"A-Artia?" siya ang napaginipan ko kanina sa bus bago ako pumasok dito sa university na ito at natitiyak ko namang hindi ko pa siya nakikita noon. Bigla ko din naalala ang ginang na unang nakita ko dito na gulat na gulat na makita ako, maging si Lila ay sinabihang pamilyar ang aking mukha.
"K-Kilala mo ako?" tanong niya na siyang dahilan para bumalik ako sa katinuan. Binigay ko ang libro sa kanya at wala mang balak na makapagkaibigan ay nginitian ko na lamang siya.
"Narinig kita kanina sa mga nag-uusap sa tapat kong lamesa. Tiyak kong Artia ang pangalan mo dahil itinuturo ka nila" pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba? Matunog kasi ang pangalan ko dito maya-maya mong maririnig. Siya nga pala salamat" tukoy niya sa libro bago niya ito sinama sa mga libro din na bitbit niya.
"Bakit pala parang gulat kang makita ako? Kilala mo ba ako?" tanong ko ngunit napailing lang siya.
"May kamukha ka kasi, may naalala lang ako sa'yo. Pero imposibleng maging ikaw 'yun" sabi niya at ngumiti ng pilit.
"Nandito ka pala Artia at nagkita pa kayo" sabi ni Herardo na bigla na lamang sumulpot sa eksena.
"Hala! Ikaw 'yung bago kong magiging kamag-aral!? At magiging katapat ko ng kwarto?!" halos patili na sabi niya at parang kumikinang ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"Siya nga binibini" maikling sagot ng isa dahilan para tumalon-talon na si Artia.
"Mabuti naman at may bagong mukha. Inaamag na nga ako sa silid-aralan na 'yun at mukhang inaamag pa ang ibang kasama ko" sabi niya na para bang kay tagal talaga siyang naghintay.
"Tutal nagkita naman na kayo, oras na upang ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa mga pangalan at alituntunin dito sa unibersidad. Makapaghihintay naman ito binibini" tukoy niya sa librong hawak niya.
"Nagagalak akong makilala ka. Nawa'y maganda ang karanasan mo dito sa Universidad de San Diego at 'di kalaunan ay magiging kumportable ka na. Oh, siya may iguguhit pa ako ikaw na bahala sa kanya Artia. Mauuna na ako" paalam nito at yumuko muna bago tuluyang lumisan.
"Halika maglakad tayo sa labas para maturo ko din ang hindi bawal galawin at pasukin dito" sabi niya, nilapag ang mga libro at hinila ako palabas ng library.
"Napuntahan niyo na lahat alam ko pero sa pinakadulo hindi. Tiyak kong nandoon na naman si Arturo at hinihintay ka kaya medyo bagalan natin ha?" sabi niya at hinila na naman ako sa may dalawang 2nd floor na building at pinapagitnaan nila ang isang palapag lamang na maliit na opisina na hindi ko napansin kaninang kasama ko si Herardo.
"Sa kaliwang banda ay ang mga silid ng guro. Sa kanan naman na banda, sa taas ay opisina ng Punong guro at sa baba naman ay opisina ng gabay tagapayo. Diyan ka mapupunta kapag lumabag ka sa batas. Wala namang bago sa mga rules and regulations kagaya ng dati mong school kagaya ng bawal manira ng pag-aari ng university, bawal magsulat sa dingding, bawal maglakad sa damuhan, sundin lamang ang ladrilyo na nakasemento na dapat daanan, bawal ang ganito, bawal ang ganyan something like that. Ang babae ay inererespeto ng kagaya noon kaya dapat disente ka. Ginoo, binibini, ginang, señor at señora ang tawagan dito depende sa antas nila, maliban na lamang kung kakilala mo ang isang tao, pwede namang basahin mo na lang ang ibibigay kong libro tungkol sa mga ito" mahabang sabi niya.
Nakakapanibago lang na may nakikitang nagsasalita ng English dito of course except Cassy na for sure nakahiga na naman ngayon sa kama niyang kulay pink.
"At isa sa pinakabawal na labagin ang pagsasalita ng English. Yes, I know ginagawa ko pero kapag wala namang tao" bulong niya sa akin sabay bungisngis.
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Aurora (COMPLETED)
Fiction HistoriqueSa kagustuhan maging tanyag na guro ay napadpad si Selene na di kalaunan ay naging si Aurora sa Universidad de San Diego. Isang unibersidad na tila hindi nalipasan ng panahon dahil sa makalumang kultura at pamumuhay dito (Spanish Era). Nagsimula ang...