KABANATA V: Anibersaryo

44 3 0
                                    


Nasa silid-aralan kami ngayon at nagkaklase si Ginoong Gamboa habang ako naman ay nakapalumbaba na iniisip ang nangyari kahapon at agad na ginuhit ang napaginipan ko kagabi. Isinulat ko din maging ang naging pag-uusap namin ni Villanueva.

Aurora na nakaukit sa gintong kuwintas

Pagkapamilyar ng aking mukha

Malapit lamang sila

"Si Aman Sinaya ay ang diyosa ng dagat, karibal ito ni Bathala at ang pag-aaway nila ang dahilan ng pagkakabuo ng ating arkipelago. At si binibining Aurora naman ay nakapalumbabang abala sa kaniyang kwaderno. Binibining Aurora?" narinig ko na lamang ang pangalan ko sa pag-aaral.

"Po?" sabi ko at wala sa sariling napatayo.

"Tila ika'y abala sa kung ano man ang iyong ginagawa sa iyong kwaderno binibini?" tanong nito at kumapa na lamang ako ng dahilan.

"Ako po ay nagsusulat ng aking mga nalalaman tungkol kay Aman Sinaya ginoo" sabi ko na lamang.

"Tila madami kang nalalaman sa kaniya maaari mo ba itong ibahagi sa iyong mga kaklase?" utos nito at agad akong kinabahan at napalunok na lamang na kinuha ang aking kwaderno na walang laman kundi mga salita at ginuhit na larawan mula sa aking mga panaginip simula noong naparito ako sa San Diego.

"S-Si Aman Sinaya ang nagpadala ng malakas na alon para sa diyos ng langit na ginantihan naman ng kabila ng malalaking tipak ng lupa na naging dahilan upang mabuo ang ating mga isla at kabundukan na pinalilibutan ng karagatan" kunwaring basa ko sa kwaderno ko. Mabuti na lamang at isa ito sa pinakapaborito kong diyosa kaya alam ko ang kwento nito.

"Sino ang pinakahinahangaan mong diyos o diyosa pagdating sa Pilipinas?" pagbabato na naman nitong muli ng katanungan.

"M-Madami mang nakakamanghang mga taglay ang mga diyos at diyosa, ang diyosa na si Mangechay na mula sa rehiyon ng Pampanga ang pinakahinahangaan ko dahil kilala ito bilang tagahabi. Sinasabing ang kalangitan ang kaniyang obra maestra at ang liwanag ng mga bituin ay sanhi ng mga maliliit na butas sa kanyang habi. Hindi ba't nakakamanghang obra maestra nito ang magandang kalangitan tuwing gabi at maging ang kalawakan?" mahabang sagot ko at nagtanong upang makumbinsi sila sa dulo.

"Magaling. May angkin kang talino binibini, sana ay mahawaan mo ang mga nabubulok mo ng mga kaklase. Ngunit kahit may alam ka ay magbigay ka ng atensyon sa aking klase, maliwanag ba?" tanong niya at tumango na lamang ako bilang sagot.

"Ang galing mo naman! Magpapaturo ako sa'yo ng assignments ha?" bulong ni Artia na nakipagpalitan pa ng upuan para lang makatabi ako.

Pagkatapos ng nakakapagod na maghapong klase ay sabay kami ni Artia tinahak ang daan pauwi sa dormitoryo, ngunit sabay kaming natigilan ng may grupo ng mga estudyante ang nakapalibot sa isang pader ng gusali ng larangan ng medisina. Nagpatangay na lamang ako sa hila ni Artia papunta sa mga nakapalibot.

Agad kaming nagkatinginan ng nakita namin ang vandal na ginawa ng kung sino man sa pader. Isang malaking numero 3 ang nakapinta sa pula at isang hugis puso. Para akong bumalik kahapon at biglang naging maingat sa aking paligid at batid kong ganun din si Artia. Imbes na tahakin ang daan papunta sa dormitoryo ay pumunta kami sa larangan ng medisina na malapit lang kung nasaan si Joaquin.

Nagkataon namang magkakasama sina Joaquin, Herardo at Arturo. Ginabayan namin sila kung nasaan ang nakita naming tugma sa pangyayari kahapon at pagkadating namin doon ay tinatanggal na ito ng mga tagalinis.

"Mag-ingat kayo nasa paligid lamang sila" dinig naming sabi ni Herardo at agad ko namang naramdaman ang kamay ni Joaquin na humawak sa akin.

Pinanuod namin ang pader na nililinisan nila habang pinapakiramdaman ang paligid, ngunit agad akong natigilan ng may nakitang parang may mali sa kasuotan ng isang naglilinis.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon