KABANATA IX: Kaarawan

19 1 0
                                    


Dumaan muna kami sa mall bago makarating sa condo ni Cassy. Bumili kami ng mga damit dahil hindi din ako nakapagdala sa San Diego, ayaw ko din namang umuwi sa bahay. Bumili din kami ng cake dalawang number 2 na balloon and drinks. Yes, she's turning 22 and 4 years ang age gap namin.

Pagkadating namin sa harap ng condo niya ay chineck ko muna kung kumpleto na ang gamit.

"Sure na bang kumpleto na?" tanong ko sa kanila at parang tangang nagsalute lang si Artia bilang tanda na okay na ang lahat. Nang makasiguro ay sinumulan ko ng kumatok.

"Surprise!" sabay-sabay naming sigaw pagkabukas niya ng pintuan. Mabilis na lumandas sa kaniyang mga pisngi ang kaniyang luha at agad na niyakap ako.

"Thank you guys!" wika niya ng bitawan na niya ako.

Tahimik kaming pumasok dahil hindi pa naman nila kilala si Cassy. Kaya sinimulan ko ng ipakilala ang mga kasama ko.

"Guys, this is Cassy" turo ko kay Cassy at kumaway ito sa kanila.

"Cassy, these are my friends Artia, Talia, Arturo and Herardo. And I know you already know Joaquin" pagpapakilala ko sa kanila at kay Kenneth.

"Joaquin? Ang baduy!" wika ni Cassy dahilan para mapatawa kaming lahat napakamot na lamang ang isa.

Nagsimula na ang kasiyahan ng sindihan ko na ang birthday cake ni Cassy. Sabay namin na hinipan ito dahil nasanay na kami na ganun ang ginagawa.

"I wish na magkakaboyfriend ka na!" wish ko at muling nagtawanan ang iba.

Nagsimula na kaming kumain. Nagpatugtog ako ng malakas kaya parang damang-dama na party talaga. Ang mga babae ay nasa veranda, kasama nila si Cassy. You know getting to know each other stage pa lang habang ang mga lalaki naman ay pinipilit uminom si Arturo sa sala, dahilan para mapapunta ako doon

"Sige na kasi Arturo. Isang shot lang naman!" pamimilit ni Herardo habang ang isa ay nakahalukipkip na nakatingin lamang sa kanila.

"Sa akin na lang" kuha ko sa alak at ininom ito. Nagulat naman silang lahat lalo na si Joaquin.

"Hindi ba hindi ka umiinom?" tanong niya sabay kuha ng pulang cup shot.

"Well, it's just my first time" sabi ko at napailing na lamang sila.

Pumunta sina Joaquin at Herardo sa kusina kaya naiwan kami ni Arturo sa sala.

"So, it's fine to speak in English now. Can you speak in our universal language Mr. Xian?" wika ko sa kaniya.

"Ayaw" parang batang sabi niya dahilan para matawa kaming dalawa. So, may side pala siyang ganito.

"I'm just joking. I mean, hindi ako magaling sa wikang Ingles. Nakakaintindi ako pero hindi ako diretsong nakapagsasalita" wika ko.

"But you did earlier" napatigil ako ng magsalita siya ng wikamg Ingles. Why so hot?

"So, kaya mo?" sabi ko at napailing na lamang siya.

"Hindi din masyado binibini, mas sanay ako sa ating wikang pambansa" sabi niya. Infairness, mas humahaba ang kaniyang mga sagot.

"Anyway, bakit ayaw mo pa lang uminom?" sabi ko at nilgyan ang baso ko ng alak na agad naman niyang kinuha.

"Hindi ako pumunta dito para diyan" tukoy niya at tinabig ang kamay ko ng binalak kong kunin ulit ito.

"Eh anong ginagawa mo dito? Come on, let's have fun!" wika ko at mabilis na kinuha ang cup shot bago pa niya muling tabigin ang kamay ko.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon