KABANATA XIX: Nakaraan

16 1 0
                                    


"Sa wakas ay natapos na ang aking matagal na pinakahihintay" dinig kong sabi ng isang batang boses.

Umalingawngaw ang tunog ng ambulansya sa buong lugar. Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang pagtakip nila ng itim na kumot kay Pedro samantalang ang katawan ko naman ay tinitignan kung may malay pa ito.

Hindi ko alam pero hindi lingid sa aking kaalaman na wala ako sa katawan ko, na mahirap man paniwalaan ay isa akong kaluluwa ngayon na para akong nasa isang panaginip.

"Ito na ba ang pagtatapos ng buhay ko?" wala sa sariling usal ko.

"Hindi pa ito ang katapusan dahil hindi mo pa nasisilayan ang nakaraan" dinig kong sabi muli ng tinig ng isang bata.

Pagkatingin ko sa aking likuran ay may isang batang babae ang nakahawak ng lollipop at nakasuot ng uniporme.

"Handa ka na bang balikan ang iyong nakaraan Selene?" sabi nito na parang mas matanda sa akin sa tono ng kaniyang boses.

Tumango ako dahil matagal ko na itong hiling, simula pa lamang ng panaginip ko bago ako pumasok sa Universidad de San Diego.

"Kung gayon ay sasamahan kita" sabi nito at itinaas ang kaniyang kamay na tila nag-aalok na tanggapin ko ito. Pagkahakbang ko pa lamang ng aking mga ay pakiramdam ko ay nahulog ako sa isang bagin. Umiikot ang aking paligid at tila nahuhulog ako sa isang walang haggang patutunguhan nito. Nagulat na lamang ako nang mag-iba ang paligid. Mula sa tunog ng ambulansya at sa kalsada ay napadpad kami sa isang hardin. Nang ilibot ko ang aking paningin ay may dalawang bata sa tabi ng isang puno na tila nag-aaway.

"Sinabi kasing akin na yan eh!" dinig kong sigaw ng isang bata habang hila-hila ang isang manika.

"Ibinigay sa akin ito ni ina kaya sigurado akong akin ito!" umiiyak na sabi ng isang batang babae habang nakipag-aagawan din.

"Bakit tayo nandidito?" tanong ko sa batang nagdala sa akin dito.

"Pagmasdan mo lamang sila. Ang lahat ng iyong masisilayan sa nakaraan ang makakasagot ng iyong mga katanungan sa kasalukuyan" wika nito kaya muli kong ibinalik ang tingin sa dalawang batang nag-aaway.

"Sandali nga! Bakit ba palagi mo na lamang siyang inaaway ha?!" sigaw ng isang kakadating lang na batang babae. Nagulat na lamang ako ng ako ito noong bata pa lamang ako, pero makaluma ang kasuotan nito. Tumakbo ang bata nang makita niya ang batang ako dahil sa takot.

"Ayos ka lamang ba Artia?" tanong ng batang babaeng kamukha ko at pinahid ang luha ng tinawag niyang Artia.

"Ngayon ay alam mo na kung bakit labis na lamang kung dumikit sa'yo si Artia, at kung bakit niya hinayaang mapaslang ang kaniyang sarili para lamang mailigtas ka dahil kahit bata pa lamang kayo noon ay ikaw lamang ang may kakayahang magtanggol sa kaniya" wika ng batang babae na nagdala sa akin dito dahilan para maiyak ako sa nalaman ko.

"S-Sino ka? At bakit nagagawa mo ang lahat ng ito, ang pagbalik sa akin sa nakaraan?" tanong ko sa kaniya at nginitian niya ako bago sumagot.

"Tawagin mo na lang ako sa pangalang Luna na kagaya ng pangalan mo na ang ibig sabihin ay buwan" sabi nito at nagulat na lamang ako ng itulak niya ako at bigla na namang nagbago ang isang paligid. Napunta kami sa isang bukid at tirik na tirik ang araw.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon