[Serene Joy]
Lulan kami ngayon ng isang kalesa.
Hindi ko inaasahan na mayroon palang ganito sa lugar na matagal ko naman nang napuntahan. Kahit na may pagkamoderno ang anyo ng kalesa, nagmumukha parin itong nasa sinaunang panahon dahil sa kabayong humihila rito.
"Excited na ako! Maganda ba doon kuya? "-Rhayn
"Oo naman... Tsaka para naman makarelax 'yang si Joy, pambawi ko na rin sa ginawa ko kahapon"-Vince
Kung kahapon ay naghihinala ako na baka nagkukuwari lamang siya na hindi niya ako kilala ngunit ngayon, sa mga galaw niya, halatang wala talaga siyang kaalam-alam na ako iyong sinigawan niya dati.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bulsa ang jacket na suot ko parin hanggang ngayon.
"Re... Ah este Joy, hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo? Hindi bat may pinahiram naman akong spaghetti sa iyo kanina? Bakit hindi iyon ang sinuot mo? "-Rhayn
Hindi na ako tulad ng dati na nagsusuot ng maiikling kasuotan. Mula nang mapadpad ako sa Canada, kahit summer doon ay hindi ko naisipang magsuot ng maiikli. Siguro'y nasanay na ako, isama na rin ang kalagayan ko.
"Oh, okay... "Tanging nasabi na lamang ni Rhayn.
Umiling lamang ako kay Rhayn habang sumasama sa pag-indayog ang aming mga katawan dahil sa lubak na daanan. Siguro'y malapit na kami. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko sa loob ng kalesa. Katabi ko si Rhayn habang nasa harapan namin sina Vince at Isko, kapitbahay nila na may ari ng kalesang sinasakyan namin ngayon. Malawak kasi ito kaya apat ang maaaring makasakay sa loob. Sandali lamang ang palalakbay ng mga mata ko sa kanila dulot ng kahihiyan. Nahawa na siguro sila sa katahimikan ko kaya't himihikab na ang lalaking nasa harapan ko.
"Nauuhaw ka na ba? " hindi ko inaasahan ang tanong na iyon na mula kay Vince.
Tinignan ko siya sa kabila ng kaba na nararamdaman ko. Inabot niya sa akin ang isang bote ng mineral water habang siya ay nakatingin sa ibang direksyon na tila ayaw tumingin sa mukha ko.
Tinanggap ko iyon. Sinubukan kong buksan ngunit hindi kaya ng maliit kong kamay.
"Amin na" kinuha niya ito mula sa aking kamay. Ramdam ko ang lambot ng mga daliri niya. Walang kahirap-hirap niyang binuksan iyon gamit ang mahahaba niyang mga daliri. Hindi na ako magtataka dahil magaling naman siyang maggitara. Nakasisiguro akong abot ng mga iyon lahat ng strings ng pinakamamahal niyang instrumento.
"Oh, dahan-dahan lang at baka matapon, malubak pa naman ang daan"-Vince
Hindi ako nakaimik at tumunganga lang ako da kaniyang harapan matapos kong kunin mula sa kaniya ang bote.
At dahil sa panginginig ng mga kamay ko at sa lubak lubak na daanan, hindi ko kayang hawakan nang mabuti ang bote kaya naman natapon ang ilang patak nito sa pantalon ko. Mabuti na lamang at may humawak sa mga kamay ko.
"Sabi nang hawakang mabuti eh"
Sa kabila ng hiya, itinaas ko ang aking paningin kay Vince na nakatuon ang paningin sa bote.
"Sa.... La.... Mat"-pilit kong binuo ang salitang iyon kahit na nanginginig ang kalamnan ko.
"Inumin mo na iyan bago pa maubos"
Matapos niyang sabihin iyon ay inalalayan niya ang mga kamay kong may hawak sa bote at itinaas iyon patungo sa bibig ko.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri