Ang Wakas

38 2 0
                                    

Sinuot ni Selene ang nakahandang salamin sa lamesang tabi ng kaniyang kama upang makakita ng maayos. Nagmadaling nilisan nito ang kaniyang silid nang marinig niya ang balitang may gaganaping duyog kung saan masisilayan ng lahat ang pagsasama ng araw at ng buwan. Kahit na madami pang nakakabit sa kaniya ay tinggal niya ito. Hindi niya alintana kung sino ang kaniyang nakakabangga hanggang sa nadapa ito dahil kaniyang nabunggo ang isang nurse na hindi din tumitingin sa kaniyang dinaraanan. Tatakbo sana itong muli ngunit natigilan siya ng mamukhaan ang nurse.

"A-Artia? Buhay ka!" banggit nito sa pangalan ng kaniyang naging matalik na kaibigan.

"Sorry but I am nurse Xia, hindi Artia. How can I help you ma'am?" takang tanong ng nurse.

"Hindi mo ako maalala?" tanong ni Selene at nang lumiwanag ang mukha ng nurse ay sumibol ang pag-asa sa kalooban niya na totoo ang mga nangyari sa bayan ng San Diego. Ngunit parang bumagsak ang kaniyang mundo nang marinig ang naging tugon ng isa.

"Selene! Right! Selene Alcantara! Sino pong hindi makakakilala sa inyo? Ikaw po ang pinakamatagal na pasyente dito" wika ng nurse dahilan para matigilan si Selene.

"Tama! Kasabay niyo po si Miss Arabella Garza at hinihintay namin kung sino ang mas unang magigising sa inyong dalawa. Ma'am Selene! Nanalo ka! Yes! Nanalo din ako sa pustahan" pahina na pahina na sambit ni Xia. Ngunit naging malinaw ang lahat kay Selene lalo na nang narinig niya ang isang pamilyar na pangalan. Ang pangalan ni Herera sa kasalukuyan.

"Arabella Garza? Pasyente din siya dito? Maaari ko ba siyang siyang puntahan sa kaniyang silid? Nais ko siyang makita" sabi nito sa nurse at masiglang inalalayan naman siya nito papunta sa ICU.

"Matagal na po siyang hindi nagigising halos magkasunod lamang po kayo na naconfine dito" sabi ng nurse at tinitigan naman ni Selene ang parang natutulog lamang na si Herera. Payat na ito dati ngunit mas lalong bumagsak ang kaniyang timbang dahil sa malubhang kalagayan nito.

"Ano ang kaniyang nasa kamay?" tukoy ni Selene sa hawak-hawak ni Herera.

"Isa pong kabibe ma'am. Inilagay po iyan ng kaniyang ina sa kamay niya" sabi ng nurse at sabay silang napalingon sa pintuan nang pumasok ang pangalawang ina ni Selene, si Dorothy.

"S-Selene! Gising ka na pala!" wika nito at niyakap ang anak ng kaniyang asawa.

"Yes tita" ang tanging nasabi ni Selene dahil naiilang pa rin siya dito.

"Lalabas na po ako. Excuse me" sabi ng nurse at umalis na.

"Siya nga pala si Arabella, ang aking anak. Hindi mo naman sinabi na magkakilala pala kayo" pakilala ni Dorothy sa anak nito.

Sumilay ang napakalaking ngiti sa labi ni Selene nang maalala niya ang lahat ng sakripisyo ni Herera na nagngangalang Arabella sa pangalawa nitong buhay. 

"Naging mabuting kaibigan po si Arabella sa akin. Matagal din po kaming nagkasama" sambit ni Selene dahilan para mapaluha si Dorothy.

"Mabuti pa kayo ay nagkasama. Hindi ko man lamang siya nakasama ng matagal dahil inilayo siya ng kaniyang ama sa akin. Patawad kung naisali ka sa galit ko Selene. Sana ay patawarin mo ako dahil hindi ako naging mabuting ina sa iyo" umiiyak na sabi ni Dorothy.

"Naiintindihan po kita" ang tanging naging tugon ni Selene. 

"Tama na ang drama. Siya nga pala may ibinilin pala siya sa akin bago siya natulog ng napakahimbing" sabi ni Dorothy at tumayo upang kunin ang isang sobre sa isang lamesa at kinuha ang kabibe sa kamay ng anak nito.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon