Wala akong maisagot sa test paper ko. Inaantok ako at hindi ako nakapag review. Fuck.“Pass your papers.” sabi ni Prof. Teressa. Napaface palm na lang ako at hinulaan lahat ng sagot. Damn it.
Napasuklay ako sa buhok ko at ipinasa ang papel. Bahala na.
Dismissal na kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko. Fuck it. Kasalanan 'to ni Pablo Silvestre. Damn him!
Hindi ko na tinignan ang mga tao sa loob ng classroom. Dumiretso ako sa labas at naglakad papunta sa likod ng school. Bahala na, magcutting na lang.
Inilabas ko ang sigarilyo at lighter ko. Umupo ako sa lumang upuan at doon nanigarilyo.
Inubos ko sa pagbuga ng usok ang lahat ng stress na nararamdaman ko. Tumingin ako sa mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid. Damn, sana ibon na lang ako!
Inilabas ko ang chichirya at coke na binili ko at kinain 'yon. Wala akong magawa kundi bumagsak sa exam namin. Mayayari talaga ako ni Daddy sa bagsak kong exam! Eh kasalanan naman niya kung bakit wala akong review!
“Putangina.” I uttered.
Pumikit ako at sumandal sa lumang upuan. Mamaya na lang ako papasok uli, kailangan ko maging kalmado.
Tinungga ko ang coke at sinuklay ang buhok. Nagulat ako ng may marinig na kaluskos sa likuran ko. Nakita ko ang isang maliit na ibon na may bali ang pakpak.
Sinubukan kong abutin ang ibon pero hindi ko magawa.
“Hey, birdie. Wait lang, kukuhain kita.” bulong ko at sinubukang tanggalin ang nakaharang na sirang kabinet.
Pinilit kong mapasok ang kamay ko sa maliit na siwang. Napangiwi ako ng sumabit sa bakal ang braso ko at mabilis 'yun na nagdugo. Damn!
Binilisan ko ang pagkuha sa maliit na ibon at agad na tinanggal ang kamay kong may tatlong malaking hiwa at gasgas na galing sa sirang kabinet. Damn.
“You are going to be okay.” sabi ko sa maliit na ibon at inilapag siya sa upuan. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang dugo na galing sa ibon.
Naglakad ako papunta sa clinic. Nasa palad ko ang ibon na bali ang pakpak at may sugat. Walang estudyante sa labas dahil may klase na. Kumatok ako sa clinic at pumasok.
“Can you…” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Syd na katabi ang nurse at nag uusap sila.
Aatras na sana ako palabas nang lumingon si Syd. Ang malalim niyang mga mata ay tumigil sa akin. He raised his brows. Lumingon na din ang school nurse at lumapit sa akin.
“Where did you got these long cuts?” nag aalalang tanong ng nurse sa akin. Nanatili ang mga mata ko kay Syd na nakatingin lang din sa akin.
“Can you please clean the wounds of this bird?” sabi ko sa nurse. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Tumingin siya sa braso ko pero inilayo ko yun sa kanya.
Inilapag ko ang ibon sa lamesa niya. This bird is unable to fly because he is wounded. Umupo ako sa upuan at tinignan ang ibon na tila parang umiiyak.
“Ayaw mo gamutin ko ang sugat mo?” tanong sa akin ng nurse habang ginagamot ang ibon. Ngumiti ako at umiling.
“Hindi naman masakit.” I lied. I actually feel how it hurts. May dugo pang minsang tumutulo at sobrang hapdi.
“Syd, ikaw na nga ang mag gamot kay Heldigar.” sabi ng nurse kay Syd na nakaupo lang sa kama.
Are they lovers? Uhm…and what are they doing here in the clinic?
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...