KABANATA XVII: Panaginip

22 1 0
                                    


"Mauuna na ako, may pasok pa tayo mamaya" sabi ko at hindi na alam ang gagawin dahil sa kutob na nabuo sa akin. Paano kung kagaya din niya si Lila, na pinagkatiwalaan ko at sa huli ay kasapi pala ng Mazo de Cartas?

"Patawad talaga kung kami ay naglihim sa iyo" muling paumanhin niya. Tinanguan ko lamang siya at binigyan ng pilit na ngiti bago ako lumisan. Pasikat na ang araw ng lisanin ko ang museo. Kailangan ko nang maghanda para sa unang asignatura.

Pagkadating ko sa aking silid ay pabagsak kong ihiniga ang sarili ko. Sobrang daming pangyayari ngayon.

Muntik na akong sunduin ni kamatayan ng dalawang beses.

Trinaydor ako ng mga pinagkakatiwalaan ko.

Pinaglilihiman ako ng mga tao sa paligid ko.

At ang tanong na ang buwan ba at ang araw ay hindi maaring magkatagpo ay biglang naglaho dahil ikakasal na si Arturo. Tama din si Senior Damian sa kaniyang tinuran na ako ay naitakda nang ipakasal. Hindi ko pa man ito pinipirmahan ay alam kong hindi magpapapigil si Daddy sa kaniyang pasya at ito ay ang maikasal ako kay Joaquin.

Halos magulantang ako nang hindi ko namamalayan na nasa tapat na pala ako ng pintuan ni Artia at balak ko na sanang kumatok nang bumukas ito.

"Nakatulog ka ba? Kamusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Taeness ang pangit mo pala kapag hindi nakatulog" ang isaasahan kong sasabihin nito at para na lamang siyang inihip ng hangin.

"Ikaw Artia? Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? I'm so sorry!" wala sa sariling sabi ko inaasahang nandidito siya at napatigil nang mapansin na si Rina pala ang nagbukas ng pinto.

"Ayos ka lamang binibini?" tanong nito at tanging iling lang ang naging sagot ko bago inayos ang aking sarili.

"Nakita niyo po ba si Binibini Artia? Wala po kasi siya sa kaniyang silid. Imposible pong maaga siyang pumasok dahil kilala ko po siya. Baka tulog pa nga po siya ngayon eh" sabi nito dahilan para mas lalo kong gustong umiyak dahil wala siyang alam tungkol sa kaniyang pinagsisilbihan.

"Kailangan niya munang hindi pumasok ng mga ilang araw" sabi ko at hindi naman na siya nagtanong pa.

"Kung gusto mo binibini ay ikaw na lamang ang maligo sa kaniyang palikuran. Sayang naman po ang tubig na inipon ko" pag-alok nito.

"Sige. Kukunin ko lamang ang aking tuwalya" sabi ko at pupunta na sana sa kwarto ko nang bigla niya akong pigilan.

"Patawad po pala kagabi binibini kung ako ay nagsinungaling sa inyo. Napag-utusan lang po ako" sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Papatawarin lamang kita kung sasabihin mo kung sino ang nag-utos sa iyo" sabi ko at nagsimula niyang kalikutin ang magkabila niyang mga daliri.

"I-Ibinilin po kasi niya na hindi ko po ito sasabihin sa inyo" halatang kabadong sabi nito.

"Kung ganoon ay hindi kita kayang patawarin" sabi nito at muli siyang tinalikuran.

"S-Si Seniora Victoria po" sabi niya na siyang nagpatigil muli sa akin.

Napangiti na lamang ako nang sinabi niya ito. Alam ko na kung saan kukunin ang kuwintas.

Nagmamahal, Aurora (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon