Tinanggap ko ang kamay niya at napadpad kami sa kasalukuyan ngunit naging parte din ng aking nakaraan. Nakaraan ng isang Selene Alcantara. Ang nakaraan na pilit kong tinatakasan.
"Promise me just stay here okay?" kakasundo niya lamang sa akin mula sa school at pinapakiusapan niya akong manatili sa loob ng convinence store.
"Yes mommy, pinky promise!" I said as I show my pinky finger to her and she accepted it.
"Thank you baby, I promise babalik din ako" ani nito at nagmadaling lumabas ng convinience store.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Luna at nagkibit-balikat lamang ito.
Habang nasa candy section ako ay may lumapit na bata sa akin.
"Do you have some candy?" tanong nito sa akin.
"Sorry, my mom told me that don't talk to strangers" sabi ko at tatalikuran na sana siya ngunit napatigil ako sa sinabi niya.
"Then let's be friends!" sabi nito at inalok ang kaniyang kamay.
Nakipagkamay na din ako sa kaniya sa huli. Umupo kami sa isang silya habang naghihintay kay Mommy. Napansin ko ang nakatakip sa kaniyang bibig kaya agad kong pinuna ito.
"Why are you wearing surgical mask? Are you a doctor? But you're too young" inosenteng tanong ko at napailing siya.
"Nope. My mom said I need this mask to protect myself" sabi niya.
"My mom said sharing is loving" sabi ko at nilabas ang lollipop ko at binigay ko sa kaniya.
"Thank you!" pasasalamat niya pagkaabot ko nito sa kaniya.
"What is your name?" tanong ko dahilan para mapatingin ako kay Luna. Kahawig niya ang bata na nakilala ko noon dito sa convinience store at parehas sila ng kasuotan ngayon.
"I am Arabella" sambit nito at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Do you want to meet my Mom? Nasa labas lang siya" tanong niya na siyang pinag-isipan ko.
"But I promised that I will stay here" I said and she just open her lollipop. Bakas ang saya sa mukha niya bago niya ito isinubo.
"Luna itigil mo na ayaw ko ng balikan ito!" suway ko kay Luna ngunit hindi niya man lang ako nilingon.
Nakita ko na lamang ang batang ako na lumabas sa convinience store na sana hindi ko na lamang ginawa. Sumunod naman sa akin ang batang babaeng nakilala ko sa convinence store. Agad na hinanap ng mata ko si Mommy at hindi alintana kung may sumusunod man sa akin.
Nagtagpuan ko siya sa isang restaurant. Nakita ko siya na nakatingin sa isang direksyon at agad ko namang sinundan ang tingin niya. I saw Dad with another woman, nakayakap si Dad sa kaniya habang umiiyak ang babae. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko sa araw na iyon at agad na lumapit kay Mommy.
"Mommy please stop crying" yakap ko kay Mommy at doon ko napansin ang kasama kong babae na nakatingin din kina Daddy. Nahulog niya ang lollipop niya at nagsimula na ding umiyak.
"Luna!" sabi ko at pinatigil na niya ito.
"Alam mo ba ang pagkakamali ng mommy mo?" tanong ni Luna sa akin at napatingin naman ako kay mommy na parang estatwa ngunit kita pa rin ang kaniyang mga luha na hindi niya pa napunasan.
"Ito ay ang hindi kausapin ang daddy mo at tanungin kung bakit niya kayakap ang babaeng iyan" turo niya sa kayakap ni dad.
"Hindi ba halata? They have an affair!" sigaw ko sa kaniya at natigilan ng bigla siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Aurora (COMPLETED)
Historical FictionSa kagustuhan maging tanyag na guro ay napadpad si Selene na di kalaunan ay naging si Aurora sa Universidad de San Diego. Isang unibersidad na tila hindi nalipasan ng panahon dahil sa makalumang kultura at pamumuhay dito (Spanish Era). Nagsimula ang...