Sa sobrang pagkalutang ay hindi ko namamalayang sa kwarto pala ako ni Artia pumasok imbes na sa kwarto ko.
"Lutang na lutang girl?" maarteng sabi niya.
"Sorry" tanging sambit ko at lalabas na sana ng bigla niya akong pigilan.
"Alam ko kung anong iniisip mo. She's just his past at wala ka dapat ipag-alala" sabi niya na kinagulat ko parang nabasa niya kasi kung anong nasa utak ko.
"Anong pinagsasabi mo?" pagtanggi ko ngunit hindi niya ako tinantanan.
"Si Herera yun dati niyang kasintahan. Hindi naman siguro magiging si Mansisilat yun na magkakatawang tao bilang isang matandang manlilimos upang makapasok sa mga bahay at makapanira ng mga relasyon ng mag-asawa. Huwag kang mag-alala boto ako sa'yo para sa kambal ko" tukoy niya sa isa sa lecture namin na hindi pa naituturo sa libro.
"Una, mabuti naman at nag-aadvance reading ka na. Pangalawa, wala kaming relasyon ni Arturo. Pangatlo lalong-lalo na't hindi kami mag-asawa at pang-apat hindi ako interesado" sabi ko at sinara na ang kaniyang pinto.
Napabuntong-hininga na lang ako pagkalabas ng kaniyang kwarto. Nagpapakatransparent na naman siguro ako kaya madali niyang basahin ang kung anong nasa isip ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay naglinis muna ako ng katawan bago natulog.
"Promise me just stay here okay?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mommy habang pinapanatili ako sa isang convinience store. Kakasundo niya lang sa akin galing sa school.
"Yes mommy, pinky promise!" I said as I show my pinky finger to her and she accepted it.
"Thank you baby, I promise babalik din ako" ani nito at nagmadaling lumabas ng convinience store.
Habang nasa candy section ako ay may lumapit na bata sa akin.
"Do you have some candy?" tanong nito sa akin.
"Sorry, my mom told me that don't talk to strangers" sabi ko at tatalikuran na sana siya ngunit napatigil ako sa sinabi niya.
"Then let's be friends!" sabi nito at inalok ang kaniyang kamay.
She looks nice kaya nakipagkamay na din ako sa kaniya. Umupo kami sa isang silya habang naghihintay kay Mommy. Napansin ko ang nakatakip sa kaniyang bibig kaya agad kong pinuna ito.
"Why are you wearing surgical mask? Are you a doctor? But you're too young" inosenteng tanong ko at napailing siya.
"Nope. My mom said I need this mask to protect myself" sabi niya.
"My mom said sharing is loving" sabi ko at nilabas ang lollipop ko at binigay ko sa kaniya.
"Thank you!" pasasalamat niya pagkaabot ko nito sa kaniya.
"What is your name?" tanong ko tutal magkaibigan naman na kami.
"I am Arabella" sambit nito at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Do you want to meet my Mom? Nasa labas lang siya" tanong niya na siyang pinag-isipan ko.
"But I promised that I will stay here" I said and she just open her lollipop. Bakas ang saya sa mukha niya bago niya ito isinubo.
Sa sobrang pagkainip ay nabasag ko ang pangako ko dahil lumabas ako sa convinience store that day na sana hindi ko na lamang ginawa. Sumunod naman sa akin ang babaeng nakilala ko sa convinence store. Agad na hinanap ng mata ko si Mommy at hindi alintana kung may sumusunod man sa akin.
Nagtagpuan ko siya sa isang restaurant. Nakita ko siya na nakatingin sa isang direksyon at agad ko namang sinundan ang tingin niya. I saw Dad with another woman, nakayakap si Dad sa kaniya habang umiiyak ang babae. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko sa araw na iyon at agad na lumapit kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Aurora (COMPLETED)
Historical FictionSa kagustuhan maging tanyag na guro ay napadpad si Selene na di kalaunan ay naging si Aurora sa Universidad de San Diego. Isang unibersidad na tila hindi nalipasan ng panahon dahil sa makalumang kultura at pamumuhay dito (Spanish Era). Nagsimula ang...