KABANATA XV: Opisina

29 1 3
                                    


Hindi ko alam kung anong iisipin ko kung ang kasal o ang maaaring katotohanang magkapatid sina Herardo at Herera. Kung ang kasal, sino ang ikakasal? Kung tungkol sa magkapatid, bakit nila nilihim ito sa akin? Anong magandang dahilan nila para paglihiman ako? May mawawala ba kapag umamin sila?

"Wala naman silang magagawa dahil buo na ang ating desisyon at wala nang anumang makakapagbago nito" sabi ng matandang lalaki nang hindi sumagot si Herardo.

"Siya nga pala senior, sino ang iyong tinatawag na Selene?" tanong nito sabay tingin sa akin.

"Oo nga pala, hindi ko pa naipapakilala sa inyo si Selene Alcantara. Siya ang bagong mag-aaral sa ating unibersidad sa larangan ng edukasyon" pagpapakilala niya sa akin.

"Selene, siya si Senior Agosto ang gobernadorcillo" tukoy nito sa matandang lalaki na nginitian lamang ako.

"Si Seniora Victora, ang pinakamagandang maybahay sa buong San Diego" papuri naman nito sa mataray na matandang babae na tinaasan lamang ako ng kilay at nginitian si Senior Damian dahil sa sinabi nito.

"At tiyak kong kilala mo na ang kanilang dalawang anak. Sina Seniorito Herardo at Seniorita Herera" pagpapakilala niya sa magkapatid na hindi man lamang makatingin sa akin. So, magkapatid nga sila?

"Bago pa mapalayo ang usapan. Aking iaanunsyo kung bakit tayo nagkaroon ng munting salo-salo para sa isang engrandeng dahilan" sabi ni Senior Damian at itinaas ang kaniyang wine glass at pinatunog ito gamit ang kaniyang kutsara.

"Papa!" sabay na suway sa kaniya ng kambal ngunit tinawanan niya lamang ang mga ito bago muling nagsalita.

"Ang bunsong anak ng mga Acosta na si Seniorito Arturo at ang bunsong anak ng mga Garza na si Seniorita Herera ay mag-iisang dibdib. Isang engrandeng kasal ang magaganap. Hindi ba Senior Agosto?" anunsyo nito na siyang patunay na hindi talaga para sa akin ang salo-salo. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya tumayo na ako at buong lakas na nagsalita kahit nanghihina na ako.

"P-Paumanhin, ngunit kung inyong mamarapatin ay kailangan ko nang lumisan. Salamat na lamang po sa pag-imbita" sabi ko.

"Bakit Selene? Hindi ba't naitakda ka na ding ikasal kay Ginoong Joaquin?" sarkastikong sabi ni Senior Damian. Hinayaan ko na lamang ito at tinahak ang daan palabas ng mansion.

Binilisan ko ang pagtakbo nang makarinig ako ng mga yapak na sumusunod sa akin. Napahinto ako at biglang napayuko nang kumulog ng napakalakas. Bumagsak ang napakalakas na ulan dahilan para ibuhos ko ang luha ko. Tila nakikisama ang panahon sa aking nararamdaman. Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko saka naging ganito ang mga nangyari.

May yumakap sa likuran ko at hindi ko man siya tignan ay kilala ko na kung sino siya.

"Shhh. Nandito lang ako tahan na" sabi nito at habang tinatapik ang ulo ko.

"Please Kenneth. Huwag mo muna akong sundan. Parang awa mo na" tugon ko at sinimulan na namang tumakbo.

Nang nakalayo-layo na ako ay hindi ko na alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay malayo na ako sa mansion ng mga Acosta. 

Kasabay ng pagtigil ng luha ko ang pagtigil ng ulan, nakikiayon nga ang panahon sa akin. 

Nang mahimasmasan ay umupo ako sa isang ugat ng puno at doon tumulala. 

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon