Chapter 4

8 1 0
                                    

[Serene Joy]

"Tahan na"

Matapos ng ilang minutong pag-iyak, hindi parin humupa ang aking paghikbi. Nakakahiya man sa harapan nila... Yes, nasa harapan ko ngayon sina Rhayn at Vince. Sinundan pala ako ng taong hindi ko man kinamumuhian ngunit laging nagpaairal ng aking kahihiyan.

Gaya ng dati, hindi ako muling nagsalita. Sunod sunod man ang aking hikbi, hindi nito matatakpan ang hiya na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.

"Joy, gusto mo ba munang umuwi? I- I'm sorry, hindi ko naman alam na ganyan ka pala ka-sensitive? Rhayn you should have told me... "

Ngayon ko lang narinig sa kaniya ang marahang pananalita niya. May kagaspangan man ngunit may sinseridad na hindi naman niya ginawa sa akin noong kami'y mga bata pa. Mabuti na lamang at hindi niya ako nakilala, siguro'y sinisigawan na niya ako ngayon.

Tumingin ako sa labas at madilim na nga. Mukhang magtatagal talaga ako dito ng isang linggo tulad ng sinabi ni Rhayn. Pinilit lang naman ako pero nagsisisi na ako kung bakit ako nagpahila sa kaniya kaninang umaga. 

"Ihatid na kita sa inyo"–Rhayn

"Paro magdidilim na, bukas nalang kayo umuwi, sasabihan ko si Manong. "-Vince

Sa kabila ng gulat, nanahimik parin ako sa gilid. Ganoon na ba niya ako hindi nakilala at pati ang pagtrato niya sa akin ay iba sa dating kinagawian niya? Tinignan ko ang repleksyon ko sa harapan ng maliit na salamin na katapat ko ngayon. Marami ngang nagbago at nag-mature sa mukha at katawan ko.

"Tara na, ihahatid na kita sa itaas, mukhang pagod ka pa sa biyahe, tapos pinaiyak pa kita "–Vince. Humarang ang mukha niya sa harapan ko dahilan ng pagbaling ko sa ibang direksyon.  Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin, ngunit wala aking balak na tanggapin iyon. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Malakas man ang kaniyang pagkakahila pero may halo naman iyong pag-iingat. Kung hindi lang ako biglang nahiya, ay baka kinilig na ako ngayon. Sa landi ko noon, mukhang hindi parin natatanggal hanggang ngayon.

Ngunit hiya ang gumapang sa aking sistema kayat hinila ko lamang ito mula sa pagkakahawak niya at nanguna na sa paglalakad papunta sa hagdanan.

Hindi ko na tinignan ang mukha niya dahil sumusunod pala siya sa akin,  hanggang sa makapasok ako sa loob ng kuwarto na tutuluyan namin ni Rhayn. Inalalayan niya ako ngunit wala na akong balak magpasalamat sa kaniya.

"Ayos ka na ba? Tanong sa akin ni Rhayn na nasa likod ngayon ni Vince. I just nodded as a response.

"Sige, magpahinga na kayo, good night". –Vince

Humakbang siya paatras at tumalikod sa amin habang naglalakad palayo. Tinignan ko ang kaniyang likod. Marami nga ang nagbago sa pisikal na anyo niya. Sa paraan ng paglalakad niya na noon ay mukhang siga pero ngayon, may isinisigaw nang pagkapormal. Pati sa pananalita, paraan ng pagtingin, pati ng paggalaw ng kaniyang mga labi na minsan ko lamang mapansin dahil palagi akong nakayuko. Pati na rin ang kapansin pansin na straight black hair niya na mas malambot pa yatang hawakan kesa sa'kin.

Nauna na akong pumasok at sumunod naman sa akin si Rhayn. Hindi na niya ako kinausap hanggang sa matapos akong magbihis ng pantulog.

Ngayon, kasalukuyan na kaming nakahiga sa malaking kama nila. Nags-sleepover naman kami dito palagi noon ni Rhayn at mukhang namiss ko talaga ang mga araw na iyon. Mula sa pagkakahiga, tumayo aki at humarap sa kaniya. Akala ko ay tulog na ngunit hindi pa pala.

"Rhayn? "

"Hindi ka pa ba inaantok, Rene? "

"I need to go back"

"Huh? "–Rhayn na halata ang gulat at pagkalito sa mukha. Akala siguro niya ay magpapahinga na ako dahil sa nangyari kanina.

"G-gusto kong bumalik sa dating Serene"–dagdag ko. May natitira pa naman akong tiwala sa kaniya.

Pero gusto ko munang maglibang para naman humupa ang tensyon na nararamdaman ko ngayon. At syempre gusto kong muli akong mapalapit sa natatanging kaibigan ko. Kahit na isa siya sa mga naging rason ng disorder ko ngayon.

"Gusto ko----tayong... Maging tulad ng dati" puno nanaman iyon ng lakas para marinig niya.

"O sige! Gusto ko yan! Dating gawi?! "–Rhayn na parang nabasa niya ang iniisip ko, hindi na nakakapagtaka. Wala naman kaming ibang ginagawa dito noon kundi mag-indoor camp.

Tumakbo kami sa walk in closet niya at naghalungkat ng mga damit at mga kurtina na maaaring gamitin para gawing isang tent. Dati rati kasi ay bawal kaming lumabas dahil sa security kaya ito palagi ang ginagawa namin.

As if were still young, naglaro at nagtakbuhan kami ni Rhayn hanggang sa mapagod kami. Hanggang sa makatulog kami sa ilalim ng tent sa ginawa namin.

Until now, hindi ko parin maipagkakaila, na kahit naipagkait sa akin ang tinig ko sa hindi inasahan na pangyayari, sa oras na ito... Alam ko na kuntento na ako sa simpleng pagbabalik tanaw ko sa mga bagay na ginagawa ko wayback when I was still the talkative Serene Joy Salvador.

Sa kabila ng nangyari kanina kasama si Vince, alam kong weird pero nakaramdam ako ng relief. Lalo na dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Kahit na alam kong hindi magtatagal iyon.

"Rene, gising na! "

Bumangon kami ng maaga ni Rhayn dahil mamamasyal daw kami sa may malapit na sunflower garden na bagong bukas lang daw noong nakaraang linggo. Ngunit kasama daw namin si Vince dahil hindi daw niya alam ang pasikot sikot dito.

Kahit magaan na ang pakiramdam ko, hindi ko parin maitatangging narito parin sa tabi ko ang nag-iisang kalaban ko. Nandito kami ngayon sa teresa. Si Rhayn na nasa tabi ko at kumakaway sa mga dumaraan na kapitbahay at ako, na nakayuko at abala sa pagkalikot ng cellphone. Alam kong summer ngayon pero nakasuot ako ng jacket dahil nilalamig ako sa nerbyos dahil sa mga dumaraan na tao.

(Sa mga taong nakararanas ng selective mutism, nagagawa lamang nilang makipag-salamuha kung talagang kumportable sila sa isang tao o nakasama na nila sa mahabang panahon. Kaya sa kalagayan ngayon ni Serene, talagang mahirap para sa kaniya ang social life)

Ang akala ko'y uuwi ako ngayong araw ngunit sa tingin ko'y nawala na sa isipan ng nila na ihatid ako pauwi dahil sa excitement na mamasyal sa garden. Gustuhin ko mang magreklamo pero ginapangan nanaman ako ng walang hiyang selective mutism.

*************

-GaietyRiri

A SILENT RESPONSEWhere stories live. Discover now