chapter 7

28 5 0
                                    

“Miss Silvestre, I didn't expect na magiging ganito kababa ang score mo sa exam.” sabi ni Prof. Teressa. Out of 50, I only got 8. Damn it!

“Are you having a hard time on my subject?” tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa labi ko at tumango. I am very embarassed at my score. Hindi sinabi ni Prof. ang score ko sa harap ng buong klase kaya ang mga kablock ko ay nagtataka. It was very embarassing.

“Would you like to have a tutor for my subject?” tanong niya pa.

Napatingin ako sa kanya at hindi alam ang isasagot.

“Hindi ko po alam kung papayag ang Daddy ko.” nahihiyang sabi ko.

“Mr. Damian already called your Dad. At on the way na ang Daddy mo para pumunta dito.” sabi ni Prof.

I felt scared. Mayayari na naman ako kay Daddy kapag nagkataon. He hates failing grades and low scores.

Nakaupo lang ako sa sofa ng Guidance Room at inaantay si Daddy. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Daddy ang tutor.

Maya maya lang ay naunang pumasok si Roberto at sumunod si Daddy. Hindi ako tumingin sa kanya. Prof. Teressa stood up and shook hands with Daddy.

“Papunta na po dito si Mr. Damian.” sabi ni Prof. Teressa at ngumiti kay Daddy.

Hindi ako nakatakas sa masamang tingin ni Daddy. Umupo siya sa harap ko at hindi nagsalita.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan. Mr. Damian entered the room. Nakipag kamay si Daddy kay Mr. Damian at plastic na ngumiti.

“Good afternoon, Mr. Silvestre.” bati ni Mr. Damian.

They talked a bit and Mr. Damian decided to start the meeting or whatever is this.

“St. Damian University won't let our students fail their grades. We are all here today because I heard the low score of your daughter. It was disturbing...” seryosong sabi ni Mr. Damian.

“At dahil ayaw ko sa mababa ang scores at grades. I suggest you to have a tutor for you daughter.” sabi ni Mr. Damian at nag abot ng papel kay Daddy.

“Ang tutor ay manggagaling sa mga scholar ng St. Damian, you won't pay them because the school will pay for their services. And also, ang tutor hours ay 3 to 5 hours lang, at tanging sa bahay ninyo o sa paaralan lamang. It is your choice.” sabi ni Mr. Damian kay Daddy na nagbabasa ng papel. Nakita ko ang pagtango tango ni Daddy.

“Kailan at papaano malalaman kung sino ang tutor?” agad na tanong ni Daddy. Tumingin si Mr. Damian kay Daddy.

“Mr. Silvestre, I know who you are. Please don't do investigations on my students and please, do not threaten them. My scholar-tutors are doing their best to live and maintain their grades. Please, don't put business in this kind of thing.” seryosong sabi ni Mr. Damian kay Daddy.

Humalakhak si Daddy at tumango. Wala siyang masabi kay Mr. Damian. Kahit ako ay wala akong masabi kay Mr. Damian, he is amazing.

“And if I found out that you are investigating and threathening my students, I will make sure that you will pay for that.” sabi pa ni Mr. Damian at ngumiti kay Daddy.

Kumuha si Daddy ng ballpen at pinirmahan ang papel. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

“This is your daughter's tutor, Mr. Silvestre.” sabi ni Mr. Damian.

Lumingon ako sa pintuan at nakita doon si Syd na seryosong nakatingin kay Daddy.

“Good afternoon.” seryosong bati niya at naglakad papalapit kay Mr. Damian.

EscapadeWhere stories live. Discover now