KABANATA XVIII: Balon

20 1 0
                                    


"Kailangan ko pa bang takpan ang aking mga mata?" sabik na tanong ko at napailing naman ito.

"Hindi na kailangan binibini." sabi nito at hinawakan ang mga kamay ko.

"Naalala mo ba noong niyaya kita na may pupuntahan tayong dalawa? Dito yun. Dito sa El Paraiso. Ang pinakapaborito kong lugar sa buong San Diego" wika nito dahilan para mapairap ako.

"Dito lang pala. Bakit sa dinami-dami ng lugar dito pa? Dalawang kwento na ang nangyari dito at puro trahedya lamang ang nagyari sa bawat kuwento, gusto mo ba na matulad sa kanila?" tanong ko at natawa lamang ito.

"Hindi lahat ng kuwento dito sa El Paraiso ay trahedya ang mga nangyari, katulad na lamang ng balon na ito" tukoy nito sa balon na katabi ng acacia.

"P-Paano napunta 'to dito? Wala naman siya noong pumunta ako dito ah?" tanong ko at manghang napatingin sa balon. Napakaganda nito.

"Matagal nang hindi nagagalaw iyan at may takip lamang na parang nakabaon sa lupa kaya hindi mo napansin ngunit muli ko itong ipinaayos dahil ipinangako ko sa sarili ko na kapag dumating na ang babaeng hinihintay ko ipapagawa ko ito" sabi niya at napangiwi naman ako.

"Huwag mong sabihing may kuwento na naman ng kababalaghan yan balon na yan? Dito ba pinapatapon yung mga sanggol tapos naiyak sila tuwing gabi?" tanong ko at natawa lamang ito bago umiling.

"Kung hindi kababalaghan, so puwede kang maghulog ng barya at humiling para matupad ito? Bakit ngayon mo lang sinabi wala akong dalang madaming barya!" sabi ko at muli itong umiling.

"So ano nga bakit hindi mo na lama---" napatigil na lamang ako nang bigla niya akong halikan ng mabilisan lamang.

"Ikaw ah! Nakakadalawa ka na!" sigaw ko at pinitik lamang niya ako sa noo.

"Huwag kang masyadong maingay. Lumiban lamang tayo sa klase. Baka may makarinig sa atin" sabi nito.

"Patapusin mo muna kasi ako binibini. Katulad ng dagat at acacia ay may kuwento din ang balon na ito" sabi niya at nanahimik naman na ako.

"Hindi siya kagaya ng mga itinuran mo kanina. May kuwento-kuwento na kapag nakakuha ka ng kabibe sa balon kailangan mo itong ibalik dito. May pamahiin kasi noon na kung maghuhulog ka ng kabibe matutupad ang kahilingan mo, ang pinakahinahangad mo sa buhay. Ngunit walang natupad sa mga kahilingan ng mga naghulog nito kaya natambak ang kabibe sa loob nito. Isang araw may isang lalaki ang nakakuha ng isang kabibe kahit na malalim ito. Siya ang bumaliktad sa kuwento dahil sa oras na isinauli niya ang kabibe natupad ang kahilingan niya, ang mahanap ang kaniyang tunay na pag-ibig" kuwento nito dahilan para mamangha ako.

"Ibig sabihin walang malungkot na kuwentong nakakubli dito?" tanong ko at nakakapanibago siya nang muli kong nasilayan ang lungkot na naipinta sa kaniyang mga mata.

"Meron. Pero hindi ko na lamang sasabihin sa iyo, malalaman mo din sa oras na isasauli mo ang kabibe sa balon na ito" wika niya at nagtaka naman ako sa kaniyang itinuran.

"Paano yan wala naman akong kabibe" maang na sabi ko habang hinahanda niya ang timba sa balon.

"Wala ka talagang magiging kabibe kung hindi mo susubukan" wika nito at ibinigay sa akin ang timba.

"Anong namang gagawin ko sa kabibe na makukuha ko?" tanong ko na agad naman niyang sinagot.

"Ibabalik mo din ito sa tamang panahon at humiling ka ng isang hiling" sabi nito at ngumiti para palakasin ang loob ko.

"Susubukan ko" nginitian ko lamang siya pabalik at sinimulan nang ibaba ang timba.

Nang iahon ko ito ay muntik pa akong mahulog sa balon ng may nakita akong kabibe sa timba.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon