sa takot. Pero patuloy parin kaming nanonood.

"Mamaaaa! Iskooo patayin mo na kaseee"-Rhayn

"Eto na, eto naaa"-habang nakatakip ang isang kamay sa mukha, nagawa paring patayin ni Isko ang tv.

Pagkapatay ng tv, bigla na lamang kaming may narinig na tila nabasag sa itaas. Wala parin akong imik habang nadadaldalan parin dito sina Isko at Rhayn.

"Si Kuya talaga, kahit kelan... "-Rhayn
"Dito lang kayo ha? -at patakbong tinahak ang hagdan pataas.

"Ano kayang nangyayari? "-hindi ko maiwasang magtanong

"Dati ko nang naririnig na parating may nababasag sa itaas, Joy. Pero... Hahaha hayaan mo na! Alam mo naman si boss, minsan highblood. "-Isko

Sunod sunod din na nagsidatingan ang mga katulong... At dahil umiral nanaman ang pagkamahiyain ko, pumunta na lang ako sa isang sulok at kinalikot ko nalang ang aking mga kuko...

***
Matapos ang isang oras na pananatili ko sa sala, dahil umuwi raw muna saglit si Isko, naisipan kong pumunta sa backyard. Kaya sa kabila ng kaba na baka mayroong tao ay dahan dahan akong naglakad patungo doon.

Ang tagal naman nila, mas mainam siguro kung maidlip na muna ako saglit. Kahit na sa tingin ko ay nasobrahan ako ng tulog kahapon at kagabi, nahiga nalang ako sa isang higaan na gawa sa kawayan dito sa backyard. Medyo malilim naman dahil sa mga puno ng mangga na nakatanim di kalayuan na hinihigaan ko.

Matapos ang ilang minutong pagmumunimuni...

Hindi na ako makakatulog kaya tinignan ko na lang ang nasa itaas. Nakahilata ako kaya kita ko ang kalangitan. Hindi nakakasilaw sa ngayon dahil nagtatago si haring araw sa mga ulap.

Those clouds... Kung pwede lang sana silang hawakan at abutin mula rito. They're like cotton candies na iba iba ang mga hugis. Nakakarelax. Papaanong nagkaroon ng ganitong lugar sa gitna ng syudad
Nakakapagtaka. Pero isinantabi ko na lamang iyon. Nakakarelax...sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata sa kalagitnaan ng liwanag. What if I try to imagine some things? Daydream. Naalala ko pa noong bata pa lang kami ni Rhayn,we used to imagine together. 'Yung mga fairy tales kumbaga...malayo sa reyalidad na kinagagalawan natin ngayon. Siguro sa mga kagaya kong ganito ang kinalakhang personalidad, maraming tumatakbo sa mga isipan nila na hindi nila nasasabi. We learn to express our own feelings through imagination. Through it, nagagawa naming manahimik ng pang matagalan. This is the advantage of being like this. But on the bad side?Ayaw ko munang banggitin yon. Iniiwasan kong mag-isip ng negatibo, for my therapy.

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now