KABANATA VIII: Imbitasyon

29 2 0
                                    


Nandito kami ngayon sa silid-aralan. Nagklaklase ngayon si Ginoong Gamboa habang ako naman ay nakatingin kay Arturo. Pagkatapos niya akong yakapin kahapon ay hindi na niya ako kinausap hanggang ngayon.

Oo, na parang walang nangyari. Habang ako, excited pa na nagsulat kahapon sa makinilya kung anong mga nangyari kahapon kaya nakatanggap na naman ako ng panibagong liham mula sa taong 1897.

"Tapos ka na ba sa takdang-aralin natin?" wika ko kay Arturo pagkatapos ng klase namin.

Nagsusulat siya ngayon sa kaniyang kwaderno.

"Hindi pa" maikling sagot niya.

"Gusto mo sabay na lang tayong gagawa mamaya sa silid-aklatan?"

"Hindi na"

"Kahit ngayon lang?"

"Dito lang ako gagawa"

"Ayos na pala ang sugat ko. Hindi na masyadong masakit" sabi ko ng wala na akong maisip na itatanong.

"Mabuti naman" nakakainis niyang sagot.

Tumayo na siya at dinala ang mga gamit niya at lumabas na sa silid-aralan. Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko at sinundan siya.

"Saan ka ngayon pupunta? Hindi naman sa silid-aklatan kasi sabi mo sa silid-aralan ka na lang gagawa ng takdang aralin" nagtatakang tanong ko.

"Sa kantina" maikli na namang sagot niya na parang nasa talk show kami ng tanong ko sagot mo ng ilang segundo. Tss.

"May baon ako. May sabaw siya kaya pwede kong ibahagi sa'yo, gusto mo?" alok ko nagulat na lamang ako ng bigla siyang mapahinto.

"Pwede ba huwag mo akong sundan" sabi niya at muli na namang naglakad. Binilisan ko ang lakad ko para muli siyang sundan.

Muntik ko ng makalimutan na lunch break na pala. Napuno ng mga estudyante ang kantina at kaniya-kaniyang kain ang mga grupo-grupo ng mga estudyante. Ang iba naman ay nasa pila pa para kumuha ng kanilang pagkain.

Nilapag ni Arturo ang gamit niya sa isang lamesa na pangdalawahan. So, dito pala siya kumakain ng lunch? Simula bukas hindi na ako magbabaon.

Oo, alam kong ang weirdo ko ngayon pero kagabi pa ako hindi mapakali, gusto ko na agad siyang makita dahil lang sa hindi malaman na dahilan kung bakit tumibok ang puso ko kahapon hindi dahil sa kaba.

Pagkalapag niya ng gamit niya ay iniwan na niya akong mag-isa sa lamesa.

"Huwag ka ng bumili ng ulam ha?" pahabol na wika ko sapat na para marinig niya.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid habang naghihintay. Kadalasan ng mga estudyanteng kumakain dito ay bahagyang tumitingin sa akin tapos nagbubulungan ngunit hinayaan ko na lamang sila.

Nilabas ko ang baon kong pagkain at pagkatapos nito ay sakto namang bumalik na si Arturo. Bigla akong napasimangot ng napansin kong may binili siyang ulam.

Tahimik siyang kumain habang ako naman ay nakatingin lamang sa kaniya habang nakanguso.

"Huwag mo akong panoorin" sabi niya dahilan para simulan ko na lamang kainin ang baon ko.

Nagulat na lamang ako ng inusog niya papunta sa akin ang ulam niyang afritada na parang sinasabing kumuha ako rito.

Nakangiti akong tinanggap iyon at masiglang kumain.

"Paborito mo bang ulam ang aftitada?" pambabasag ko ng katahimikan.

"Hindi" maikli na namang sagot niya dahilan para tuluyan na akong mainis to the highest level pero hindi ko pinahalata iyon.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon