KABANATA VI: Makinilya

32 3 0
                                    


"Pedro pakikuha ng gamot ni Papa sa kaniyang kwarto" utos ni Arturo kay Pedro.

"Opo Senior" magalang na pagpayag naman nito at agad na umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni Senior Damian.

Bakit ba may mga tao dito sa San Diego na nagugulat o di naman kaya napapamilyaran sa mukha ko? Ilang gabi ko ding iniisip kung bakit sila nagkakaganun. Pangatlong beses na kay Senior Damian. Hindi kaya may koneksyon ako sa dalawang larawan na nasa panaginip ko bago ako pumunta dito sa San Diego o isa ako sa kanila?

Ang isa pang bumabagabag sa isip ko ay ang sinabi ni Arturo kanina na hindi daw ako si Aurora. Oo, ako si Selene pero base sa pagkakaalam ko, Aurora ang pinangalan sa akin ng kambal niya at binigyan niya din ako ng kuwintas na nakaukit dito. Bigla akong napalingon sa kuwintas.

Pero hindi kaya...

Agad na naiwaglit ang mga iniisip ko at mga posibilidad na nangyayari. Nabigla na lamang ako nang bigla akong hilain ni Artia palabas ng mansion papunta sa kinaroroonan nina Talia, Joaquin at Herardo.

"May nangyari ba sa loob?" alalang tanong ni Talia at hindi na lamang kami umimik.

"Mag-usap nga tayo" sa pagkakataong ito ay ako naman ang humila kay Artia sa gilid ng hardin kung saan walang makakarinig sa amin.

"Artia, spill the tea. Alam kong may nalalaman ka. It's your turn to shine" sarkastiko kong sabi.

"What do you mean?" maangang tanong niya na halatang may tinatago nga dahil hindi makatingin ng deretso sa akin.

"Noong unang araw ko dito nagulat si Ginang Alba na makita ako ganoon din si Senior Damian kanina lang, maging ikaw noong una mo akong nakita akala mo ba hindi ko napansin? Anong ibig mong sabihin noong sinabi mong may naalala ka pero imposibleng maging ako?" mahabang tanong ko.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sagutin ang mga gumugulo sa isip mo Aurora" sabi nito na tila ba nag-ibang tao dahil ngayon ko lamang siyang nakitang seryoso.

"Malalaman mo din ang lahat sa tamang panahon" sabi nito at walang pasabing lumisan.

Naguguluhan man ay pinili kong bumalik sa kasiyahan kahit hindi naman ako nagiging masaya. Mas lalo lang akong naguluhan ng napunta ako dito, ano bang mali sa akin? Ano bang meron sa akin na kailangan ko pang malaman sa naitakdang panahon?

"Magandang gabi sa bawat taong nandirito, mga mamamayan ng San Diego. Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kalayaan ng ating inang bayan, ang bansang Pilipinas" saktong nagsimula na ang kasiyahan pagkabalik ko sa pwesto namin.

"Itaas ang ating mga baso ng alak at sabay-sabay nating bigyan ng isang kampay ang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas. Kampay!" masiglang sabi nito at maririnig mo na lamang ang pagkakasagi ng mga babasaging baso sa isa't isa kasabay ng pagtugtog ng mga musikero.

Nagsimula ng kumain ang mga iba at ang iba naman ay sumasayaw sa gitnang espasyo ng kasiyahan. Pagkatapos naming kumain ay sinayaw ako ni Joaquin.

"Bakit ang lawak ng iyong mga ngiti" tanong ko sa kaniya at mas lalo niya lamang itong nilawakan.

"Nakakabighani ka ngayong gabi binibini" sabi nito at hindi ko maiwasang mapailing.

"Hindi ko pa pinipirmahan ang kontrata na ipapakasal ako sa iyo balang araw kaya huwag mo munang ipagkakalat sa iba" pag-iiba ko nag usapan at agad pumasok sa isip ko na nasabi ko na pala ito kina Rina, Lila at Artia ngunit hindi nila alam kung kanino ako naitakdang ipakasakal, este ipakasal.

"Kailan mo ba balak permahan? Ako'y nababagot na binibini" nakangusong sabi niya dahilan para matawa ako.

"Hindi mo bagay" sabi ko at mas lalo niya lamang hinabaan ang pagkakanguso.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon