chapter 31

19 5 0
                                    

Gabi na at mukhang nagtawag pa si Tiya Huli ng mga bisita dahil sa kaarawan ni Jude. Mayroon pang videoke na hindi ko alam kung saan nanggaling. May mga kainuman si Lolo Karlos sa likuran kung saan may videoke.

"Nasaan ho si Syd?" tanong ko kay Lola na nasa kusina.

"Kasama ni Karlos. Hindi ba siya nagsabi na mag iinom siya?" tanong sa akin ni Lola. Umiling ako at ngumiti.

I don't mind kung hindi siya nagpaalam, I just want to know where he is. May itatanong lang ako sa kanya kaya hinahanap ko siya.

Lumabas ako sa likuran at nakitang nag iinuman nga sila. May videokeng tumutugtog at malamig ang simoy ng hangin.

Agad na nagtagpo ang mga mata namin. Akmang tatayo siya nang umiling ako. Ako ang lumapit sa kanya. Ako naman ang may kailangan.

"Oy, Heldigar! Iinom ka rin?" tanong sa akin ni Tita Sancha na may dalang mga pulutan.

"Hindi naman umiinom si Heldigar, Tiya.." si Syd ang sumagot sumulyap sa akin.

"At kung umiinom man, hindi ho ako papayag.." dagdag pa niya.

Makahulugang tumingin sa amin si Tiya at tumawa.

Umupo ako sa tabi ni Syd at inikot ang paningin, lahat siya ay umiinom at nagkakasiyahan. Kumakanta si Tiya Huli kaya maingay.

"Ano ang kailangan mo? Akala ko ba ay matutulog ka na?" bulong sa akin ni Syd. He smells like beer mixed with his usual scent.

"Hindi ako makatulog.." simpleng sagot ko at pinanood si Tiya Huli na abutin ang mataas na tono ng kanta. She's amazing!

Nagpalakpakan ang mga kasama nila at naghalakhakan.

"So, you'll stay here?" tanong niya. Kunot ang noo at seryoso ang mga mata. Tumango ako.

"I'll just watch, hindi naman ako umiinom.." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at uminom ng beer.

Nakikinig ako sa mga kwentuhan at tawanan nila.  Ilang beses na kumanta si Tiya Sancha at Huli. They have amazing voices, ganon din si Lolo Karlos.

Now I wonder if Syd can sing..

"Hoy, Ali. Ito na 'yung kanta mo.." makahulugang sabi ni Tiya Sancha kay Syd at inabot ang mic. Umiling si Syd at humalakhak.

"Ikaw na lang ang kumanta niyan, Tiya.." sabi niya at umiling. Tumingin ako sa kanya.

"Naku! Huwag mong sabihin sa akin na ayaw mo na kumanta kasi naririto si Heldigar?" biro ni Tiya Huli. Umiling si Syd at uminom ng beer bago tanggapin ang mic.

Nagpalakpakan naman ang mga Tita niya. Mukhang excited sa pagkanta ni Syd.

Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko nang tumugtog na ang kanta. Nakatalikod sa akin ng bahagya si Syd kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Daig ko pa ang kakanta dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

I know that song!

"So lately, been wondering
Who will be there to take my place
When I'm gone you'll need love to light the shadows on your face.."

Napaawang ang labi ko dahil sa boses ni Syd. His deep voice sounds really good! Oh gosh, sa tingin ko ay hulog na hulog ako ngayon dahil sa boses niya. I never thought that he sings! His voice is amazing and wonderful, I am very speechless.

"If a great wave shall fall and fall upon us all
Then between the sand and stone, could you make it on your own..."

EscapadeWhere stories live. Discover now