My heart sank in pain. She should be happy! Not begging on her knees!
Magulo at iyak ang naririnig ko. Galit at pighati ang namumutawi sa mga labi. Napatingin ako sa humawak sa kamay ko. It's Syd.
Wala siyang ekspresyon at malamig ang kanyang mga palad.
"Tara na.." bulong niya at hinila ako papalabas. Huminto ako at tinignan si Eilly na pilit na pinapatayo ng mga kanyang kaibigan.
"Si Eilly..." sabi ko sa kanya at bumitaw sa kanyang kamay.
---
Nilingon ko si Eilly na mahimbing na natutulog sa tabi ko. She's exhausted, she needs to rest. Namumugto ang kanyang mata at magulo ang buhok. Hindi na siya nakapagbihis dahil nagmamadali kami dahil baka maabutan ako ng bodyguards ko at maabutan si Eilly ni Clevin.
Sinuklay ko ang kanyang buhok ay inayos ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan.
Tumingin ako sa bintana at nakita doon si Syd. Siya ang lumabas ng bus para bumili ng makakain namin.
Nagcommute kami at iniwan lang kung saan ang kotse ni Syd. Ipapakuha na lang daw niya kapag nakarating kami sa Ilocos. At pagdating sa Ilocos ay sasakay kami ng eroplano papuntang Batanes.
It was expensive kaya pinag ipunan ng sobra. Eilly have her own money kaya hindi kami mahihirapan sa pamasahe.
"Kumain ka muna..." sabi ni Syd at inabutan ako ng cup noodles. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang bag na dala namin. Tatlo ang binili niya kaya ginising ko si Eilly para makakain siya.
"Salamat." mahinang sabi ni Eilly at tahimik lang na kumain.
Naawa ako sa kanya dahil sa nangyari, she supposed to be happy pero kabaliktaran ang nangyari.
Pagkatapos niyang kumain ay nakatulala lang siya sa bintana. Nagkatinginan na lang kami ni Syd at parehas na bumuntong hininga.
Mahaba pa ang biyahe namin, hindi naman mamahalin ang bus na sinakyan namin. Ito ang kauna unahang beses kong sumakay sa bus, at ayos naman.
"Matulog ka na..." bulong sa akin ni Syd na nakapikit at nakasandal. Madaling araw na at hindi pa din ako inaantok, hinahanap ng katawan ko ang kama ko para makatulog.
"Hindi pa ako inaantok. Ikaw na muna ang matulog." sabi ko sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko ang ulo niya at dahan dahan 'yun na inilagay sa balikat ko. Ganon din ang ginawa ko kay Eilly. Mahirap ang matulog ng hindi nakahiga.
Mahimbing ang tulog ni Eilly at Syd sa balikat ko. Dilat na dilat ako hanggang sa sumilip na ang araw sa bintana namin. Hindi ako nakakaramdam ng antok, pinanood ko ang bawat daan na nadadaanan namin. It was pretty amazing. Kung paano maging blurred ang dinadaanan namin dahil sa takbo ng bus.
Iniwan ko ang phone ko sa venue ng party ni Eilly. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari roon.
Naramdaman kong gumalaw si Syd, ang kanyang braso ay nahulog sa aking bewang. He's still asleep. Nakasuot siya ng longsleeve na puti at pinatungan niya ng jacket, ako naman ay ang suot kong dress at pinatungan ko lang ng coat na itim.
"Sorry..." he huskily said. Gising na siya?
Umayos siya nang pagkakaupo at sinuklay ang kanyang buhok. Inunat niya ang kanyang kamay at leeg na mukhang nangalay.
"Hindi ka natulog?" tanong niya sa akin pagkatapos uminom ng tubig.
"Hindi ako inaantok." sabi ko at kinain ang binili ni Syd na pagkain kagabi noong nagstop over ang bus.
YOU ARE READING
Escapade
Romance[THROE SERIES 3] She's rich, sophisticated and the graceful daughter of one of the biggest and richest business tycoon in the Philippines. She's Heldigar Justice who was born with golden spoon and her mouth but she wants to spit it out. She wants to...