chapter 21

30 6 0
                                    

Napatitig ako kay Syd na busy sa pagpupunas ng lamesa. Pinaupo niya ako sa pinakadulo at hindi ako makatakas!

Kung babalakin ko mang tumayo ay hahatakin niya ako uli pabalik sa upuan ko. Hindi ko siya maintindihan!

Nakita ko ang text sa akin ni Roberto. Mamayang gabi ay babyahe na sila pabalik dito sa Pilipinas. Bukas ay nandoon na sila mansion. Babalik sa normal na may tali ang paa at may kamay sa leeg ang buhay ko.

Nilapagan ako ni Syd ng Coffee Flavored Frappe at isang chocolate cake. Wala naman akong inorder!

“I can pay for my food, Syd!” madiin na sabi ko sa kanya.

“I can pay for your food, Heldigar.” simpleng sagot niya at bumalik na sa kanyang pagtatrabaho.

Napaface palm ako at napabuntong hininga. At dahil wala akong magawa ay kinain ko na lang ang inilapag niya. Nagscroll lang ako sa instagram at nagulat ng may magmessage.

Syd Torres : Alam mo, takot lahat ng waiter at waitress sayo kasi ansungit ng mukha mo. Isang ngiti naman, Miss. :)

Hinanap ng mga mata ko si Syd. At nagawa pa niyang magchat sa akin!? This guy!!

Nakita ko siya na nakasandal sa counter at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.

“Wow, once in blue moon ang ngiti natin, Syd ah!” sabi ng isang waiter na halatang gulat sa mapaglarong ngiti ni Syd.

Umiling lang si Syd at itinago na ang cellphone niya sa kanyang bulsa at bumalik sa kanyang trabaho.

I watched him work for his own life. His smooth and quick moves attracts everyone. Especially, ladies. Also, add his deep eyes and serious lips. He's a perfection.

He glanced at me and gave me a smile. Nakita ko ang paglingon sa akin ng iilang babae. Syd never smile at them, ako ang nginitian niya.

Nag iwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa cake na nasa harap ko. Lalong nababaliw ang puso ko dahil sa kanya. Nasira ang mga plano ko dahil sa pag amin niya.

He likes me, a lot? Is that even for real?

Parang nakaraan lang ay sabi niya na alam ko na ang sagot niya sa nararamdaman ko. Ano ba ang gusto niya sakin?

Muli akong tumingin sa gawi niya. Seryosong nagseserve, hindi manlang ngumingiti sa mga customer nila. Masyadong seryoso sa buhay.

His shift ended. Inantay kong matapos ang shift niya. Saglitan lang ang shift niya?

Lumapit siya sa akin. Hindi na niya suot ang kulay maroon na uniform ng Sweet Coffee. Nakaputing tshirt na lang siya at ang slacks niya sa school. Napanguso ako at pinigilan ang pagngiti. Hinawi ko ang buhok ko at inayos ang aking bag. Naubos ko ang pagkain na binigay niya sa akin, malamang, siya na naman ang gumastos ng pagkain ko.

“Sorry kung pinag antay kita.” sabi niya at napakahawak sa kanyang batok. Mukhang pagod na siya.. malamang nagtrabaho.


“Ayos lang...may importante ka bang sasabihin sa akin?” tanong ko sa kanya.

I want answers. Kasi sobra na akong naguguluhan sa nangyayari. I want answers from him.

“Wala, alam mo naman na gusto kita. Ano pa ang mas importante doon?” seryosong tanong niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at tumango na lang.

Is this for fucking real?!

Sinukbit ko na ang bag ko at naglakad na papalabas ng Sweet Coffee.

EscapadeWhere stories live. Discover now