Chapter 14

0 0 0
                                    

"Ilang beses mo ba akong iiwan, huh, Lilac?" - rinig ko hanggang dito sa backyard ang boses ni Vince habang inaatake nanaman siya ng sakit niya.

Dalawang linggo nalang at aalis na kami ni Rhayn. Mag aaral na rin ako sa isang university na napag enrollan ko noong nakaraan. I'll miss this place.

Lahat ng magagandang memories namin ni Rhayn nandito since we were young. Kaya naman nakakalungkot na ilang araw nalang ang pamamalagi namin dito, pati na rin ang nalalabing araw na sasamahan ko si Vince na gumaling. Kung may pag asa man sa loob ng dalawang linggo, hindi ko yun pagsisisihan.

I heard the chirping of the birds landed in front of me.

"Lilac!!!"

Biglang lumipad ang mga ibon sa sobrang lakas ng boses na iyon ni Vince. Seems like he's still arguing with her but the truth is he's only arguing with himself. Pati kapitbahay namin dito nabubulabog na at laman nanaman ng usapan nila. Kesyo baliw na raw si Vince. Pero hindi yun ang totoo, he is suffering for mental illness. For me hindi siya baliw. Hah, those crazy people's mindset.

"Yow miss 'noiseless'!" Isko

Lumingon ako sa bandang likuran ko.

" Hey"

" How's Mr. 'Down-in-the-Dumps' ?

"He's getting worst each day..."

"Go. Light him up!" - Isko

"How?"

"Ask yourself how!!!" Pinanlakihan niya ako ng mata "Ilang araw ka nalang dito, aaksayahin mo nanaman ba yun sa pananahimik at pagtambay dito sa backyard?"

Ngumiwi ako sa taas ng boses niya.

'Idiot psychologist'

"Puntahan ko lang si Rhayn m'loves" then he left me

Pumunta ako kung saan ko naririnig ang self argumentation ni Vince. Nanginginig ako sa takot. I heard several footsteps while taking my way in his room and also countless sobs.

Umiiyak ba siya?

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang nakalupasay sa sahig na si Vince... while crying.

Lumingon siya sa akin.

"What? Bakit ka pa bumalik? If you want to leave me then go! Hindi na kita pipigilan." -Vince

"Vince Ardent"

" Lilac, please don't make this hard... Just leave! Hindi na kita hahabulin, hindi na kita sasakalin. Go!!!"

" Hindi ako si Lilac... How many time do I have to tell you that...." Mahinahon kong saad kahit na nangangati na ang paa kong lapitan siya

" Then who are you then? Huh? Ang sabi mo sakin dito ka lang, hindi moko iiwan? Where's the Lilac that I met years ago? Damn..." Mabilis niyang pinahid ang mga luhang pilit tumutulo sa kanyang mga mata.

Napilitan akong magkunwaring si Lilac

"Please let me...ayaw kong nakikita kang ganyan, Vince. Stand up and face the reality. Kasi...." ito na ata ang pinakamahabang salita na babanggitin ko mula noon... " hindi ako tunay. Im just your imagination, a living wind. Nasa utak mo lang ako, hindi moko mahawakan, hindi moko mayayakap."

He took a deep breath at tinalikuran lang ako.

" Please wake up, I'm here waiting for you to see the light behind your dark dreams. It's not healthy for you. Kalimutan mo na ako."

Dinakip niya ang isa sa mga unan niya at tinapon iyon sa labas ng bintana.

" I'm leaving..." yun lang ang naisip kong paraan para paalisin si Lilac sa isip niya.

Nagkunwari akong maglalakad palabas at hindi ko siya nilingon. I closed the door between us. Doon na tumulo ang nga luha na nagbabadyang bumagsak kanina. Umupo ako at sumandal sa pader. Ayokong nakikita siyang nahihirapan. Mas malala pa ata ang pinagdadaanan niya ngayon kesa sa akin.

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan. Natigilan si Vince nang makita ako.

"Serene, what are you doing here?" he recognized me.

"Uhm."

"And why are you crying? Nasaan si Rhayn at Isko?"

Namamaga ang mga mata niya habang nagtatanong.

" N-nasa labas..."

"Come here..." Inalalayan niya akong tumayo at nagpatianod naman ako. "Sshhhh, stop crying."

"Y-you...." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

" Me, what?"

" Will you please... " huminga ako ng malalim. " Let go of Lilac?" I whispered behind his ear.

" I can't..."

Niyakap niya ako dahil hindi parin ako tumitigil sa paghikbi.

"'cause you love her?"

"Yes"...

Matapos niyang sabihin iyon ay bumitaw ako sa kanyang pagkakayakap at bumaba sa hagdanan.

"She... she's gone" saad ko habang nakatalikod sa kaniya

"She's going back" puno ng pagnanasa ang boses niya.

" Please do me a favor..."

He didn't respond.

"...allow yourself to be loved by the person who can give what you deserved. Not the other way around..."

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbaba sa hagdanan. Nakasalubong ko sa Rhayn at Isko na nag-uusap.

"Oh, you're here..."

I nodded as a response and turned my back to them. Ayokong nakikita nila akong nahihirapan para sa pinsan niya. Kasi hindi naman dapat.

The image of Vince while talking by himself alone breaks my heart. He's really down in the dumps...

_GaietyRiri




A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now