[Serene Joy]
"Serene? Wake up... "
I opened my eyes. Bumungad sa 'kin ang mukha ni mommy na mukhang kaliligo lang.
"May bisita ka, baby. Come on bangon na".
"Sino po? "
"Si Rhayn"
Nang marinig ko ang pangalan na iyon, dali dali akong nagbihis at bumaba agad at gaya nga ng sinabi ni mommy, naroon nga si Rhayn, nakaupo sa sofa at may hawak na orange juice. Bihis na bihis siya at sa lagay na iyon, alam kong aayain niya akong mamasyal.
Just like the old times...
-------------------------
"Good morning sleepy head, Rene! "
"Hi Rayn! "
"Ang tagal mo naman~Kanina pa ako naghihintay dito oh... Magbihis kana"
Madalas siya ang nag-aayang mamasyal kahit saan. Hindi ko alam kung saan kami tutungo pero siya daw ang bahala...tutal may sarili naman silang sasakyan.
"Huwwwaaaaawww" my mouth began to form in 'o'. "Ang ganda naman dito Rhayn"
"Madalas kaming namamasyal dito ni mommy, eh. So, tara na! Excited na akong pumunta sa playground! "
Nandito kami ngayon sa childrens park at sa totoo lang... hindi ako madalas mapunta rito kahit malapit lang naman sa amin.
Dalawang bodyguards ang nakabuntot sa amin ngunit sanay na kami doon.
Sa mga oras na magkasama kami ni Rhayn, ito parati ang nangyayari...
"Rhayn halika rito! Hindi bat sinabi ko na sa iyo na huwag kang makikipagkaibigan diyan? "–Vince
"Pero kuya, she's my friend! Naglalaro lang naman kami"–Rhayn
Dito rin naglalaro sina Vince. Hindi na ako mabibigla kung andito siya kasama ang mga kaibigan niya tuwing weekend. Pero kung titignan ang kaniyang itsura ngayon, mukhang hindi siya bagay sa lugar na ito dahil sa dala dala niyang gitara.
Sa lagay na ito, hindi ko maipagkakailang bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa edad kong ito, hindi ko alam pero hinahangaan ko talaga si Vince. Kahit pinagbabawalan niya akong makipaglaro sa pinsan niyang si Rhayn. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. He was ten years old back then.
YOU ARE READING
A SILENT RESPONSE
RomanceSerene Joy Salvador have this kind of disability called 'selective mutism'. She loves music, specifically singing. Come on! Join me to look on to the journey of Serene Joy, as I start my first story. -GaietyRiri