"Ayos ka lamang? Kanina ka pa tahimik?" nag-aalalang sabi ni Arturo habang tinatahak namin ang daan papunta sa aking dormitorio. Sino ba namang magiging maayos kung kinuha nila ang librong maaring makasagot sa mga katanungan mo? Naiinis pa rin ako at naghihinayang at the same time. Gusto ko mang magtanong sa kaniya pero nangibabaw ang pagkulo ng dugo ko. Kung sana hindi siya pabida, eh di sana nalaman ko na kung ano ang nakakubli sa mga panaginip ko.
"Oo ayos lang ako" ang tanging nasabi ko para wala na siyang masabi pa.
Napahinto ako ng nasa tapat kami ng opisina ni Senior Damian. May masasagot kaya sa mga katanungan ko kung makakapasok ako sa opisinang iyan?
"Bakit ka napahinto binibini?" tanong sa akin ni Arturo ng mapansin niya ako. Tinuloy ko ang paglalakad at nakaisip ng tanong.
"Bakit kaya hindi pwedeng makapasok sa opisina ni Senior Damian?" tanong ko at bahagya siyang napatigil bago tinuloy ang paglalakad.
"Hindi ko din alam" maikling sagot niya na siyang ipinagtaka ko.
"Bakit hindi ka pa nakakapasok sa loob?" gulat na tanong ko at napailing lamang siya bago sumagot.
"Hindi din ako pinahihintulutang pumasok kahit gustuhin ko man" sagot nito.
"Kung hindi ka pa nakapasok mas lalo na ako".
"Bakit gusto mong pumasok?" tanong niya.
"Wala lang. Nakakapatay kasi ng kuryosidad kung anong laman nito kung bakit hindi siya nagpapasok."
"Masyado lang talaga siyang pribadong tao simula pa daw noong bata kami ay ganoon na siya" sambit nito.
"Alam mo pakiramdam ko gusto mo na akong maging kausap. Hinahabaan mo na kasi ang mga sagot mo eh!" wala sa sariling sabi ko at halos tapikin ang bibig ko dahil sa nasabi ko.
"Bakit ayaw mo?" tanong niya dahilan para biglang uminit ang mukha ko. Hindi na lamang ako sumagot at binilisan ang paglalakad ngunit agad naman niya akong hinabol.
"Binibini tila ikaw ay namumula" sambit niya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa dormitoryo.
"Paalam" ang tanging salitang sinabi ko at hindi hinintay ang kaniyang maging tugon at agad kong sinara ang main door ng dormitoryo.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makapasok na ako sa kwarto at napahawak sa aking magkabilaang pisngi at humarap sa salamin.
"Namumula nga ako" parang tangang sabi ko sa sarili ko at ngumiti.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at hindi mapigilang sumigaw.
"GUSTONG-GUSTO!" tili ko at parang baliw na nagparolyo-rolyo sa kama.
"Tila masaya ang bruha" dinig kong sabi ni Artia kaya agad akong napatayo at inayos ang sarili ko.
"Hindi ka man lang kumatok" irap ko sa kaniya at para siyang tangang bumalik sa pintuan at kumatok dito.
"Okay na?" maarteng sambit pa nito at siya naman ang humiga sa kama.
"Feeling ko mas malambot ang iyong kama kumpara sa akin. Maiutos ngang ipagpalit" sabi niya dahilan para mapahalukipkip ako.
"Anong ginagawa mo dito?" deretsong tanong ko at napaupo naman siya.
"May pabor sana akong hihilingin" parang tutang sabi niya at lumapit pa sa akin.
"Ano?" wika ko.
"Alam kong hindi ito labag sa loob mo pero ikaw na lang ang tanging makakasama ko. Umayaw na si Talia dahil may gagawin daw siya".
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Aurora (COMPLETED)
Fiksi SejarahSa kagustuhan maging tanyag na guro ay napadpad si Selene na di kalaunan ay naging si Aurora sa Universidad de San Diego. Isang unibersidad na tila hindi nalipasan ng panahon dahil sa makalumang kultura at pamumuhay dito (Spanish Era). Nagsimula ang...