We are all devastated.
"Ma, si Ate!" iyak ni Iris sa tabi ko. Halos maglumpasay na siya sa pag iyak. We all lost the elegance and control.
"Iris.." my voice trembled as I reached for her hand. She was shamelessly crying. We are all crying outside the emergency room.
"This is all your fault, Stefan!" Tito Hugo's voice roared in the hallway.
Pinipigilan ni Tita Irina si Tito Hugo na magwala dahil sa nangyari. Nakita ko ang lalaking nakayuko lang sa sigaw ni Tito Hugo, he wasn't crying.
"I should have known! Tangina mo, Stefan!" galit na sigaw ni Kuya Liam. Ate Leigh and Louise was stopping him to attack Stefan.
"Umalis ka rito, Alonzo." galit at madiin na sabi ni Lolo Dimitri. I never saw him like this, he was calm and jolly all the time. Nakakatakot ang boses niya..
"That's my wife inside the emergen---" he tried to speak but Tito Hugo's fist landed on his face.
"Tangina mo, asawa mo? Putangina mo, asawa mo pa pala ang anak ko?!" galit na sigaw ni Tito at akmang aatakihin muli si Stefan nang humarang si Tita Irina.
"Stop this, Hugo!" umiiyak at galit na sigaw ni Tita Irina at hinarangan si Stefan.
Hinila na ni Tito Horris at Tito Harold ang galit na kapatid.
Dumating ang humahangos na Mr. and Mrs. Alonzo, kasama rin doon ang nakakabatang kapatid ni Stefan. Imbes lapitan ang Kuya at aluin dahil sa nangyari sa asawa, siya pa mismo ang sumuntok sa kanyang kapatid.
"Tangina mo, di ba sinabi ko sayo na pagsisihan mo ang lahat ng 'to?" galit na sigaw ni Stan habang paulit ulit na sinuntok ang sarili niyang Kuya.
Pinigilan naman sila ng guards na dumating. Galit na galit si Constantine Alonzo. And the most heartbreaking part, walang umalo kay Stefan.
Nanikip ang dibdib ko dahil hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng kanyang sariling ama at ina. Tumayo siya mag isa at pinunasan ang labi na may dugo dahil sa suntok ni Stan. Hindi pa rin siya gumagalaw o umiiyak manlang.
Kahit na anong mura at sigaw sa kanya ng mga galit na kapamilya ko ay hindi siya umalis. Umiiyak ang kanyang ina dahil sa nangyari. Lahat ay umiiyak at magulo. Magkayakap ang lahat dahil sa lungkot at pag aalala.
Nakatayo lang sa gilid si Stefan. Mas matigas pa sa bato dahil kahit anong talim ng boses at salita ang ibinabato sa kanya, hindi siya natinag. Ako ang nasasaktan dahil maski ang kanyang mga magulang ay galit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis...
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Umalis ka na!" galit na sigaw ni Iris kay Stefan. Hindi natinag si Stefan sa sigaw ni Iris. Tinanggal ni Iris ang suot niyang heels at galit 'yon na ibinato kay Stefan.
"Kapag may nangyaring masama kay Ate, ako ang papatay sa'yo!" galit na sigaw niya at ibinato pa ulit ang isang matulis na takong kay Stefan.
Hindi manlang sinalag at iniwasan ang mga matutulis na takong ni Iris. Nakatayo lang siya, hindi gumagalaw, ang mga mata ay nasa pintuan ng emergency room.
Napatitig ako kay Ate Mavis na nakahiga sa kama. Inalala ko kung gaano ako nasaktan para kay Stefan noon. Hindi ako nasasaktan dahil sa mga sinasabi ng mga kapamilya ko, nasasaktan ako para sa kanya. It was his wife, ang pinangakuan niya sa harap ng altar. Ang kasama niyang nangako sa harap ng Diyos.
"Ate Mavis, sigurado ka ba?" tanong ko sa kanya dahil gusto niyang basahin ang statement ni Stefan.
Gumagaling na siya bawat pagdaan ng araw. Tatlong buwan na rin naman ang nakalipas. Tumango siya sa akin.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...