"Mavin, come here." tawag ko sa aking cute na pamangkin.
Mabilis na sumunod sa akin ang anak ni Ate Mavisse. Dumating sila noong nakaraang taon pa. Nagkaproblema si Ate at ang kanyang asawa. Third party daw.
"Nako, Mavin. Tataba ka jan." pagtakot ni Chester kay Mavin. Wala namang pake sa kanya si Mavin.
He's already 4 years old, mabuti na lang at bata pa dahil for sure ay susuntukin niya ang sarili niyang ama kapag nalaman niya ang ginagawa non. Pero kahit ganon, matalino si Mavin, for sure ay may alam na rin siya.
Binuhat ko siya at pinakita ang mga ginawa kong cookies.
"Tita," tawag niya sa akin. He kissed me on my lips. Natawa ako sa ginawa niya.
Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi at iniupo siya sa lamesa. Pumasok naman si Ate Mavisse agad niya akong tinaasan ng kilay.
"Nako, ang anak ko ang ginawang taga tikim ng bruha na 'to!" biro niya at kumuha ng cookies.
Tumawa lang ako at iniligpit ang mga kalat sa kusina. Tinulungan naman ako ng mga katulong.
"I heard that you're going back to Michigan?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Birthday ni Mommy." she said, referring her mother in law.
"How's Eilly?" tanong ko sa kanya. She looked at me.
"She's doing great with her baby.." she answered.
We talked about flowers habang nagliligpit ako at habang kumakain si Mavin sa lamesa. He enjoyed the cookies.
"Itutuloy mo ang pagbubukas mo ng Cafè shop sa Pilipinas?" tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Ate, hindi lang naman sa Pilipinas.." sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin ng makahulugan.
"Ano nga ulit pangalan ng shop mo?" nakangising tanong niya sa akin.
"Graine de café." sagot ko sa kanya, nagtaas baba ang kanyang kilay.
"Graine means Seed di ba?" nakangising tanong niya sa akin.
"Ate, Coffee Seed ang english. Huwag ka na maglagay ng kung ano ano pa.." natatawang sabi ko sa kanya.
"Sus, lokohin mo na lahat, 'wag ako.." sabi niya sa akin.
Napailing na lang ako sa kanya at tinapos ang paglilinis.
Pangalawang taon ko na rito, everything is doing fine. Lahat ay kontrolado ko, ang pangarap at mga hilig kong gawin. Hindi pa ako tapos mag aral pero may bago na naman akong inaaral. Nagbalak ako magpatayo ng coffee shop, kaya inaaral ko ang pagbebake at pag gawa ng mga kape at iba pa.
Next year ko pa naman balak ipatayo talaga ang lahat ng 'yon, magsisimula ako dito sa Paris. Plano pa lang naman kaya matagal pa ang proseso.
Dahil ang Buena naman ay beverages ang karaniwang produkto, nagplano ako ng coffee shop na mayroong mga baked goods. And also, Tita Lian owns a flower field, kaya napagdesisyunan kong ang coffee shop ay mayroong mga bulaklak sa loob. Also, with the help of my cousins, naging maayos ang plano ko. I just need to work para magkaroon ng puhunan pangpagawa.
Hindi naman ako pumayag na gastos ni Lolo at Lola ang lahat. Gusto ko rin naman galing sa sariling pera ko.
Kaya ang sabi sa akin ni Lola, bayaran ko na lang daw kapag nakapagtrabaho na ako sa kompanya niya bilang COO pagkatapos ko mag aral ng Business Management. Hindi naman ako nagmamadali, mag tutwenty two pa lang naman ako, mahaba pa ang panahon.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...