Inilagay ko sa hugasan ang kinainan ko at hinugasan agad 'yon. Lahat ata ay nasa kwarto na. Nakasarado na din ang mga pinto. Tanging lampara na lang ang ilaw. May kuryente pero hindi masyadong kino consume dahil solar panel ang gamit. Wala pa atang stable na kuryente dito. Tuwing gabi lang kami gumagamit ng kuryente para sa electric fan.
Inayos ko ang lampara sa lamesa at naglakad na pabalik sa kwarto namin ni Syd.
Komportableng nakahiga si Syd sa papag habang busy sa kanyang cellphone. Nakasandal siya at nakaunan sa sariling braso. He's wearing a plain black shirt and shorts, he looks perfect.
Napatingin ako kay Lory na inosenteng nakayakap sa hita ni Syd. She looks so cute.
"Matutulog ka na?" tanong sa akin ni Syd habang busy sa kanyang cellphone. Umiling ako at lumapit sa aparador kung saan nakalagay ang mga damit ko.
Kumuha ako ng sweater at jogging pants at muling lumabas sa kwarto. Mabilis lang akong nagbuhos dahil sobrang lamig na ng tubig. Gamit gamit ang lampara ay nakapagtoothbrush ako at nakapagpalit ng damit na pantulog.
Pagkabalik ko sa kwarto ay inaayos na ni Syd ang lampara para pupwede na patayin ang ilaw na ginagamit namin.
Inilock ko na ang pinto at inilagay sa basket ang labahan kong damit.
Rinig na rinig ang pagpatak ng ulan sa sobrang katahimikan. Inayos ko na ang mahaba kong buhok at umupo na sa kama ko.
Ayos din pala kapag magkadikit ang papag namin ni Syd. Tipid sa electric fan at kulambo.
Pinanood ko si Syd na ayusin ang kulambo namin at ayusin ang electric fan at lampara. Malakas ang buhos ng ulan kaya malamig. Kinuha ko ang kumot at ipinatong 'yun kay Lory.
Humiga na ako at ganon din si Syd. Binalot ko ang sarili sa kumot at niyakap si Lory. My heart jumped when Syd looked at me. Magkaharap kami at nasa gitna namin si Lory.
Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pag buhos nang nararamdaman ko para kay Syd. Being with him makes me feel so alive.
He's with my escapades. He's with me during those exciting and foolish experiences. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at mangyayari sa akin kung hindi ko siya nakilala. He introduced me to the real world. How the days work and what the reality is. He introduced me with those stranger feelings. He made me realize a lot of things and he never leave.
"Are you happy?" I asked, almost a whisper. He stared at me for seconds and he closed his eyes.
"I am. I am very happy.." he answered with his low deep voice and opened his eyes. His eyes shows so many hints. I smiled and mouthed 'thank you'.
"For what?" he asked.
"For everything..." sagot ko sa kanya at ngumiti. Muli siyanh pumikit at halos kumalabog ang dibdib ko dahil sa pagngiti niya.
"Hindi ko pa naibibigay ang lahat sa'yo, Heldigar.." nakapikit niyang sabi sa akin. Napataas ang kilay ko.
"I felt like you already gave everything that I need and I think there's no more things you can give because you already gave it to me.." I whispered.
"That's on your point of view, not on mine. If you think I already gave everything, simula pa lang 'yon, Heldigar.." he whispered.
My heart was pounding very hard because of his words. I don't know what to react! I felt like I am suffocating because of his words. What does he mean?
"Why are you so good to me..." I confusedly asked.
"You bring out the goodness and happiness in me, Heldigar." his sleepy eyes opened and met mine.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...