[Serene Joy]
Days turned to a week, buhay pa naman ako kahit papaano dito sa vacation house nina Rhayn. Sanay naman na akong manatili dito dahil bata pa lang ako, dito na kami nagbabakasyon dati noong may time pa sina mommy para sa bagay na 'yon. Sa kadahilanang matagal nang may koneksyon ang magulang ko sa magulang nina Rhayn... Business, I think. Ang pinagkaiba nga lang ngayon eh, hindi ko sila kasama.
Well, wala na akong magagawa...
Sa loob ng isang linggong iyon, wala kaming ginawa kundi mag movie marathon, mag-luto, mamasyal, magtanim ng halaman sa backyard, at marami pang iba at ni isa sa mga 'yon hindi sumali sa amin si Vince. Hindi ko alam kung bakit, parati ko kasing naririnig sa kwarto niya na may kausap siya parate. Siguro busy siya kaya ganun. Meron 'yung time na sumisigaw siya... Akala ko tuloy may kasama siya sa kwarto niya pero tinanong ko si Rhayn, sabi naman niya may kausap siya sa phone at importante raw iyon. Nakikita ko lang siya sa tuwing kakain na kami sa hapag o di kaya'y may kukunin lang siya sa sala.
Mukha ngang boring, atleast may ginagawa parin kami. Nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit nagawa ko ang mga bagay na iyon. I expected that I'll only sit here and be quiet the whole summer. Ang sabi ko nga, nandito na rin naman ako bakit hindi ko nalang sulitin? Unti-unti naman na akong napapalapit sa mga taong nasa loob ng bahay bakasyunan na ito. Mukhang effective naman ang kayabangan at kadaldalan ng dalawang 'to sa harapan ko.
"Aarrgg! Talo nanaman ako?! – Isko
Winasak niya ang mga gamit sa harapan. Akala mo naman kung sino, nagkukunwari pang maiiyak.
"Ow yeah! Pano ba yan? Asan na yung bayad mo? "–Rhayn
Natawa na lang ako sa mga pinag-gagagawa nilang dalawa. Siguro kung wala si Isko, magdadrama lang si Rhayn dito maghapon, broken hearted eh. Naglalaro kasi sila ng chess ngayon. Imbes na manahimik dapat kapag naglalaro, bunganga parin ang ginagamit nila. Palakasan ata 'to ng boses at hindi pagalingan ng utak.
"Asan na kase si boss Ardent? Siya dapat 'yung nandito eh! Wait, tawagin ko lang". –Isko
"Tinatakasan mo lang ata ako eh?! "–Rhayn
"Uy, hindi ah! Nakakainis naman kase si boss, ilang araw nang nasa kwarto niya, dapat ineenjoy niya 'tong summer eh. "– reklamo niya tsaka umakyat sa itaas.
Naiwan kaming dalawa rito ni Rhayn sa sala.
"Alam mo? Naalibadbaran na 'ko diyan sa suot mong jacket, Joy. Tumingin ka nga sa labas oh! It's a bright blue day! Samahan mo pa ng yellow! Summer ngayon teh! "– naiirita na may halong concern na sabi ni Rhayn.
"Nilalamig ako eh. ", tipid na sagot ko
"Naku! ", napahawak siya sa kaniyang noo. "Mamaya magnosebleed ka nanaman diyan sa inet ng panahon, magpalit ka nga dun! Ngayon na! " utos niya sa akin at pinapatuloy ang pagliligpit ng chess board.
"S-sige... ", nag alinlangan pa ako kung susundin ko siya pero baka sermonan nanaman ako nito. Kaya umakyat na lang ako sa itaas.
Sakto namang paghakbang ko sa unang baitang ng hagdanan, siya rin namang pagbaba nina Isko at Vince. Nakayuko lang ako at nilampasan sila. Nasa magkabilang bulsa ng jacket ko ang dalawang nanlalamig na kamay ko. Hindi ko sila nilingon.
Ngayon lang siya bumaba. Ang pagkakaalam ko busy talaga siya, 'pag dumaraan ako sa silid niya, maliban sa tunog ng gitara, parati naman siyang may kausap.
Matapos kong magpalit, narito parin ako sa tapat ng tukador na may salamin. Titig na titig sa aking bagong kasuotan. Simpleng yellow sando lang naman na makapal ang strap at hapit na hapit sa bewang ko ang suot ko ngayon. Nakaponytail naman paitaas ang mahaba kong buhok na kanina'y nakalugay. Hindi na ako nagpalit ng jeans, tutal kumportable naman na ako.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri