"Ate, nakauwi na sina Kuya Ali." tinali ko ang buhok ko at nilingon si Jude na may dalang basket ng pechay.
Tinupi ko ang damit ni Syd at iniwan doon sa papag. Tumayo ako at sumunod kay Jude kung nasaan man si Syd.
Nakita ko si Syd na kakababa lang sa oner ni Lolo. May hawak siyang plastic at bulaklak sa kabilang kamay. Napangiti ako at kumaway sa kanya.
Mag iisang buwan na kami dito ni Syd sa Batanes at wala akong maramdaman kundi ang kasiyahan.
"Magandang araw, Lo!" bati ko kay Lolo na kakababa lang sa oner. Kumaway siya sa akin at lumapit kay Lola na may dalang basket ng itlog.
"Binilihan kita ng tshirt at jacket.." salubong sa akin ni Syd na nakangiti. Hindi ko napigilan na mapangiti sa kanya.
"Salamat.." nakangiting sabi ko at tinignan ang dala niyang plastic na may laman na jacket at tatlong piraso na tshirt.
"Dahil mas maganda ka sa araw." nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak na dala dala niya. Santan ang dala niya ngayon, noong nakaraang araw ay gumamela.
Lalong lumawak ang ngiti niya ng ilagay ko yun sa likuran ng tenga ko.
Being with Syd feels heaven. Habang tumatakbo ang oras na naririto kami sa Batanes ay lalo akong nahuhulog sa kanya. He never failed to put a sweet smile on my lips.
Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso si Syd sa banyo para maligo. Ako naman ay dumiretso sa bakuran para ibabad ang binili ni Syd na mga damit.
Malamig ang klima dito sa Batanes lalo na tuwing gabi. Ang mga dala kong damit ay kung hindi manipis ay hapit naman sa katawan ko.
Pumasok ako sa kwarto namin ni Syd at tinapos na ang pagtutupi ko ng mga damit niya.
Iisang kwarto lang kami ni Syd pero hindi kami magkatabi. May dalawang papag dito sa kwarto at tig isa kami.
Being here in Batanes, I realized a lot of things. I learned and realized things while staying here. I remembered how nervous I am when his Lola looked at me from head to toe.
"Alisyd, ito ba ang kasintahan mo?"
Ayan ang bungad na tanong ni Lola at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Akala ko ay hindi sila nagsasalita ng tagalog, yun pala ay marunong silang lahat.
Ang bahay ni Lola at Lolo dito hindi tulad ng mansion namin. Malayong malayo pero mas gugustuhin ko rito. Malawak ang bahay ni Lolo Karlos, madaming kwarto. Gawa sa bato ang buong bahay, ay mga gamit naman ay gawa sa kahoy at kawayan. Malawak ang bahay at marami ang tao lagi dahil sa ibang kamag anak nila na bumibisita kahit na nasa kabilang bahay lang naman.
Ngayon lang ako nakaranas ng umaga pa lang ay maingay na dahil sa tawanan. I used to have a plain and boring morning. Gigising akong nasa magandang kwarto pero walang ingay na maririnig, habang dito naman ay magigising ako sa katok ng mga pamangkin ni Syd o kaya ay ang tawa ng kanyang mga tiyahin, bubungad sa akin ang isang sementadong pader at kawayan na pinto. Magkaibang magkaiba.
Noong una ay hindi ako makatulog sa matigas na papag na hinihigaan ko, kinabukasan ay umuwi si Syd na may dalang makapal na tela na inilatag niya sa papag ko at simula non ay nakatulog na ako ng mahimbing. He's my savior for all of the things that I am not used to have and do.
Ang pamilya ni Syd ay mainit ang pagtanggap sa amin ni Eilly. Ni isang beses ay hindi ako nakaramdam ng hindi maganda. I feel so welcomed.
Si Eilly ngayon ay nasa Ilocos kasama si Chimmy dahil nagtatrabaho sila. Gusto ko din na sumama pero hindi sumang ayon si Syd.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...