"Paumanhin binibini kung pinagkamalan kitang alalay ni Artia" agad namang paumanhin ni Herera sa akin at bahagya pa itong yumuko.
"Ayos lamang binibini. Halina sa kalesa at tayo ay humayo na" wika ko at bibitbitin na sana ang bagahe niya ngunit agad itong kinuha ni Arturo.
Inihatid kami ni Arturo sa kalesa. Nagtulungang makasakay sina Artia at Herera. Hindi man lamang sila tinulungan ni Arturo.
"Sa aking kalesa ka na sumabay" wika ni Arturo na siyang kinagulat ko.
"Pero--".
"Sige na Aurora sumama ka na sa iyong manliligaw" sabi ni Artia at kinindatan pa ako. Nais ko mang sabihin na hindi ko siya manliligaw ay hindi ko magawa.
Nauna na si Arturo at sinundan ko na lamang siya kahit hindi ko siya manliligaw.
Inilahad niya ang kamay niya upang tulungan ako ngunit hindi ko iyon tinanggap at umakyat mag-isa sa kalesa kahit nahirapan ako. Hindi ko pa rin nakakalimutang pumunta siya dito kahit sinabi niya noong hindi siya pupunta.
"Paumanhin kung hindi ko nasabing pupunta ako dito" paumanhin niya at sumakay na sa harap at siya ang nagsilibing kutsero.
"Bakit ka kasi nandito? Hindi ka na nakatiis na makita siya?" tanong ko.
"Sa tono mo ay tila nagseselos ka binibini" sambit nito at sinimulan nang patakbuhin ang kabayo.
"Hindi ah!" dipensa ko at narinig ko siyang tumawa. Muntik ko na siyang batukan dahil sa pagtawa niya ngunit agad naman itong nagsalita.
"Hindi siya ipinunta ko dito, kundi ikaw" sabi nito at ipinakita ang isang kahoy na may nakaukit na 6 na hugis diamond mula sa kaniyang bulsa.
Gustuhin ko mang tumalon na lamang mula dito sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan ay hindi ko magawa. Nagmukha ba talaga akong nagseselos sa tono ko?
"P-Paumanhin kung iba ang aking inisip" pagpapaumanhin ko na lamang at sa pangalawang pagkakataon ay natawa ito.
"Nang-iinis ka ba?" wala sa sarili kong sinabi at mas lalo siya natawa.
"Hindi man kita nakikita binibini ay tila naipipinta ang iyong reaksyon sa aking imahinasyon" sabi nito dahilan para hampasin ko siya.
"Whatever!" hindi ko na napigilang magsalita ng wikang Ingles dahil sa pagkapikon.
"May pupuntahan ka ba sa katapusan ng linggo binibini?" tanong nito ilang sandali lamang.
"Wala naman bakit?" mataray pa ring sagot ko dahil pa rin sa pagkapikon kanina lang.
"May pupuntahan sana tayo" sabi nito.
"Saan naman? Sinong kasama natin?" sunod na tanong ko.
"Mas maigi kung hindi mo ito malalaman. Tayo lamang dalawa kung iyong nanaisin binibini" sagot nito at agad namang napawi ang pagkainis ko. Real quick!
"Tayong dalawa lang?" pagpapakumpirma ko at tumango lamang ito bilang sagot.
Awtomatikong napangiti ako sa kaniyang naging sagot. Saan kaya kami pupunta? Kahit na sa katapusan ng linggo pa ito ay bigla akong nakaramdam ng pagkasabik lalo pa at kaming dalawa lamang.
"Bakit pala sinakyan mo ang kung ano mang sinabi ni Artia na manliligaw kita?" maya-maya ay tanong ko.
"Kilala ko si Herera, kukumpirmahin niya muna ito bago maniwala kaya hinayaan ko na lamang kanina" confident nitong sagot.
Pagkarating namin sa dormitorio ay sakto naman na kakarating lamang din nila Artia at Herera.
Tinulungan pa rin ni Arturo si Herera para sa kaniyang mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Aurora (COMPLETED)
Historical FictionSa kagustuhan maging tanyag na guro ay napadpad si Selene na di kalaunan ay naging si Aurora sa Universidad de San Diego. Isang unibersidad na tila hindi nalipasan ng panahon dahil sa makalumang kultura at pamumuhay dito (Spanish Era). Nagsimula ang...