chapter 29

23 4 0
                                    

Umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay kong nanginginig. I felt scared. Natakot ako sa marahas na paghatak sa akin ni Syd. Parehas na parehas sa memorya ko.

Pumikit ako at sinuklay ang buhok ko. He's not like that, may pinagdadaanan lang siya.

Napaigtad ako sa gulat ng bigla siyang pumasok sa kwarto. Mukhang mas okay na siya kaysa kanina.

"Pasensya na sa inakto ko..."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Magkadikit pa din ang kama namin kaya malapit lang siya sa akin noong umupo siya sa sarili niyang kama.

"You should sleep..." sabi ko sa kanya at inayos ang higaan niya.

"We should sleep.." he corrected. Tumango ako at inayos na rin ang higaan ko.

Humiga na siya sa tabi ko. Humarap siya sa akin at nakatingin sa kamay kong nakalapat sa sapin.

"Can I hold your hands?" he softly asked. His eyes were also soft, gone the intimadating and scary Alisyd.

Instead of answering, ako na ang humawak sa mga palad niyang mainit.

"Your hands were cold and shaky.." he stated.

"Did I scare you?" maagap niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti.

"Ayos lang, naiintindihan kita." sabi ko sa kanya at nilaro ang mahahabang daliri niya.

Tahimik lang kaming dalawa, tanging ingay lang electric fan ang naririnig ko. Nakapikit si Syd habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o hindi pa.

"Namimiss ko si Mama.." biglang sabi niya at dumilat. His eyes were red and teary. Nawala ang seryoso at responsableng aura ni Syd. Ngayon ay mukha siyang bata na iniwan ng kanyang ina. He looks so vulnerable.

"She's proud of you and I know that she misses you..." sabi ko sa kanya.

Humiga ako at idinikit ang noo ko sa noo niya. Pumikit ako at hinalikan ang noo niya. He looks so vulnerable right now so I need to be strong for him. He is at his weakest and I need to be the strongest so that he can held my hands.

"I scared you..." he whispered vulnerably.

"It's okay.." sabi ko sa kanya at ngumiti.

He became quiet. He's drunk that's why I understand if he became a drunken master or what else. And also, he is in pain. But I am amazed how gentle he is right now.

Napatingin ako sa kanya dahil nakita ko ang mga luha sa mga mata niya. He was asleep and I guess he is having a bad dream.

"Syd..." nag aaalalang tawag ko sa kanya at ginising.

He opened his eyes at tuluyang bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. Nagulat ako ng yumakap siya sa akin.

"Ma, miss na kita.." he whispered while sobbing.

My heart ached because of his shaky voice. I guess he misinterpret me as his Mom. He was sobbing in my shoulder and I let him. I don't really know what happened to his Mom. Hindi naman siguro magiging ganito si Syd kung hindi malala ang nangyari di ba?

Humiga ako at hinayaan siya sa balikat ko. He stopped crying and he fell asleep again.

"I never knew that you have this side.." bulong ko kay Syd na natutulog sa balikat ko.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyayari. Nagulat ako dahil bumukas ang pinto ng kwarto at sumilip doon si Lola. Napangiti siya nang makita si Syd sa tabi ko.

EscapadeWhere stories live. Discover now