Chapter 12

0 0 0
                                    

[Serene Joy]

"Ang tigas tigas nga naman talaga ng ulo mo eh no? "Isko

"Bakit nanaman? Anong problema mo? "-Rhayn

"Diba sabi ko, wag na kayong bumalik doon? Tamo yang napala mo, nagkablack eye ka tuloy, my ghad, my labs! "-Isko

Kung nagtataka kayo kung bakit niya pinapagalitan si Rhayn? Well... Bumalik nanaman kami sa museum nina Forth. Matigas nga naman talaga ang ulo namin. And to be honest, ako ang nagyaya. Wala lang, gusto ko lang mamasyal kahit mukha akong suso na bigla na lang titiklop pag may hahawak sa akin.

"Porque patay na patay na patay sakin yung baklang 'yon, papatulan mo na? Ikaw lang naman yung gusto ko eh! "-Isko

"Che! "-Rhayn

Mabuti na lang at hindi halata yung pasa niya sa mata.

Naglalakad  kami ngayon sa kalye pauwi. Putangina ano ba naman kasing naisip namin at para kaming utot ni Rhayn na bumalik doon nang hindi man lang nagpaalam kina Isko?

Ayan tuloy, siya na ngayon ang nabiktima ni Forth.

"Humanda sakin 'yang Kwatro na 'yan. "-Rhayn

"Wag nalang tayong bumalik doon, Rhayn. " sabi ko naman sa kaniya.

Nauuna akong maglakad sa kanila. Malapit na kami sa bahay nang...

"No. No. No. No. No!... Please! "

"A-ano yun? " tanong ko sa kanila. Biglaan na lang akong napakapit sa braso ni Rhayn sa gulat.

"Si boss Ardent ba yun? "- Isko

"Si Vince? Bakit siya-" naputol ang itatanong ko nang biglang tumakbo si Rhayn sa bahay.

"Hindi! "- Vince

Umibis kami ng takbo ni Rhayn at Isko patungo sa kwarto niya.

"Rhayn, bakit siya nagkakaganon? "-ilang beses ko nang tinanong sa kaniya yan tuwing naririnig ko si Vince na nagagalit. Parati naman siyang mahinahon magsalita noong bata pa kami, maliban sa akin.

"Ano kase-" naputol ang sasabihin niya nang marinig namin ang tunog ng napakalakas sa pagbasag. Umakyat kami sa hagdanan.

"AAAHHHH! " habang papalapit kami sa kwarto niya, palakas ng palakas ang mga kalabog na nililikha niya.

Binuksan ni Rhayn ang pintuan at tumambad sa amin si Vince na nakaupo sa may sulok at duguan ang mga kamay.

Napalingon ako sa may kanan, malapit sa kama, naroon ang basag-basag na salamin at vase kasama na rin ang gitara niya. Wasak wasak iyon at putol-putol na rin ang mga strings. Anong nangyayari sa kaniya?

Sunod sunod na nagsidatingan ang mga katulong pati na rin ang mga kapitbahay namin.

"Oh my ghad, Boss. Anubanamanyan?! "-Isko inalalayan niya si Vince na nanghihina paupo sa kama niya.

"Li... Li... Lilac... "-Vince

Hindi ko maintindihan ang mga binubulong niya. Pangalan ba iyon? O isang bagay? Hindi ko alam.

Nanginginig na rin ako sa takot. Baka nakainom lang siya? Or what? Naguguluhan na ako.

"Kuya" Rhayn
"Please kumalma ka. Dadalhin ka namin sa ospital. "

Itatakip na sana ni Vince ang mga kamay niya sa mukha pero pinigilan ko siya.

"Wag! " kumuha ako ng tuwalya sa closet niya at ipinahid iyon nang dahan dahan kahit na nanginginig at natataranta na rin ako.

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now