KABANATA XIII: Orasa

16 1 0
                                    


"Alam kong hindi ka pa nananghalian binibini" abot ni Arturo sa pagkain. Basta ang alam ko lamang ngayon ay nag-iinit ang mukha ko dahil sa kilig.

"S-Salamat ginoo" tanging nasabi ko at tinanggap naman ito. Ngising napatingin sa akin sina Talia at Artia na may panlilisik na mata. Kung wala lamang si Arturo ay tiyak kong lalaitin na naman ako ng dalawang ito.

"Kumain ka na ba Arturo? Sumabay ka na sa amin" wika ni Talia.

"Ako! Sasabay ako!" sulpot ni Herera na hindi ko pa napansin na nakarating na pala ito dito sa silid-aralan.

Napatingin sa kaniya si Arturo bago magsalita.

"Paumanhin ngunit may gagawin pa ako mga binibini. Paalam" pagtanggi nito at bumalik sa kaniyang upuan.

"KJ na naman" bulong ni Artia at tila narinig ito ni Herera kaya napilitan itong ngumiti.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa silid-aklatan. Alam kong may alam si Herera, ayaw umamin ni Artia kaya si Binibining Mara na lamang ang kukulitin ko.

Nang makarating ako sa silid-aklatan ay agad akong nadismaya nang makitang wala siya sa upuan niya. Sinuyod ko ng tingin ang lugar at natigilan ako nang makita kong nasa parte siya ng aklatan kung saan kinuha ni Arturo noon ang aklat na inagaw niya.

"May hihiramin sana akong libro" sabi ko at tila nagulat siya sa presensya ko.

"Nawawala ang librong hihiramin mo" sabi nito at agad na man akong nagtaka.

"Anong ibig mong sabihing nawawala?" tanong ko at umiling ito.

"Ninakaw ito" dismayadong sambit nito at napahawak na lamang sa ulo at tinignan ako na parang nambibintang.

"Hindi ako ang kumuha" agad na pagdepensa ko sa sarili ko dahilan para mapabuntong-hininga siya.

"Alam ko na kung sino" bulong nito pero sapat na upang marinig ko.

"Sino?" tanong ko.

"Ayaw pa niyang malaman mo ang katotohanan" sabi nito at pumunta sa pwesto niya. Hinayaan ko na lamang ito at sinimulan na ang mga katungang ipinunta ko talaga dito.

"Hindi ba't sinabi mong dati magtatanong lamang ako sa'yo binibini?" tanong ko at napangisi siya.

"Nagtatanong ka na sa lagay mo" sarkastiko nitong sagot dahilan para huminga ako ng malalim upang pigilan ang inis.

"Alam kong alam mo ang nakaraan ko. Kailangan mo itong ikwento sa akin" wika ko at napangisi ulit ito dahilan para mainis na ako ng tuluyan.

"Hindi naman tanong yan" pilosopo nitong sambit.

"Fine! Ano ang nakaraan ko?" tanong ko at hindi napigilan ang sarili kong magsalita ng wikang Ingles.

"Kung gusto mong malaman ang mga kasagutan kailangan mong makuha ang kuwintas" wika nito at biglang nagflash sa utak ko ang kuwintas na suot ng babaeng kamukha ko na may orasa (hourglass) sa loob ng bilog na may itim na buhangin. Sa pagkakaalala ko ay binigay daw ito ni Arturo kay Herera.

"Tama, iyon nga" wika ni Binibining Mara na parang nabasa nito ang iniisip ko.

"Anong mapapala ko kung makukuha ko ito?" tanong ko at nakahalukipkip siyang nakangiti sa akin.

"Ang kuwintas na iyon ay mahiwaga. May dalawa kang pagpipilian, ang matanaw ang nakaraan o matupad ang iyong isang kahilingan. Ngunit kapalit ng isang kahilangan ay kailangan may isakripisyo ka" napakunot ako sa sinabi nito. Gusto kong matawa dahil sa narinig ko ngunit hindi ko magawa.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon